BVM, Queen of the World Parish Youth Ministry

BVM, Queen of the World Parish Youth Ministry Parish Youth Ministry is a youth organization in a parish. It has a mission to make more disciples of Jesus Christ.

Has a vision to make a youth organization with one love, one God.

PAANYAYA:Pagbati ng kapayapaan!Sa diwa ng pasasalamat sa mga biyayang natatanggap sa araw-araw, kami po, mula sa Ministe...
11/01/2026

PAANYAYA:

Pagbati ng kapayapaan!

Sa diwa ng pasasalamat sa mga biyayang natatanggap sa araw-araw, kami po, mula sa Ministeryo ng Kabataan ng Parokya ng Mahal na Birheng Maria, Reyna ng Mundo, ay magsasagawa ng pagkakaloob at isang maikling pasinaya para sa ating kabataan sa darating na ika-18 ng Enero, 2026 sa Kapistahan ng Panginoong Hesus, ang Banal na Sanggol (Sto. Nino).

Layunin po nito ang makatulong at makapagpasaya sa 200 na kabataan na lubos na nangangailangan mula sa mga Munting Sambayanang Kristiyano ng ating parokya. Kaugnay po nito, kami’y lumalapit sa inyong mabuting puso upang humingi ng karagdagang-tulong tulad ng mga sumusunod:

• Mga damit, laruan, sapatos, at tsinelas - bago o medyo nagamit na
• Gatas
• Tinapay na delata
• Mga pagkaing delata
• Noodles

Ang anuman pong ipagkakaloob ninyo ay lubos naming pasasalamatan. Hangad at panalangin po namin ang higit na pagpapala ng Poong Maykapal sa inyong pamilya.

Maaari po ninyo itong dalahin sa opisina ng ating parokya o hanapin lamang si Bro. Daryll para sa inyong mga ipagkakaloob.

Maraming Salamat po!

𝐏𝐀𝐀𝐍𝐘𝐀𝐘𝐀 | 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐮𝐧𝐮𝐥𝐮𝐲𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟓
23/12/2025

𝐏𝐀𝐀𝐍𝐘𝐀𝐘𝐀 | 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐮𝐧𝐮𝐥𝐮𝐲𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟓


23/12/2025

𝐏𝐀𝐀𝐍𝐘𝐀𝐘𝐀 | 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐮𝐧𝐮𝐥𝐮𝐲𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟓


𝐏𝐀𝐀𝐍𝐘𝐀𝐘𝐀 | 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐮𝐧𝐮𝐥𝐮𝐲𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟓
23/12/2025

𝐏𝐀𝐀𝐍𝐘𝐀𝐘𝐀 | 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐮𝐧𝐮𝐥𝐮𝐲𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟓


𝐏𝐀𝐀𝐍𝐘𝐀𝐘𝐀 | 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐮𝐧𝐮𝐥𝐮𝐲𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟓

Sa 𝐢𝐤𝐚-𝟐𝟒 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐬𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞, 𝟕:30 𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢, muli nating masasaksihan ang mga talentado at mahuhusay na kabataan ng 𝐏𝐚𝐫𝐨𝐤𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐑𝐞𝐲𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐧𝐝𝐨, na buong pusong mag-aalay ng kanilang sarili para sa pagsasagawa at pagsasangayon ng pagsilang sa ating Panginoon.


𝐂𝐀𝐒𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐋𝐋: 𝐏𝐀𝐍𝐔𝐍𝐔𝐋𝐔𝐘𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟓 🎭✨Sa paglapit ng panahon ng Kapaskuhan, muling magsasama-sama ang kabataang parokyano par...
11/11/2025

𝐂𝐀𝐒𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐋𝐋: 𝐏𝐀𝐍𝐔𝐍𝐔𝐋𝐔𝐘𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟓 🎭✨

Sa paglapit ng panahon ng Kapaskuhan, muling magsasama-sama ang kabataang parokyano para sa 𝗣𝗮𝗻𝘂𝗻𝘂𝗹𝘂𝘆𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟱. Ang panunuluyan ay isang pagtatanghal na nagbibigay-buhay sa paglalakbay nina Maria at Jose sa paghahanap ng matutuluyan bago isilang si Hesus.

We’re looking for youth na:
• Naninirahan sa nasasakupan ng ating parokya (kung hindi man, DM us on FB)
• May talent sa pag-arte, pagkanta, at/o pagsayaw 🎶

📅 𝗡𝗼𝘃. 𝟭𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟱 (Sunday) | 𝗔𝗳𝘁𝗲𝗿 𝟴:𝟯𝟬 𝗔𝗠 𝗠𝗮𝘀𝘀
📍 𝗕𝗹𝗲𝘀𝘀𝗲𝗱 𝗩𝗶𝗿𝗴𝗶𝗻 𝗠𝗮𝗿𝘆, 𝗤𝘂𝗲𝗲𝗻 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵 𝗖𝗵𝘂𝗿𝗰𝗵

Interested? Tara na! Para sa mga gustong sumali, magpalista or mag-message lang sa aming FB page 💙

Last October 25, we came together not just to pray, but to reconnect with God, with Mama Mary, and with one another. See...
30/10/2025

Last October 25, we came together not just to pray, but to reconnect with God, with Mama Mary, and with one another. Seeing everyone hold their rosaries and pray as one was such a powerful reminder that faith hits different when shared.

Here’s to more prayers, more faith, and more YOUnity! 🤍

Good day! As October is dedicated to Our Lady of the Holy Rosary, we warmly invite you to join us in praying the Holy Ro...
23/10/2025

Good day!

As October is dedicated to Our Lady of the Holy Rosary, we warmly invite you to join us in praying the Holy Rosary.

We will gather on Saturday, October 25th, from 9:00 to 11:00 AM at our Parish Church, BVM, Queen of the World.

Together, we will pray for continuous guidance and blessings from our Lord during these challenging times for our nation especially for our country.

To confirm your appreciated participation, please scan the QR code posted here and register your name.

Thank you!

“𝑮𝒐𝒏𝒆 𝒃𝒖𝒕 𝒏𝒆𝒗𝒆𝒓 𝒇𝒐𝒓𝒈𝒐𝒕𝒕𝒆𝒏.” 💙Muli nating isasagawa ang Wall of Saints, isang tradisyong puno ng alaala at panalangin. Pa...
18/10/2025

“𝑮𝒐𝒏𝒆 𝒃𝒖𝒕 𝒏𝒆𝒗𝒆𝒓 𝒇𝒐𝒓𝒈𝒐𝒕𝒕𝒆𝒏.” 💙

Muli nating isasagawa ang Wall of Saints, isang tradisyong puno ng alaala at panalangin. Para sa halagang ₱𝟳𝟬, maaari mong ipalagay ang litrato ng iyong mahal sa buhay na yumao na. Ito po ay 𝘱𝘳𝘪𝘯𝘵𝘦𝘥 at 𝘭𝘢𝘮𝘪𝘯𝘢𝘵𝘦𝘥 na may kasamang kandila.

📍Pumunta lamang sa 𝙋𝙖𝙧𝙞𝙨𝙝 𝙊𝙛𝙛𝙞𝙘𝙚 o tuwing 𝗟𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝟴:𝟯𝟬 𝗔𝗠 𝗻𝗮 𝗺𝗶𝘀𝗮 at hanapin si 𝗦𝗮𝗿𝗮𝗵 𝗔𝗹𝘁𝗮𝗺𝗶𝗿𝗮.

📦 Simula 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟭𝟮, may 𝙙𝙧𝙤𝙥𝙗𝙤𝙭 din sa labas ng simbahan para sa mga 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼 mula sa mga nakaraang taon. Paalala lang din po na 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝙤𝙡𝙙𝙚𝙧 𝙥𝙧𝙞𝙣𝙩𝙨 𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝙗𝙤𝙭 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝘆 para walang makaligtaan.

Lahat ng litrato ay mababasbasan sa mga Misa araw-araw mula Nobyembre 1 at isasama sa ating panalangin.

Ang malilikom mula sa proyektong ito ay magsisilbing tulong para sa mga susunod na gawain ng ating kabataan.

Sama-sama po nating alalahanin, ipagdasal, at parangalan ang mga minamahal nating yumao. 🙏🏻



Ang Parokya ng Mahal na Birhen, Reyna ng Mundo ay tinatag noong ika-3 ng Oktubre, 1971 ng noo’y Obispo Residensyal ng Di...
01/10/2025

Ang Parokya ng Mahal na Birhen, Reyna ng Mundo ay tinatag noong ika-3 ng Oktubre, 1971 ng noo’y Obispo Residensyal ng Diocesis ng Lucena at ngayo’y Venerable Alfredo Ma. Obviar. Inilagak ang panulukang-bato nito noong ika-16 ng Oktubre, 1976 sa pangunguna ng namayapang Jose T. Cardinal Sanchez, ang ikalawang Obispo Residensyal ng Lucena. Ang parokya ay dating sakop ng Parokya ng San Juan Bautista.

Sa kasalukuyan, sumasakop ito sa walong barangay sa bayan ng Tiaong. Naging kauna-unahang lingkod-pari rito ang tubong-Tiaong na si Mons. Armando A. Perez. Kasalukuyang mga lingkod-pari sina P. Gerardo M. Juarez at P. Carmelo G. Villocillo. Kasama ang sambayanan, patuloy nilang pinayayabong ang pananampalataya at pag-asa sa loob ng 54 na taon.

Bilang paggunita sa anibersaryo ng pagkakatatag ng parokya ngayong taon, lubos na inaanyayahan ang lahat ng parokyano at narito ang daloy programa para sa tatlong araw na selebrasyon:

Unang Araw:
Biyernes – Oktubre 3: Banal na Misa, 6:00 n.u

Ikalawang Araw:
Sabado – Oktubre 4: Banal na Misa, 6:00 n.u; Tree Planting, 7:00 n.u; Medical Mission (Free eye check-up & ECG), 8:00 n.u onwards

Ikatatlong Araw:
Linggo – Oktubre 5: Mga Banal na Misa, 6:30 n.u, 8:30 n.u, at 5:00 n.h;
Araw ng mga MSK, 10:30 n.u hanggang 4:00 n.h

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝟲𝟮𝗻𝗱 𝗯𝗶𝗿𝘁𝗵𝗱𝗮𝘆 𝘁𝗼 𝗼𝘂𝗿 𝗯𝗲𝗹𝗼𝘃𝗲𝗱 𝘀𝗲𝗿𝘃𝗮𝗻𝘁-𝗹𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿, 𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗚𝗲𝗿𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗠. 𝗝𝘂𝗮𝗿𝗲𝘇! 𝗠𝗮𝘆 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗹𝗲𝘀𝘀 𝘆𝗼𝘂 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗶𝗻𝘂𝗲𝗱 𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵, ...
29/09/2025

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝟲𝟮𝗻𝗱 𝗯𝗶𝗿𝘁𝗵𝗱𝗮𝘆 𝘁𝗼 𝗼𝘂𝗿 𝗯𝗲𝗹𝗼𝘃𝗲𝗱 𝘀𝗲𝗿𝘃𝗮𝗻𝘁-𝗹𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿, 𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗚𝗲𝗿𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗠. 𝗝𝘂𝗮𝗿𝗲𝘇!

𝗠𝗮𝘆 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗹𝗲𝘀𝘀 𝘆𝗼𝘂 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗶𝗻𝘂𝗲𝗱 𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵, 𝘄𝗶𝘀𝗱𝗼𝗺, 𝗮𝗻𝗱 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗛𝗶𝘀 𝗽𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲.

🤍🤍🤍

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝟯𝟲𝘁𝗵 𝗦𝗮𝗰𝗲𝗿𝗱𝗼𝘁𝗮𝗹 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝘁𝗼 𝗼𝘂𝗿 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗮𝗻𝘁-𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀 —𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗚𝗲𝗿𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗝𝘂𝗮𝗿𝗲𝘇 & 𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗖𝗮𝗿𝗺𝗲𝗹𝗼 𝗚. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗼...
08/09/2025

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝟯𝟲𝘁𝗵 𝗦𝗮𝗰𝗲𝗿𝗱𝗼𝘁𝗮𝗹 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝘁𝗼 𝗼𝘂𝗿 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗮𝗻𝘁-𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀 —𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗚𝗲𝗿𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗝𝘂𝗮𝗿𝗲𝘇 & 𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗖𝗮𝗿𝗺𝗲𝗹𝗼 𝗚. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗼𝗰𝗶𝗹𝗹𝗼!

1989 - 𝙎𝙚𝙥𝙩𝙚𝙢𝙗𝙚𝙧 9 - 2025

Address

Villa Consolacion, Brgy. Lusacan, Quezon
Tiaong
4325

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BVM, Queen of the World Parish Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to BVM, Queen of the World Parish Youth Ministry:

Share