Tiaong Church of Christ

Tiaong Church of Christ Religious Organization

PRAYER MEETING | August 26, 2026Brgy. Lusacan, Tiaong, QuezonMga Taga-Roma 12:12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, m...
26/08/2026

PRAYER MEETING | August 26, 2026
Brgy. Lusacan, Tiaong, Quezon

Mga Taga-Roma 12:12
Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin.

HINDI KATHA O ALAMAT2 Pedro 1:16Ang ipinahayag namin sa inyo tungkol sa kapangyarihan at muling pagparito ng ating Pangi...
24/08/2026

HINDI KATHA O ALAMAT

2 Pedro 1:16
Ang ipinahayag namin sa inyo tungkol sa kapangyarihan at muling pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay hindi mga alamat na katha lamang ng tao. Nasaksihan namin ang kanyang kadakilaan.

PAGNINILAY:
Ang mga aral at nakalagay sa Bibliya tungkol sa Kanyang kapangyarihan at ang bawat pangako Niya sa atin ay hindi mga kuwentong-barbero o imbento lamang ng tao.

Mismong ang mga alagad ang nakakita at nakasaksi sa kadakilaan, bawat himala, at mga totoong kaganapan sa buhay Niya.

Maraming ginagawa ang mundo upang mailayo at subukin tayo sa ating pananampalataya sa Kanya. Pero Kapatid,
ipinapaalala rin sa atin na totoo Siya, totoo ang Kanyang mga ginawa, at tiyak na matutupad ang lahat ng Kanyang mga pangako.

Tandaan natin, hindi katha o alamat ang Kanyang Salita.

Kaya nawa, magpatuloy tayo nang may buong tiwala at walang pag-aalinlangan sa Kanya.
Tunay at buhay ang ating Diyos, at mananatiling tapat ang Kanyang Salita magpakailanman.

Mapagpalang Araw!

LAGI TAYONG MAGPAALALAHANAN'2 Pedro 1:12Kaya, kahit na alam na ninyo ang katotohanang inyong tinanggap at matatag na kay...
23/08/2026

LAGI TAYONG MAGPAALALAHANAN

'2 Pedro 1:12
Kaya, kahit na alam na ninyo ang katotohanang inyong tinanggap at matatag na kayo rito, lagi ko pa rin kayong paaalalahanan tungkol dito.'

PAGNINILAY:
Sa bungad pa lamang ng aklat na ito ay makikita na natin na si Pedro ay nagpapaalam na.

At dahil siguro natitiyak na niya ang palapit na palapit na pagpanaw sa mundong ito ay naroroon naman ang kanyang pagpapaalala.

Pinapaalalahanan pa rin niya ang mga tao patungkol sa kanilang pananampalataya.

Pananampalataya na tumutuloy para sa Panginoon.

Kaya naman, isang karakter nawa ang makuha natin kay Pedro ay ang pagiging mapagpaalala sa iba.

Ika nga, ang gamot sa nakakalimot ay PAALALAHANAN.

Huwag nawa tayong magsawa na magpaalalahanan lalo't tayo ay magkakapatid sa Panginoon. Tayo-tayo nawa ang magtulungan at sikapin na maging matatag at malalim pagdating sa pananampalataya.

Mapagpalang Araw!

SUNDAY WORSHIP SERVICE | August 23, 2026 Lusacan Tiaong, QuezonMga Awit 75:1 Salamat, O Diyos, maraming salamat, sa iyon...
23/08/2026

SUNDAY WORSHIP SERVICE | August 23, 2026 Lusacan Tiaong, Quezon

Mga Awit 75:1
Salamat, O Diyos, maraming salamat, sa iyong pangalan kami'y tumatawag, upang gunitain sa lahat ng oras ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

PRAYER MEETING | August 19, 2026 Lusacan, Tiaong, Quezon Mga Awit 42:8 Nawa ang pag-ibig ni Yahweh ay mahayag araw-araw,...
23/08/2026

PRAYER MEETING | August 19, 2026 Lusacan, Tiaong, Quezon

Mga Awit 42:8
Nawa ang pag-ibig ni Yahweh ay mahayag araw-araw, gabi-gabi siya nawa'y purihin ko at awitan; dadalangin ako sa Diyos, na sa aki'y bumubuhay.

PHILIPPIANS 3:14I press on toward the goal to win the prize for which God has called me heavenward in Christ Jesus.
20/08/2026

PHILIPPIANS 3:14
I press on toward the goal to win the prize for which God has called me heavenward in Christ Jesus.





MAGING HANDANG MAGTIIS1 Pedro 4:1Dahil si Cristo'y nagtiis ng hirap sa buhay na ito, kayo man ay dapat maging handang ma...
17/08/2026

MAGING HANDANG MAGTIIS

1 Pedro 4:1
Dahil si Cristo'y nagtiis ng hirap sa buhay na ito, kayo man ay dapat maging handang magtiis, sapagkat ang nagtitiis ng hirap sa buhay na ito ay tumalikod na sa kasalanan.

PAGNINILAY:
Ipinapaalala sa atin ng talatang ito na si Jesus mismo ay nauna nang nagtiis ng matinding hirap at sakit para sa ating kaligtasan.

Kaya bilang mga tagasunod Niya, dapat din tayong maging handang magtiis at manindigan sa kung ano ang tama, kahit pa hindi ito madali.

Ang pagtitiis ay ang pagpili natin na tumalikod sa kasalanan. Ibig sabihin, handa tayong tumanggi sa mga maling tukso dahil mas mahalaga sa atin ang nakalulugod sa Kanya.

Oo, minsan, mas masarap at mas mabilis sumunod sa maling daan. Pero kapag pinipili natin ang magtiis kaysa magkasala, naipapakita natin na tapat at buo ang ating puso sa Kanya.

Kapatid, hindi naman nasasayang ang bawat sakripisyo natin.

Kaya nawa, tuwing nahihirapan tayo sa paggawa ng mabuti, alalahanin natin ang sakripisyo ni Jesus sa krus at humingi tayo sa Kanya ng lakas araw-araw.

Magpatuloy lang tayo sa paglakad kasama Siya dahil ang taong nagtitiis para sa Kanya ay tiyak na pagpapalain at magtatagumpay.

Mapagpalang Araw!

MAGING HANDA'1 Pedro 3:15 - Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sum...
16/08/2026

MAGING HANDA

'1 Pedro 3:15 - Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang sumagot sa sinumang humihingi ng paliwanag sa inyo tungkol sa pagasang nasa inyo.'

PAGNINILAY:
Tayong mga kristiyano ay inaasahan na magkukwento o magpapahayag ng salita ng Diyos na ang dulot ay magandang balita.

Subalit kahit magandang balita na ang hatid natin ay may mga tanong pa rin na uusbong.

Ngunit huwag mabahala kung may magtanong man sapagkat ang bawat tanong ay isang senyales ng pagpapalalim sa ibinabahagi natin na magandang balita.

Kaya naman sa bawat tanong na maari nating makakaharap, nawa ay naroroon ang ating kahandaan sa pagsagot nito na may kahinahunan upang maipaliwanag natin ng mahusay ang magandang balita na mula sa Diyos.

Kaya naman sama-sama tayo na magbahagi at maging handa sa pagpapaliwanag patungkol sa ating pananampalataya.

Mapagpalang Araw!

CELEBRATING 13TH ANNIVERSARY OF TIAONG CHURCH OF CHRIST ❤️August 16, 2026 | PART 2 Lusacan, Tiaong, QuezonTheme: MORE FO...
16/08/2026

CELEBRATING 13TH ANNIVERSARY OF TIAONG CHURCH OF CHRIST ❤️

August 16, 2026 | PART 2 Lusacan, Tiaong, Quezon

Theme: MORE FOR GOD ☝🏻

Mga Taga-Filipos 3:14
Nagpapatuloy nga ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na hahantong sa langit.

SUNDAY WORSHIP SERVICE & CELEBRATING 13TH ANNIVERSARY OF TIAONG CHURCH OF CHRIST ❤️August 16, 2026 | PART 1 Lusacan, Tia...
16/08/2026

SUNDAY WORSHIP SERVICE & CELEBRATING 13TH ANNIVERSARY OF TIAONG CHURCH OF CHRIST ❤️

August 16, 2026 | PART 1 Lusacan, Tiaong, Quezon

Theme: MORE FOR GOD ☝🏻

Mga Taga-Filipos 3:14
Nagpapatuloy nga ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na hahantong sa langit.

Address

Tiaong
4323

Telephone

+639306236872

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tiaong Church of Christ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share