17/05/2026
✨ UCCP-Ternate 40th Founding Anniversary✨
📅 May 17, 2026
🎤 Guest Speaker: Rev. Eric Baldonado (UCCP Guyong-guyong)
Maraming salamat po sa lahat ng naging bahagi ng ating pagdiriwang! Sa lahat ng manggagawa na humubog sa aming simbahan, sa aming mga inang iglesia, UCCP-Labac at UCCP-Maragondon, salamat sa patuloy na pagsuporta. Sa ating mahal na kumperensya UCC, salamat po sa paggabay at tiwala. Sa aming butihing pastor, Pastor Menchie Dela Paz, salamat po sa pagmamahal at paggabay. Sa bawat pamilyang bumubuo sa simbahan, lalo na po sa ating mahal na Nanay Dory Lizardo, na syang patuloy na nagbubuklod sa ating mas lumalaki pang pamilya, maraming salamat po. Sa bumubuo ng Konsilyo ng simbahan, sa ating bagong usbong na praise and worship team, HIGHER PRAISE, magpatuloy kayo sa masiglang pagpupuri sa Kanya. Sa bawat indibidwal na tahimik na tumutulong ng walang iniintay na kapalit, ang ating Diyos ang patuloy na magpapala sa inyo🙏
Salamat din po sa mapanghamong mensahe mula sa ating guest speaker, Rev. Eric Baldonado. Salamat po sa pagpapaalala sa amin na patuloy na sumunod sa kalooban ng Diyos, magpasalamat sa kanyang biyaya, at maging handa sa magandang kinabukasan na inihanda ng ating Diyos para sa aming iglesia🙏
Apat na dekada ng paglilingkod, handang magpatuloy at maging daluyan ng pagpapala para sa katuparan ng Kanyang misyon☝️
HAPPY 40TH ANNIVERSARY UCCP-TERNATE!🙌🎉☝️