San Juan Parish Church De Ternate

San Juan Parish Church De Ternate Church

22/05/2026

❀✠❀✠ BIYERNES SA IKAPITONG LINGGO NG PASKO NG PAGKABUHAY
❀✠❀✠ LIVE @ San Juan Parish Church, Ternate, Cavite

4:30PM Panalangin ng Santo Rosaryo
5:00PM Pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen
5:15PM Misang Bayan











___________________________________
Follow us: San Juan Parish De Ternate (page), San Juan Bautista Parish Church (Youtube)
♰ DISCLAIMER: No copyright infringement intended. We do not own the music in this video/rights to this music.

21/05/2026

❀✠❀✠ HUWEBES SA IKAPITONG LINGGO NG PASKO NG PAGKABUHAY
❀✠❀✠ LIVE @ San Juan Parish Church, Ternate, Cavite

4:30PM Panalangin ng Santo Rosaryo
5:00PM Pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen
5:15PM Misang Bayan











___________________________________
Follow us: San Juan Parish De Ternate (page), San Juan Bautista Parish Church (Youtube)
♰ DISCLAIMER: No copyright infringement intended. We do not own the music in this video/rights to this music.

Pagmamahal na walang iwanan! ❤️Sa kabila ng kanilang katandaan, sina Tatay Cielo at Nanay Letty Morales ay patuloy na na...
19/05/2026

Pagmamahal na walang iwanan! ❤️

Sa kabila ng kanilang katandaan, sina Tatay Cielo at Nanay Letty Morales ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa bawat mag-asawang nagbuklod sa harap ng dambana ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang tapat, payak, at wagas na pagmamahalan.

Sa bawat pagdalo nila sa banal na misa, lagi silang magkasama—magkahawak sa hirap at ginhawa, hindi iniiwan ang isa’t isa sa anumang yugto ng buhay. Ang kanilang pagsasama ay larawan ng pangakong nananatiling buhay: pagmamahalang may pagtitiis, pag-unawa, sakripisyo, at pananatiling tapat sa isa’t isa at higit sa lahat, sa Diyos.

Sa mundong madaling sumuko at magbago, sina Tatay Cielo at Nanay Letty ay patunay na ang pagmamahal na nakasentro sa Panginoon ay hindi kumukupas sa pagdaan ng panahon. Sa halip, ito’y lalo pang tumitibay at nagiging ilaw at inspirasyon sa maraming nakakakita ng kanilang kwento.

Tunay ngang ang pag-ibig na pinagpala ng Diyos ay pag-ibig na walang iwanan. 🤍

TINGNAN!Kauna-unahang makasaysayang pagdiriwang ng Hijas de Maria sa banal na buwan ng Flores de Mayo.Sa makulay at maka...
18/05/2026

TINGNAN!
Kauna-unahang makasaysayang pagdiriwang ng Hijas de Maria sa banal na buwan ng Flores de Mayo.

Sa makulay at makahulugang pagdiriwang ng Flores de Mayo sa ating parokya, ating saksihan ang natatanging pag-aalay ng mga Ina ng Tahanan sa pamamagitan ng Flores de Maria — isang banal na paggunita sa wagas na debosyon at pagmamahal sa Mahal na Birheng Maria.

Tampok dito ang mga Hijas de Maria na kumakatawan sa kadalisayan, kababaang-loob, pananampalataya, at masunuring puso ni Maria. Sila ay nagsisilbing huwaran ng mga kababaihang nagnanais sumunod sa kalooban ng Diyos at isabuhay ang mga aral at panalanging iniingatan ng ating Mahal na Ina.

Sa bawat bulaklak na iniaalay, kasabay nitong iniaalay ang mga panalangin, pag-asa, at pasasalamat ng sambayanan. Nawa’y maging inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang higit pang mapalalim ang debosyon kay Maria at mahikayat ang bawat babae na mamuhay nang may kabanalan, paglilingkod, at pagmamahal sa Diyos at kapwa.

Atin ding samahan at ipanalangin si Gng. Fely Anico, na magsisilbing Hermana ng Hijas de Maria sa taong ito. Nawa’y patuloy siyang pagpalain ng Panginoon at gabayan ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang tapat na paglilingkod at pagsuporta sa mga gawaing panrelihiyon ng ating pamayanan.

Halina at makiisa sa makabuluhan at kauna-unahang pagdiriwang na ito ng Hijas de Maria — isang gabi ng pananampalataya, biyaya, at pagpupuri sa Mahal na Birheng Maria.


PAANYAYA! Halina't atin silang samahang ilapit sa Diyos!Inaanyayahan po ang lahat na tunghayan at makiisa sa banal at ma...
18/05/2026

PAANYAYA! Halina't atin silang samahang ilapit sa Diyos!

Inaanyayahan po ang lahat na tunghayan at makiisa sa banal at makasaysayang pagdiriwang sa taong ito ang Unang Pakikinabang ng ating mga kabataan ngayong darating na Sabado, May 23, 2026 sa ganap na ika-8 ng umaga.

Sa unang pagkakataon ay tatanggapin nila si Hesus sa Banal na Eukaristiya — isang mahalagang hakbang sa kanilang paglalakbay sa pananampalataya. Nawa’y maging inspirasyon sa bawat isa ang kanilang dalisay na puso, pananampalataya, at pagmamahal sa Panginoon.

Sama-sama po nating ipanalangin ang mga batang tatanggap ng komunyon upang sila’y patuloy na lumago sa biyaya, kabutihan, at paglilingkod sa Diyos.

Makiisa at dumalo kasama ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay.

Kita-kits po tayo sa banal na pagdiriwang!


18/05/2026
Si Franz ay isang munting batang puno ng kulit at sigla. Madalas siyang mapagalitan dahil sa kanyang pagiging pasaway at...
17/05/2026

Si Franz ay isang munting batang puno ng kulit at sigla. Madalas siyang mapagalitan dahil sa kanyang pagiging pasaway at minsan ay hindi pagsunod sa kanyang mga magulang. Ngunit sa kabila ng kanyang kakulitan, nananatili sa kanyang puso ang simpleng pananampalataya.

Sa tuwing siya’y napapadaan sa simbahan at nagsisindi ng kandila, tila tumitigil ang kanyang pagiging bata upang tahimik na makipag-usap sa Diyos. Sapagkat kahit ang isang musmos na madalas magkamali ay marunong pa ring lumingon sa Langit at tumawag sa Panginoon.

Ipinapaalala ni Franz na ang Diyos ay hindi lamang para sa mga perpekto, kundi para rin sa mga batang natututong lumapit, magtiwala, at manalangin.

16/05/2026

❀✠❀✠ DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AKYAT
❀✠❀✠ LIVE @ San Juan Parish Church, Ternate, Cavite

7:00AM Panalangin ng Santo Rosaryo
7:30AM Misang Bayan









___________________________________
Follow us: San Juan Parish De Ternate (page), San Juan Bautista Parish Church (Youtube)
♰ DISCLAIMER: No copyright infringement intended. We do not own the music in this video/rights to this music.

Ano ba ang dapat gawin sa mga sirang linen na ginagamit sa mga  Banal na Misa, upang magabayan po tayo sa usaping ito na...
16/05/2026

Ano ba ang dapat gawin sa mga sirang linen na ginagamit sa mga Banal na Misa, upang magabayan po tayo sa usaping ito narito po ang ilang mahahalagang aral at pagpapahalaga ukol dito.

ANO ANG SACRED LINEN AT BAKIT ITO MAHALAGA?

Ang “Sacred Linen” ay mga banal na telang ginagamit sa pagdiriwang ng Banal na Misa at iba pang gawaing liturhikal ng Simbahan. Kabilang dito ang corporal, purificator, lavabo towel, at altar cloth. Ang mga telang ito ay hindi ordinaryong gamit lamang sapagkat ginagamit ang mga ito kaugnay ng Katawan at Dugo ni Kristo sa Banal na Eukaristiya.

BAKIT MAHALAGA ANG SACRED LINEN?

Ang sacred linen ay tanda ng:
• paggalang sa Banal na Presensya ng Diyos,
• kabanalan ng pagdiriwang ng Misa,
• at maingat na pangangalaga sa mga bagay na inilaan para sa pagsamba.

Halimbawa:
▫️ Ang corporal ang pinapatungan ng kalis at ostiya.
▫️ Ang purificator naman ang ginagamit sa paglilinis ng kalis.
▫️ Ang altar cloth ay sumasagisag sa kabanalan ng dambana ng Diyos.

Dahil dito, inaasahang ang mga ito ay ginagamit, nilalabhan, at iniingatan nang may paggalang at pananampalataya.

PAANO ITO WASTONG IDI-DISPOSE KAPAG HINDI NA MAAARING GAMITIN?

Kapag ang sacred linen ay luma, sira, o hindi na maaaring gamitin, hindi ito basta itinatapon lamang sa ordinaryong basurahan.

Narito ang wastong paraan ayon sa paggalang ng Simbahan:

• Maaaring sunugin nang maayos at may paggalang lalo na kung may bahid ng Katawan o Dugo ni Kristo.
• Ang abo nito ay maaaring ibaon sa lupa sa isang marangal na lugar o ilagay sa sacrarium kung mayroon.
• Bago labhan ang corporal at purificator, mainam na ibabad muna sa hiwalay na tubig; ang unang tubig ay dapat itapon sa sacrarium o direkta sa lupa, hindi sa ordinaryong drain.
• Kung altar cloth o ibang linen na wala nang dignified na gamit ngunit hindi direktang ginamit sa paghawak ng Banal na Katawan o Dugo, maaari itong gawing pamunas para sa simbahan lamang o sunugin pa rin bilang paggalang.

Ang mahalaga ay mapanatili natin ang paggalang sa mga banal na bagay na ginagamit sa pagsamba sa Diyos, sapagkat ang mga ito ay naging bahagi ng ating pananampalataya at paglilingkod.





LET JUSTICE FLOWA Pastoral Statement Calling the Senate to Accountability"But let justice roll down like waters, and rig...
13/05/2026

LET JUSTICE FLOW
A Pastoral Statement Calling the Senate to Accountability

"But let justice roll down like waters, and righteousness like an ever-flowing stream."
— Amos 5:24

Our nation is once again confronted with a crisis of accountability that strikes at the integrity of our democratic institutions and the fidelity of those entrusted with public office to their constitutional duty. The Senate now stands before the judgment of the Filipino people as the impeachment process involving Vice President Sara Duterte on allegations of betrayal of public trust unfolds, alongside continuing questions surrounding the anti-drug campaign of the previous administration involving then–PNP Chief, now Senator Ronald dela Rosa.

Recent developments and sudden changes in Senate leadership have unsettled many of our people, giving rise to a growing and understandable concern that these moves may be intended to weaken accountability processes or shield public officials from scrutiny. Many now sincerely ask why the Senate appears to be acting in ways that could derail the impeachment proceedings against the Vice President while at the same time offering shelter to a fellow Senator facing possible legal accountability.

These questions touch the deeper issue of whether government officials remain faithful to their constitutional mandate and their moral responsibility before the people.

As a Church, we hold that public office is a trust and not a shield from accountability. The Senate is not called to protect personalities or political alliances, but to uphold truth, justice, and the rule of law. When institutions entrusted with accountability begin to appear as barriers to it, the moral credibility of governance is eroded.

We therefore earnestly call upon the Senate to carry out its constitutional duties with integrity, transparency, and courage. The impeachment process must proceed according to law and due process, free from political maneuvering or deliberate obstruction. Likewise, all legal processes related to the anti-drug campaign must be allowed to move forward without undue interference or selective protection.

The Senate must decide whether it will serve as a pillar of democratic accountability or risk becoming an altar of impunity where power is protected and justice indefinitely deferred.

We call upon all government officials to remember that authority is exercised under the higher demands of justice, truth, and accountability — before both the people and God. Leadership requires moral courage, especially when it is difficult or politically costly.

We likewise call upon the faithful and fellow citizens to remain vigilant, discerning, and committed to truth. Let us resist disinformation, blind loyalty, and the quiet normalization of impunity. Let us instead uphold the values of justice, compassion, and responsible citizenship.

The Iglesia Filipina Independiente stands with all who seek truth, defend human dignity, and work for justice and peace. The words of the prophet Amos continue to challenge our nation: let justice roll down like waters, and righteousness like an ever-flowing stream.

May God guide our nation toward truth, accountability, and genuine justice and peace.

In Christ,

The Most Rev. Joel Porlares
Obispo Maximo
Iglesia Filipina Independiente

May 12, 2026
Manila, Philippines

Address

60 Zosimo De Guia Street, Barangay San Juan 1
Ternate
4111

Opening Hours

Tuesday 8am - 6pm
Wednesday 8am - 6pm
Thursday 8am - 6pm
Friday 8am - 6pm
Saturday 8am - 6pm
Sunday 8am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Juan Parish Church De Ternate posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to San Juan Parish Church De Ternate:

Share