22/07/2025
Kapistahan ni Sta Maria Magdalena
July 22
Panalangin kay Santa Maria Magdalena
O maluwalhating Santa Maria Magdalena,pinatawad ka at inalisan ka ng pitong demonyo ni Hesus.Ang iyong pagbabalik sa Diyos ang dahilan kung bakit ka namin pinupuri at sinisinta. Nakiramay ka sa Mahal na Birhen noong nagdusa sa krus si Hesus.Ikaw ang unang nakasaksi sa muling pagkabuhay at ikinalat mo ang mabuting balita sa mga tao.Ipanalangin mo ang mga intensyon na iniaalay namin sa iyo.(Mga intensyon)
Turuan at tulungan mo kaming pagsisihan ang amingdi mabilang na kasalanan,bumalik sa tamang daan at makapiling ang Diyos at makamtan ang walang katapusang biyaya na ibinuhos Niya sa iyo.Amen.
Santa Maria Magdalena,Ipanalangin mo kami.