St. Rose of Lima Parish

St. Rose of Lima Parish The Official page of Saint Rose of Lima Parish Teresa, Rizal.

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at paggunit...
09/06/2026

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at paggunita sa Kalinis-linisang Puso ng Birheng Maria sa darating na Hunyo 12, 2026.

Magsisimula ang pagdiriwang sa Prusisyon sa ganap na ika-5:00 ng umaga, na susundan ng Banal na Misa sa ika-6:00 ng umaga. Sama-sama nating parangalan ang Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at ang Kalinis-linisang Puso ng Mahal na Birheng Maria bilang mga huwaran ng pag-ibig, awa, at ganap na pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Para sa iskedyul at ruta ng prusisyon, mangyaring tingnan ang kalakip na larawan.

[TIGNAN] Mga larawan mula sa ginanap na Banal na Misa alas-6:00 ng umaga ngayong Hunyo 7, 2026 para sa Dakilang Kapistah...
07/06/2026

[TIGNAN] Mga larawan mula sa ginanap na Banal na Misa alas-6:00 ng umaga ngayong Hunyo 7, 2026 para sa Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo (Corpus Christi).

Matapos ang Banal na Misa, itinanghal at pinangunahan ng ating Kura Paroko, Reberendo Padre Ral Jaden C. Paguergan, ang prusisyon ng Kabanal-banalang Sakramento, bilang pagpapahayag ng pananampalataya at debosyon ng mga mananampalataya sa tunay na presensya ni Hesus sa Banal na Eukaristiya.

07/06/2026

LIVE: Misa mula sa Parokya ng Santa Rosa de Lima, Diyosesis ng Antipolo para sa Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon| 9:00AM | Hunyo 7, 2026

Ngayong araw, ating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (Corpus Chri...
06/06/2026

Ngayong araw, ating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (Corpus Christi).

Sa pagdiriwang na ito, ginugunita natin ang dakilang kaloob ng Panginoong Hesukristo sa Banal na Eukaristiya, ang Kanyang Katawan at Dugo na patuloy na nagbibigay-buhay, lakas, at biyaya sa bawat mananampalataya.

Nawa’y lalo nating mahalin, sambahin, at pahalagahan ang presensya ni Kristo sa Kabanal-banalang Sakramento. Sa bawat pakikibahagi natin sa Banal na Misa at pagtanggap ng Banal na Komunyon, higit tayong nagiging kaisa Niya at ng buong Simbahan.

“Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako’y nananatili sa kanya.” (Juan 6:56)

Bukas, Hunyo 7, 2026, ating ipagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (Corpu...
06/06/2026

Bukas, Hunyo 7, 2026, ating ipagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (Corpus Christi).

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Banal na Misa sa ganap na ika-6:00 ng umaga, na susundan ng Solemneng Pagtatanghal sa Kabanal-banalang Sakramento at Prusisyong Eukaristiko bilang pagpaparangal sa Panginoong Hesukristo na tunay na naroroon sa Banal na Eukaristiya.

Hinihiling din po ang pakikiisa at pagdalo ng lahat ng mga Church Workers, Ministry Members, at mga samahang pansimbahan sa mahalagang pagdiriwang na ito bilang tanda ng ating pagmamahal, pananampalataya, at debosyon sa Kabanal-banalang Sakramento.

Tingnan po ang kalakip na larawan para sa kumpletong iskedyul ng mga gawain.

Maligayang Unang Taong Anibersaryo ng iyong pagdating sa Parokya ni Santa Rosa de Lima, Reberendo Padre Ral Jaden C. Pag...
03/06/2026

Maligayang Unang Taong Anibersaryo ng iyong pagdating sa Parokya ni Santa Rosa de Lima, Reberendo Padre Ral Jaden C. Paguergan.

Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa iyong paglilingkod, pagtuturo at pag-akay sa lalong malalim na pagkilala at pananampalataya. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon sa inyong bokasyon at misyon bilang pastol ng Kanyang Simbahan.

Maraming salamat po at Maligayang Anibersaryo sa parokya, Padre!

[TIGNAN] Ang pag-aalay ng bulaklak para sa Mahal na Birheng Maria bilang paggunita sa buong buwan ng Mayo, na dinaluhan ...
02/06/2026

[TIGNAN] Ang pag-aalay ng bulaklak para sa Mahal na Birheng Maria bilang paggunita sa buong buwan ng Mayo, na dinaluhan ng mga mananampalataya at iba't ibang samahan ng ating Parokya. Sa pamamagitan ng taimtim na panalangin at pag-aalay ng mga bulaklak, ipinakita ng bawat isa ang kanilang pagmamahal, debosyon, at pagpipitagan sa ating Mahal na Ina. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang mapalalim ang ating pananampalataya.

[TIGNAN] Noong ika-30 ng Mayo 2026, ginanap ang ebalwasyon ng mga programa, gawain, at aktibidad na isinagawa sa ating p...
01/06/2026

[TIGNAN] Noong ika-30 ng Mayo 2026, ginanap ang ebalwasyon ng mga programa, gawain, at aktibidad na isinagawa sa ating parokya. Ito ay pinangunahan ng ating Kura Paroko, si Rev. Fr. Ral Jaden Paguergan, kasama ang mga namumuno ng Parish Pastoral Council at iba't ibang ministro at organisasyon. Sa nasabing pagpupulong, sinuri at tinalakay ang mga nagdaang gawain at proyekto upang matukoy kung alin ang ipagpapatuloy, pag-iibayuhin, o bibigyan ng mga bagong hakbang para sa higit na ikauunlad ng ating parokya.

Address

Barangay San Gabriel
Teresa
1880

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
Sunday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Rose of Lima Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. Rose of Lima Parish:

Share