St. Rose of Lima Parish Youth Ministry - Teresa

St. Rose of Lima Parish Youth Ministry - Teresa Grateful to Serve!

🌹 Maligayang Kapistahan, Santa Rosa de Lima! 🌹Nakiisa ang St. Rose of Lima Parish Youth Ministry sa Misa Concelebrada at...
23/08/2026

🌹 Maligayang Kapistahan, Santa Rosa de Lima! 🌹

Nakiisa ang St. Rose of Lima Parish Youth Ministry sa Misa Concelebrada at Alay Indak bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng ating patrona. πŸ™πŸΌπŸ’ƒ

Santa Rosa de Lima, ipanalangin mo kami! 🀍🌹


πŒπ€π‹πˆπ†π€π˜π€ππ† πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π, 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 π‘πŽπ’π€ 𝐃𝐄 π‹πˆπŒπ€!Ngayong araw, buong galak at pananalig nating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapi...
23/08/2026

πŒπ€π‹πˆπ†π€π˜π€ππ† πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π, 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 π‘πŽπ’π€ 𝐃𝐄 π‹πˆπŒπ€!

Ngayong araw, buong galak at pananalig nating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng ating mahal na Patrona, Santa Rosa de Lima, patrona ng bayan ng Teresa.

Sa araw na ito, sama-sama nating ipagdiwang ang kanyang buhay, pananampalataya, at wagas na pagmamahal sa Diyos at sa kapuwa. Nawa’y sa kanyang halimbawa, patuloy tayong maging matatag sa pananampalataya, bukas-palad sa paglilingkod, at tapat sa ating pagmamahal sa Diyos.

Santa Rosa de Lima, aming mahal na Patrona, ipanalangin mo kami!

VIVA SANTA ROSA!

22/08/2026
TINGNAN: Nakiisa ang St. Rose of Lima Parish Youth Ministry sa Ikapitong Araw ng Misa Novenario kay Santa Rosa de Lima 🀍...
20/08/2026

TINGNAN: Nakiisa ang St. Rose of Lima Parish Youth Ministry sa Ikapitong Araw ng Misa Novenario kay Santa Rosa de Lima 🀍

Santa Rosa de Lima, ipanalangin mo po kami πŸ™πŸΌ


TINGNAN: Ang mga Ka-Rosas sa VYD 2026! 🌹✨Mga larawan mula sa ating mga delegates ng St. Rose of Lima Parish Youth Minist...
17/08/2026

TINGNAN: Ang mga Ka-Rosas sa VYD 2026! 🌹✨

Mga larawan mula sa ating mga delegates ng St. Rose of Lima Parish Youth Ministry na nakiisa sa 11th Vicariate Youth Day sa Diocesan Shrine and Parish of Saint Jerome, Morong, Rizal.

Salamat sa pagiging bahagi ng dalawang araw na puno ng pananampalataya, saya, at samahan. 🩷



17/08/2026

Hanggang sa muli, KGers! πŸ’šβœ¨

Salamat sa dalawang araw ng saya, pananampalataya, paglilingkod, at pagkakaisa. Baon natin ang mga alaala hanggang sa susunod na pagkikita! 🫢🏼

See you sa 12th Vicariate Youth Day sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Holy Rosary! πŸ€πŸ™πŸ»





Sa nalalapit na Dakilang Kapistahan ni Santa Rosa de Lima, ang ating minamahal na Patrona, sama-sama nating simulan ang ...
09/08/2026

Sa nalalapit na Dakilang Kapistahan ni Santa Rosa de Lima, ang ating minamahal na Patrona, sama-sama nating simulan ang siyam na araw na paghahanda sa pamamagitan ng Misa Novenario.

Mula Agosto 13 hanggang Agosto 22, araw-araw tayong magtitipon bilang isang pamayanan upang manalangin, magnilay, at higit pang palalimin ang ating debosyon kay Santa Rosa de Lima. Ang bawat Banal na Misa ay pangungunahan ng iba’t ibang pari mula sa Diyosesis ng Antipolo.

Ang Apertura kay Santa Rosa ay gaganapin sa Agosto 13, sa ganap na 7:00 ng gabi, sa pangunguna ni Rev. Fr. Ral Jaden Callangan Paguergan, Kura Paroko ng Parokya ni Santa Rosa de Lima.

Sa mga susunod na araw, magkakaroon ng Pagdarasal ng Santo Rosaryo at Pagsisiyam sa ganap na ika-5:00 ng hapon, na susundan ng Banal na Misa sa ganap na ika-6:00 ng gabi.

Halina’t sama-sama nating ihanda ang ating mga puso sa pagdiriwang ng kapistahan ng ating mahal na Patrona.

Santa Rosa de Lima, ipanalangin mo kami!
Viva Santa Rosa!

Sa pagdiriwang ng Priest Day, buong galak na bumabati ang Parokya ni Santa Rosa de Lima sa ating minamahal na Kura Parok...
04/08/2026

Sa pagdiriwang ng Priest Day, buong galak na bumabati ang Parokya ni Santa Rosa de Lima sa ating minamahal na Kura Paroko, Rev. Fr. Ral Jaden Callangan Paguergan.

Maraming salamat, Fr. Ral, sa inyong tapat na paglilingkod, walang sawang paggabay, at pagmamahal sa Parokya ni Santa Rosa. Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang maipagpatuloy ang misyong ipinagkatiwala sa inyo.

Sa araw ding ito, ginugunita natin si San Juan Maria Vianney, ang Patron ng mga Pari. Nawa'y ang kanyang halimbawa ng kababaang-loob, kabanalan, at masigasig na paglilingkod ay patuloy na magsilbing inspirasyon sa inyong bokasyon at ministeryo.

Happy Priest Day, Fr. Ral! Maraming salamat po sa inyong tapat at mapagmahal na paglilingkod.

31/07/2026

KGers! Handa na ba kayong tuklasin at pagnilayan ang mensahe ng VYD natin ngayong taon? πŸ˜‡

Sama-sama nating alamin ang kahulugan ng ating VYD logo at ang mga simbolong nagbibigay-buhay sa ating tema. 🀩✨





Be devoted. Carry your cross. Follow Him. ✝️✨KGers! Tara na't maging bahagi ng Ika-11 Vicariate Youth Day sa Diocesan Sh...
19/07/2026

Be devoted. Carry your cross. Follow Him. ✝️✨

KGers! Tara na't maging bahagi ng Ika-11 Vicariate Youth Day sa Diocesan Shrine and Parish of Saint Jerome, Morong, Rizal!β›ͺ

Sa loob ng dalawang araw, sama-sama nating pagninilayan ang Kanyang paanyaya:

"Whoever wants to be my disciple must deny themselves and take up their cross and follow me." (Matthew 16:24) ✨

Hindi lang tayo magtitipon bilang magkakaibigan o magkakapwa kabataan. Magtitipon tayo bilang mga alagad na patuloy na hinuhubog ng Panginoon bilang mga kabataang devoted sa Kanyang tawag, sa Kanyang misyon, at sa Kanyang pag-ibig. πŸ˜‡πŸ«Ά

Kaya ihanda na ang inyong mga puso at makipag-ugnayan sa inyong mga Coordinators at GLs para makapag-register!

Tara na, K-Gers! Sama-sama nating pasanin ang ating krus at sumunod kay Kristo.

Kita-kits sa Ika-11 Vicariate Youth Day! ❀️





Address

St. Rose Of Lima Parish
Teresa
1880

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Rose of Lima Parish Youth Ministry - Teresa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share