Kapilya ng Banal na Krus

Kapilya ng Banal na Krus Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kapilya ng Banal na Krus, Catholic Church, Teresa.

02/03/2026
01/03/2026

𝐊𝐔𝐌𝐏𝐈𝐒𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍

Pagbati ng Kapayapaan mga Peregrino!
Bukas, Marso 2, ay magkakaroon po tayo ng 𝐊𝐔𝐌𝐏𝐈𝐒𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 sa ating Parokya.
Ito po ay sisimulan sa 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐌𝐈𝐒𝐀 sa ganap na 𝐢𝐤𝐚-𝟔 𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢 at susundan ng 𝐊𝐔𝐌𝐏𝐈𝐒𝐀𝐋𝐀𝐍 sa ganap na 𝐢𝐤𝐚-𝟕 𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢.

Malugod pong inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagtanggap ng Sakramentong ito. Gamitin natin ang oras na ito upang mapagnilayan at mapagsisihan ang ating mga nagawang kasalanan upang ganap tayong makapagbalik-loob sa Diyos.
Nawa po ay makatugon ang lahat.

23/02/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃

𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩.
Nais po naming ipabatid sa lahat ng Parokyano na ang dating Seminarista na si 𝐁𝐑𝐎. 𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂 𝐀. 𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀𝐌𝐎𝐑 𝐉𝐑. ay 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐍𝐀 𝐏𝐎 𝐊𝐀𝐁𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆
sa 𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐄𝐆𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐒𝐀𝐈𝐍𝐓 𝐉𝐎𝐇𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐀𝐏𝐓𝐈𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐄𝐂𝐔𝐑𝐒𝐎𝐑 at sa 𝐏𝐀𝐑𝐎𝐊𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐏𝐄𝐑𝐄𝐆𝐑𝐈𝐍𝐀.

Anumang donasyon o transaksiyon ang naisagawa o naibigay sa kanya ninuman ay 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐆𝐔𝐓𝐀𝐍 ng 𝐏𝐀𝐑𝐎𝐊𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐏𝐄𝐑𝐄𝐆𝐑𝐈𝐍𝐀 at ng 𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐄𝐆𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐒𝐀𝐈𝐍𝐓 𝐉𝐎𝐇𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐀𝐏𝐓𝐈𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐄𝐂𝐔𝐑𝐒𝐎𝐑.

Inaabisuhan po ang lahat na mag-ingat at maging mapanuri sa lahat ng nakikita o nababasa online. Kung may katanungan, dumulog po lamang sa ating page o sa Opisina ng ating Parokya.

20/02/2026

𝐏𝐑𝐀𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐇𝐄 𝐇𝐎𝐋𝐘 𝐑𝐎𝐒𝐀𝐑𝐘
(𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚 𝑺𝒂𝒕𝒖𝒓𝒅𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝑳𝒆𝒏𝒕)

Pagbati ng Kapayapaan mga Peregrino!
Tuwing papasok ang Panahon ng Kuwaresma taon-taon ay nakagawian na natin sa ating Parokya ang tatlong mahahalagang gawain tuwing Huwebes, Biyernes, at Sabado bilang pagpapakita ng ating pagninilay, pananalangin, at pagsasakripisyo tanda ng pagbabalik-loob natin sa Amang nasa langit.

Malugod pong inaanyayahan ang lahat na makiisa para sa
𝐏𝐀𝐆𝐑𝐎𝐑𝐎𝐒𝐀𝐑𝐘𝐎 tuwing 𝐒𝐚𝐛𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐮𝐰𝐚𝐫𝐞𝐬𝐦𝐚 sa ganap na 𝐢𝐤𝐚-𝟓 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚 at susundan ng 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐌𝐈𝐒𝐀 sa ganap na 𝐢𝐤𝐚-𝟔 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚.

Sama-sama tayong magsakripisyo, magnilay, at manalangin upang mapatawad tayo sa ating mga nagagawang kasalanan.
Sa tulong ng panalangin ng ating Mahal na Birheng Peregrina, matularan nawa natin siya sa kanyang matibay na pananalig, pagtitiwala, at pagsunod ayon sa kalooban ng Ama.
Nawa po ay makatugon ang lahat.

18/02/2026

𝐄𝐔𝐂𝐇𝐀𝐑𝐈𝐒𝐓𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍
(𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚 𝑻𝒉𝒖𝒓𝒔𝒅𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝑳𝒆𝒏𝒕)

Pagbati ng Kapayapaan mga Peregrino!
Tuwing papasok ang Panahon ng Kuwaresma taon-taon ay nakagawian na natin sa ating Parokya ang tatlong mahahalagang gawain tuwing Huwebes, Biyernes, at Sabado bilang pagpapakita ng ating pagninilay, pananalangin, at pagsasakripisyo tanda ng pagbabalik-loob natin sa Amang nasa langit.

Malugod pong inaanyayahan ang lahat na makiisa para sa 𝐀𝐝𝐨𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐢𝐬𝐢𝐦𝐨 𝐒𝐚𝐜𝐫𝐚𝐦𝐞𝐧𝐭𝐨 tuwing 𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬 𝐧𝐠 𝐊𝐮𝐰𝐚𝐫𝐞𝐬𝐦𝐚 sa ganap na 𝐢𝐤𝐚-𝟓 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧.

Sama-sama tayong magnilay sa harap ng Diyos at mataimtim na manalangin upang mapatawad tayo sa ating mga nagagawang kasalanan.
Sa tulong ng panalangin ng ating Mahal na Birheng Peregrina, matularan nawa natin siya sa kanyang matibay na pananalig, pagtitiwala, at pagsunod ayon sa kalooban ng Ama.
Nawa po ay makatugon ang lahat.

17/02/2026

𝐌𝐈𝐘𝐄𝐑𝐊𝐔𝐋𝐄𝐒 𝐍𝐆 𝐀𝐁𝐎

Pagbati ng Kapayapaan mga Peregrino!
Bukas, Pebrero 18, ang pagbubukas ng Panahon ng Kuwaresma sa Liturhiko ng Simbahang Katolika.
Sa araw na ito, ang mga mananampalataya ay inaasahang dumalo sa Banal na Misa kung saan ay papahiran ng Abo ang kanilang mga noo bilang tanda ng kanilang Pagbabalik-loob sa Diyos at Pagsisisi sa mga nagawang kasalanan.

Malugod pong inaanyayahan ang lahat bukas para sa:
𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐌𝐈𝐒𝐀 sa ganap na 𝐢𝐤𝐚-𝟔 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚 at 𝐢𝐤𝐚-𝟓 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧 sa ating Simbahan.
Magkakaroon din po ng 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐡𝐢𝐝 𝐧𝐠 𝐀𝐛𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐏𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 na nasasakupan ng ating Parokya.

Nawa sa pagdiriwang natin ng Kuwaresma ang maging daan upang makapagnilay at magsakripisyo sa ngalan ng pag-aalay at pagkakawang-gawa.
Matularan nawa natin ang Mahal na Birheng Peregrina, na siyang mabuting halimbawa ng pagkakaroon ng matibay na pananalig, pananalangin, at pagsunod sa kagustuhan ng Diyos sa ating buhay.
Inaasahan po ang pagdalo ng lahat.

16/02/2026

𝐒𝐈𝐋𝐀𝐁-𝐒𝐀𝐋𝐀
(𝑺𝒉𝒓𝒐𝒗𝒆 𝑻𝒖𝒆𝒔𝒅𝒂𝒚)

Ang 𝐒𝐢𝐥𝐚𝐛-𝐒𝐚𝐥𝐚 (𝙎𝙝𝙧𝙤𝙫𝙚 𝙏𝙪𝙚𝙨𝙙𝙖𝙮) ay ang araw bago pumasok ang Panahon ng Kuwaresma. Dito isinasagawa ang Rito ng Pagsusunog ng mga nabasbasang Lumang Palaspas bilang paghahanda sa Miyerkules ng Abo, na siyang tanda ng pagpasok ng Kuwaresma.

Kaya't malugod pong inaanyayahan ang lahat ng mga Peregrino bukas. Sisimulan ito sa:
𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐌𝐈𝐒𝐀 sa ganap na 𝙞𝙠𝙖-6 𝙣𝙜 𝙪𝙢𝙖𝙜𝙖,
at susundan ng 𝐑𝐈𝐓𝐎 𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐋𝐀𝐁-𝐒𝐀𝐋𝐀.

Bilang isang nagkakaisang Manlalakbay, inaasahan tayong makiisa sa gawaing ito upang magnilay, magsisi, at manalangin sa ating mga nagawang kasalanan tanda ng ating paghahanda sa pagbabalik-loob natin sa ating Panginoon.
Matularan nawa natin ang Mahal na Birheng Peregrina sa kanyang pagiging isang tunay na Kristiyanong may matibay na pananalig, pagtitiwala, at pagsunod sa ating Poong Maykapal.
Inaasahan po ang pakikiisa ng lahat.

09/02/2026

𝐏𝐀𝐆𝐒𝐔𝐍𝐎𝐃. 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃. 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐀𝐇𝐀𝐍𝐃𝐎𝐆
"𝑇𝑎𝑦𝑜 𝑎𝑦 𝑙𝑎𝑟𝑎𝑤𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑠𝑢𝑛𝑜𝑑 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑔𝑝𝑎𝑝𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑏𝑖𝑏𝑖𝑔𝑎𝑦𝑎𝑛, 𝑝𝑎𝑔-𝑖𝑖𝑛𝑔𝑎𝑡, 𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎. 𝑆𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑔𝑙𝑖𝑙𝑖𝑛𝑔𝑘𝑜𝑑; 𝑘𝑎𝑠𝑎-𝑘𝑎𝑠𝑎𝑚𝑎, ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎𝑛𝑔-𝑖𝑖𝑤𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑔𝑡𝑢𝑡𝑢𝑙𝑢𝑛𝑔𝑎𝑛. 𝐻𝑖𝑔𝑖𝑡 𝑠𝑎 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡, 𝑚𝑎𝑦𝑟𝑜𝑜𝑛 𝑡𝑎𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑎𝑔𝑎𝑤𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑛𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛𝑔𝑎𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛 .."
- 𝗕𝗶𝘀𝗵𝗼𝗽 𝗥𝘂𝗽𝗲𝗿𝘁𝗼

Opisyal nang naitalaga ang ating Simbahan bilang 𝐏𝐀𝐑𝐎𝐊𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐏𝐄𝐑𝐄𝐆𝐑𝐈𝐍𝐀.
At sa paalala ng ating minamahal na Obispo, nawa ay laging matanim sa ating puso't isipan ang larawan ng Mahal na Inang Peregrina na laging 𝐒𝐔𝐌𝐔𝐒𝐔𝐍𝐎𝐃, 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃, 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐆𝐇𝐀𝐇𝐀𝐍𝐃𝐎𝐆. Matularan nawa natin lagi ang mahal na Ina at hayaang makasama nating lagi sa ating paglalakbay sa buhay.

Santa Maria Peregrina, aming Ka-manlalakbay,
Ipanalangin mo kami.

𝐀𝐕𝐄 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐏𝐄𝐑𝐄𝐆𝐑𝐈𝐍𝐀!
𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐋𝐀 𝐕𝐈𝐑𝐆𝐄𝐍!

08/02/2026

LIVE: 𝐌𝐈𝐒𝐀 𝐂𝐎𝐍𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐃𝐀 l BANAL NA MISA l Misa Pasasalamat para sa Deklarasyon ng bagong 𝙋𝙖𝙧𝙞𝙨𝙝 𝙏𝙞𝙩𝙪𝙡𝙖𝙧 bilang 𝐏𝐀𝐑𝐎𝐊𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐏𝐄𝐑𝐄𝐆𝐑𝐈𝐍𝐀 l 8 ng Pebrero 2026 | 5:30 PM

Punong Tagapagdiwang:
Lub. Kgg. Ruperto C. Santos, D.D
𝑂𝑏𝑖𝑠𝑝𝑜 𝑛𝑔 𝐴𝑛𝑡𝑖𝑝𝑜𝑙𝑜

Kasama ang ating Kura Paroko,
Reb. Pd. Celso B. Bagabaldo Jr., CSJBP
at kanyang Katuwang na Pari,
Reb. Pd. Rasel A. Berdin, CSJBP

Para sa inyong donasyon o pamisa, maaaring ipadala sa:
RCBC Savings Bank RCABAN -
San Isidro Labrador Parish
1020-08364-3

Like us on Facebook: https://www.facebook.com/SILPSanGuilmo/?mibextid=LQQJ4d
Subscribe to our YouTube channel: https://youtube.com/
Follow us on Instagram: https://instagram.com/silp_sanguilmo?igshid=YmMyMTA2M2Y=
Follow us on Twitter:
https://twitter.com/silpsanguilmo/

08/02/2026

LIVE: l BANAL NA MISA l Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon l 8 ng Pebrero 2026 | 9:00 AM

Punong Tagapagdiwang:
Reb. Pd.Celso B. Bagaldo Jr., CSJBP
Kura Paroko

Para sa inyong donasyon o pamisa, maaaring ipadala sa:
RCBC Savings Bank RCABAN -
San Isidro Labrador Parish
1020-08364-3

Like us on Facebook: https://www.facebook.com/SILPSanGuilmo/?mibextid=LQQJ4d
Subscribe to our YouTube channel: https://youtube.com/
Follow us on Instagram: https://instagram.com/silp_sanguilmo?igshid=YmMyMTA2M2Y=
Follow us on Twitter:
https://twitter.com/silpsanguilmo/

Address

Teresa

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapilya ng Banal na Krus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share