22/06/2026
25th LORD'S Day | 21 JUN 2026
Purihin ang Diyos sa Kanyang dakilang gawain ng pagdadala sa kanyang mga tupa upang ibilang sila sa Kanyang Kawan. Malugod naming ipinapahayag ang pagtanggap sa aming kapatid na si Sis. JASMIN AMBROSIO sa Shepherd's Call Covenant Church (SCCC) sa ilalim ng Kanyang tipan at biyaya.
-------------------------------------------------------------------------------
Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689
Kabanata 29 | Talata 1-2: "ANG BAUTISMO"
1. Ang bautismo ay isang ordinansiya ng Bagong Tipan na itinatag ni Jesu-Cristo. Sa taong binautismuhan, ito ay isang tanda ng kanyang pakikisama kay Cristo sa Kanyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli, at sa kanyang pagkakalakip kay Cristo,(1) at sa pagpapatawad ng mga kasalanan.(2) Ipinapahayag din nito na ang binautismuhan ay nagbigay ng kanyang sarili sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo upang siya ay mabuhay at makalakad sa panibagong buhay.(3)
Rom. 6:3-5; Col. 2:12; Gal. 3:27, Mar. 1:4; Gawa 22:16, Rom. 6:4)
2. Ang mga taong tanging nakapagpapasakop sa mga ordinansiyang ito ay yaong mga tunay na nagpapahayag ng pagsisisi sa Diyos at pananampalataya at pagsunod sa ating Panginoong Jesu-Cristo.(4)
(Jer. 31:31; Mat.3:1-12; 21:43; 28:19-20; Mar. 1:4-6; 16:15-16; Juan 1:12-13; 4:1-2; Gawa 2:37-41, 8:12,36-38; 9:18; 10:47-48; 11:16; 15:9;16:14-15,31-34; 18:8; 19:3-5; 22:16; Rom. 6:3-4; Gal. 3:27; Fil. 3:3; Col. 2:12; 1 Ped. 3:21)
Kabanata 26 | Talata 6-7: "ANG IGLESIA"
6. Ang mga kaanib ng mga iglesiang ito ay mga banal sapagka't sila ay tinawag ni Cristo. Sa hayag na paraan, ipinakikita nila sa kanilang pananalita at pamumuhay na sila ay sumusunod sa tawag ni Cristo.(13) Sila ay kusang-loob na sumasang-ayon na magkaroon ng pakikisama sa isa't isa ayon sa mga utos ni Cristo. Ibinibigay nila ang kanilang sarili sa Panginoon at sa isa't isa ayon sa kalooban ng Diyos. Sila ay nagpapasakop sa mga ordinansiya ng ebanghelyo.(14)
(Mat. 28:18-20; Gawa 2:37-42; 4:4; 5:13-14; 14:22-23; Rom. 1:7; 1 Cor. 1:2,13-17; 1 Tes. 1:1-10, Gawa 2:41-42, 5:13-14; 2 Cor. 9:13)
7. Ibinigay ng Panginoon ang buong kapangyarihan at kapamahalaang kinakailangan sa bawa't iglesiang ito na nagtitipon ayon sa banal na kalooban na ipinahayag sa Kanyang Salita. Ang mga ito ay para sa pagpapatupad sa kaayusan ng pagsamba at disiplina na Kanyang itinalaga upang kanilang tuparin. Ibinigay rin Niya ang lahat ng kautusan at tuntunin para sa nararapat at matuwid na paggamit ng kapangyarihang ito.(15)
(Mat. 18:17-18; 1 Cor. 5:4-5, 5:13; 2 Cor. 2:6-8)