05/07/2026
Simula noong nakaraang Mayo hanggang ngayon sa pagtatapos ng ating taunang Pilgrimage Season, ipinakita natin ang ating lubos na pagmamahal at pamimintuho sa ating Mahal na Ina, ang Nuestra Seรฑora de la Paz y Buen Viaje. Muli tayong magtitipon sa darating na ika-7 ng Hulyo, Martes, sa pormal na pagtatapos ng ating Pilgrimage Season para sa taong 2026.
Ang ating mga aktibidad ay magsisimula sa civic at liturgical receptions sa ika-4 ng hapon upang salubungin ang Apostolic Nuncio, ang Lubhg. Kgg. Charles John Brown, DD, na siyang susundan ng maringal na pagdiriwang ng Banal na Misa sa ganap na ika-5 ng hapon, pasasalamat, at pagpupugay sa ating Panginoong Hesukristo sa biyaya ng ating pagdedebosyon sa ating Mahal na Ina. Ang Misa ay pangungunahan ng Apostolic Nuncio, kasama ang Obispo ng Antipolo, Lubhg. Kgg. Ruperto Cruz Santos, at mga kaparian ng Diyosesis ng Antipolo. Ito ay magtatapos sa isang maringal na prusisyon ng mga patron ng mga parokya sa ilalim ng Diyosesis ng Antipolo, kasabay ng taimtim na pananalangin ng Santo Rosaryo sa ika-7 ng gabi.
Sa pagtatapos ng ating Pilgrimage Season, nawa ang lahat ng mga panalangin at nobenang ating idinasal, at ang mga homiliya ng mga Obispong nagmisa, ay tumimo sa ating puso't isipan upang mas mahubog pa tayo tungo sa pagiging mabuting Kristiyano. At sa lahat ng ating pamimintuho sa Mahal na Ina, ang Birhen ng Antipolo, mas lalo pa tayong lalapit sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Hesukristo.
Viva Nuestra Seรฑora de la Paz y Buen Viaje!
Ad Iesum per Mariam!