Samahang Semana Santa Taytay

Samahang Semana Santa Taytay Religious Organization under the Parish Pastoral Council of St. John the Baptist Parish Church in Taytay, Rizal. John the Baptist Parish

Samahang Semana Santa ng Taytay is an organization under the Worship Ministry of St.

Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya sa Grand Marian Procession 2025 na handog ng Minor Basilica and Parish of St. ...
19/11/2025

Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya sa Grand Marian Procession 2025 na handog ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist at Samahang Semana Santa, Taytay, Rizal.

Gaganapin ito sa Disyembre 5, 2025:

Banal na Misa – 6:30 N.G.
Prusisyon – 7:30 N.G.

Tayo’y magsama-sama sa isang gabi ng pananampalataya, pagdarasal, at pagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria. Inaanyayahan ang bawat pamilya at deboto na makibahagi sa makasaysayan at mapagpalang pagdiriwang na ito.
Mariin naming hinihikayat ang lahat na dumating nang maaga at magsuot ng angkop na kasuotan.

Viva La Virgen!

Inaanyayahan po ang lahat ng mananampalataya, pamilya, at kaibigan na makiisa sa isang natatanging kaganapanMAGNIFICAT: ...
02/09/2025

Inaanyayahan po ang lahat ng mananampalataya, pamilya, at kaibigan na makiisa sa isang natatanging kaganapan

MAGNIFICAT: Tala ng Pag-asa: Si Maria sa Ating Paglalakbay, isang Marian Exhibit na inihahandog ng Samahang Semana Santa katuwang ang Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist – Taytay, Rizal.

Mula Setyembre 6 hanggang 14, 2025 sa San Juan Gym, Taytay, Rizal, ating pagninilayan ang mahalagang papel ng Mahal na Birheng Maria sa ating paglalakbay ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng mga imahe at debosyong Marian, ating masusumpungan ang pag-asa, gabay, at pagmamahal ng ating Ina patungo sa kanyang Anak na si Hesukristo.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang mas lalong lumalim ang ating debosyon at pagkilala kay Maria bilang Tala ng Pag-asa.

Sama-sama tayong maglakbay sa pananampalataya, magpugay sa Mahal na Birhen, at magpatibay ng ating pag-asa sa Diyos.

📅 Setyembre 6–14, 2025
📍 San Juan Gym, Taytay, Rizal

Halina’t maglakbay kasama si Maria, patungo kay Kristo!

Ipinababatid po namin sa lahat ng kasapi at kaibigan ng Samahang Semana Santa ang malungkot na balita ng pagpanaw ng ami...
03/07/2025

Ipinababatid po namin sa lahat ng kasapi at kaibigan ng Samahang Semana Santa ang malungkot na balita ng pagpanaw ng aming kapatid at kasama sa paglilingkod, si Alexander "Senyora" Gonzaga, ngayong Hulyo 3,2025.

Si Senyora ay naging masigasig at tapat na miyembro ng ating samahan, na nag-alay ng kanyang panahon, talento, at debosyon sa pagpapalaganap ng pananampalataya at mga tradisyong Mahal na Araw.

Si Senyora ay ang Camarero ng imahe ni Apostol San Mateo at ang Imahe ng Ika-limang Huling Wika.

Nawa’y ipagdasal natin ang kanyang kaluluwa, at ipagkaloob ng Poong Maykapal ang walang hanggang kapahingahan sa kanya.

Ang burol ay gaganapin sa 16 Halina St. Barangay San Juan, Taytay, Rizal mula Hulyo 3. Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa panalangin para sa kanyang kapayapaan.

Lubos ang aming pakikiramay sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

‘ROSARIO CANTADA’Isang mataimtim na gabi ng panalangin at pagninilay ang isinagawa sa ating Lenten Exhibit.Sabay-sabay n...
11/04/2025

‘ROSARIO CANTADA’

Isang mataimtim na gabi ng panalangin at pagninilay ang isinagawa sa ating Lenten Exhibit.

Sabay-sabay na nagdasal at umawit ang mga deboto at musikero bilang pagpupugay sa Mahal na Birheng Maria at sa mga Misteryo ng Santo Rosaryo.

Ang pagtatanghal na ito ay hindi lamang isang tradisyon, kundi isang espiritwal na karanasan na muling nagpapaalala ng kahalagahan ng pananampalataya, sakripisyo, at pag-asa sa panahon ng Kuwaresma. Isa itong patunay ng pagkakaisa ng pamayanan sa diwa ng Mahal na Araw.

VIA HUMILITATIS: ANG DAAN NG KABABAANG LOOBThe Lenten exhibit entitled ‘Via Humilitatis: Ang Daan ng Kababaang Loob’ was...
09/04/2025

VIA HUMILITATIS: ANG DAAN NG KABABAANG LOOB

The Lenten exhibit entitled ‘Via Humilitatis: Ang Daan ng Kababaang Loob’ was solemnly blessed in a meaningful ceremony led by Rev. Fr. France Baasis.

This special exhibit, lovingly offered by the Samahang Semana Santa, invites the faithful to embark on a spiritual journey through the path of humility—reflecting deeply on the passion, suffering, and ultimate sacrifice of Jesus Christ.

Through the visual and devotional elements on display, visitors are called to contemplate the true essence of Lent: a season of repentance, grace, and transformation. May this sacred space serve as a wellspring of reflection, renewal, and spiritual encounter for all who pass through its doors.

"VIA HUMILITATIS: Ang Daan ng Kababaang Loob"Sa nalalapit na Semana Santa, tayo ay inaanyayahang magnilay at danasin ang...
30/03/2025

"VIA HUMILITATIS: Ang Daan ng Kababaang Loob"

Sa nalalapit na Semana Santa, tayo ay inaanyayahang magnilay at danasin ang malalim na kahulugan ng pagpapakumbaba, sakripisyo, at pagmamahal ni Kristo sa pamamagitan ng isang natatanging Lenten Exhibit.

Ito ay inihahandog ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist - Taytay, Rizal, sa pangunguna ng Samahang Semana Santa de Taytay, upang bigyang-diin ang diwa ng pananampalataya at pagsisisi.

Ang exhibit na ito ay isang paanyaya sa bawat isa na tahakin ang Via Humilitatis—Ang daan ng Kababaang-loob na tinahak ni Hesukristo sa Kanyang paghihirap para sa ating kaligtasan.

Abril 7-13, 2025
San Juan Gym, Taytay, Rizal
8:00 AM - 10:00 PM

Mga Gawain at Pagdiriwang:

●Abril 7 – Pambungad ng Exhibit (Opening Ceremony)

Pagbabasbas at pagbubukas ng exhibit na magsisilbing gabay sa ating spiritual na paglalakbay.

●Abril 11 – Rosario Cantada (Banda Dos Matatag)

Isang taimtim na pagdarasal ng Santo Rosaryo sa pamamagitan ng himig at awitin, na magbibigay ng mas malalim na diwa ng pagmumuni-muni.

●Abril 12 – Serenata (Banda Dos Matatag)

Isang espesyal na gabi ng musika na magpapahayag ng debosyon at pagninilay sa Mahal na Araw.

●Abril 13 – Penitensya (S.P.P.K.H Inc.) at Egress

Isang mapagnilay na pagpapakita ng tradisyunal na Penitensya, bilang simbolo ng pagsisisi at pagpapakumbaba.

Pagwawakas ng exhibit na puno ng panibagong pag-asa at mas matibay na pananampalataya.

Sa pamamagitan ng mga banal na imahe, sining, at tradisyon, ating alalahanin at pagnilayan ang landas na tinahak ni Kristo para sa ating kaligtasan. Makiisa, magdasal, at hayaang ang Via Humilitatis ay magdala sa atin sa mas malalim na pagkilala sa Diyos.

Halina at makiisa sa makabuluhang paglalakbay na ito!

REQUIEM IN PACE | Voltaire “Butch” Borja De LeonIsa sa mga nagtatag ng Samahang Semana Santa - Taytay, RizalSa edad na 5...
28/01/2025

REQUIEM IN PACE | Voltaire “Butch” Borja De Leon
Isa sa mga nagtatag ng Samahang Semana Santa - Taytay, Rizal

Sa edad na 53, Enero 28, 2025, pumanaw na si Voltaire Borja De Leon, na mas kilala ng marami bilang “Kuya Butch,” isa sa Nagtatag at unang Pangulo ng Samahang Semana Santa. Siya rin ang camarero ng mga imaheng pang Mahal na Araw tulad nina Sta. Maria Cleofe, Sta. Marta de Betania, at ang tagpo ng Jesus dela Sentencia.

Siya ay isa sa mga pinakamatapat at masusing tagasunod ng mga p**n at santo sa Taytay. Si Kuya Butch ay naging isang haligi ng pagsasanto sa ating bayan at nagsilbing gabay at tagapayo sa mga sumunod na camarero ng Taytay.

Noong 1995, bago ang Mahal na Araw, nang pinahintulutan siya ng Cofradia de Annunciata na mailabas ang imahe ng Jesus dela Sentencia, na kanya ring tinatawag na “Machete,” sa prusisyon ng Miyerkules Santo. Sa sumunod na taon, ipinagawa naman niya ang imahe ni Sta. Marta de Betania (ang kanyang labis na kinagigiliwang imahen) dahil kakaunti lamang ang mga imahen ng kababaehan sa prusisyon ng Biyernes Santo. sa paglaon ng mga taon, nagnais muli siyang magpagawa pa ng isa pang imahen, at doon nabuo ang imahen ni Sta. Maria Cleofe.

Noong 2003, nang maitatag ang Samahang Semana Santa sa ating parokya sa ilalim ng noo’y Kura Paroko, Rev. Fr. Bienvenido Guevarra. Siya ay itinalagang unang Pangulo ng samahan kasama sina +Cecilia Santos (Sta. Veronica), Alex Amoranto (Sta. Juana de Cuza), Ador Velasco (Sta. Maria Magdalena), Richard Alcantara (San Juan Evangelista), Mayeth Villanueva (Sta. Maria Salome), Cristy Pangilinan (San Pedro Apostol), at +Mang Romy Dulay (La Pieta). Sa pagsusumikap ni Kuya Butch at ng kanyang mga opisyales, dumami ang mga nagnanais magpagawa ng mga imahen pang Mahal na Araw at maging kasapi ng Samahang Semana Santa.

Hindi lamang sa Taytay nakilala si Kuya Butch, kundi pati na rin sa mga kalapit-bayan sa Rizal. Isa rin siya sa mga pangunahing miyembro ng Esculturas Religiosas en las Filipinas (Esculturas PH). Ang kanyang pagiging metikuloso at organisado sa pangangalaga sa mga p**n ay hinangaan ng marami, dahilan upang kilalanin siya bilang isang mahusay na camarero.

Voltaire Borja “Butch” De Leon
Marso 24, 1971 - Enero 28, 2025

Sa mga nagnanais makiramay sa kanyang pamilya, siya ay nakaburol sa Taytay Memorial Garden (Muzon) mula Enero 28 hanggang Enero 31, 2025. Ang libing ay gaganapin sa Sabado, Pebrero 1, 2025.

Inaanyayahan ang lahat na makibahagi at makiisa sa mga gawain at selebrasyon para sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapista...
08/01/2025

Inaanyayahan ang lahat na makibahagi at makiisa sa mga gawain at selebrasyon para sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist, Taytay, Rizal.

Sa darating na Enero 9, Araw ng Kapistahan, ating damhin ang biyaya ng Panginoon at ipakita ang ating pananampalataya sa mga sumusunod na aktibidad:

6:30 PM - Banal na Misa
7:30 PM - Solemneng Prusisyon
📍 Ruta: Miyerkules Santo

Ang taunang pagdiriwang ng Kapistahan ng Nazareno ay hindi lamang isang tradisyon kundi isang mahalagang pagkakataon upang magkaisa sa ating debosyon, at misyon bilang isang komunidad ng mananampalataya.

Halina’t makilahok sa makasaysayang okasyong ito at patuloy nating ipalaganap ang pagmamahal at awa ng Poong Nazareno sa ating mga buhay.

14/12/2024

Address

Taytay
1920

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahang Semana Santa Taytay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share