02/05/2026
Ang CFC Rizal Cluster A - Mary the Queen Chapter ay inaanyayahan po namin kayo na maging bahagi sa gaganaping Christian Life Program o CLP, isang programa para sa mga nagnanais na lumago ang kanilang relasyon at sa pananampalataya sa Diyos.
Samahan ninyo po kami sa 8 linggo simula May 24, 2026 sa ganap na ika-4 na hapon sa Our Lady of Fatima Chapel (Golden City Chapel), Golden City Subdivision, Taytay, Rizal.
Bukas po ito sa mga mag-asawa at sa mga biyudo/biyuda. Kung matagal o bago kayong kasal, welcome na welcome kayong sumali sa aming aktibidad na ito.
Para sa ibang detalye o impormasyon, maaari po kayong magpadala ng inyong mensahe sa page na ito o kaya kontakin ang mga sumusunod;
Golden City - Dante P. Adriano
Cherryville at ibang subdivision - Rose Jaspe
Montevista - Manny De Leon
Meralco - Lela DC Marinas
Monteverde at Muzon - Jhun/Arlene Sabella
Huwag nating sayangin ang pagkakataon na iniimbitahan tayo ng Diyos upang mas mapalalim pa ang ating pananampalataya.
We hope to see you there.