FloodWay of God's Grace Christian Church

FloodWay of God's Grace Christian Church Point of No Return

02/08/2020

'The Kingdoms Call'

''Ihinto ang labanan, Ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinaka...
14/07/2020

''Ihinto ang labanan, Ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.'' - Awit 46:10 📖🔰

Pause for a while to recognize the presence of God. Kahit na gaano pa tayo ka-busy o kahit na nasa gitna pa man tayo ng anuman, we need to find time to pause for God. We need to recognize His presence and His glory.

Pause for a while to listen to God. Mula sa mga suggested Bible readings at devotionals, listen through your heart. Ang ''divine reading'' ay ang pagbasa ng marahan at paulit-ulit upang mahagip ng ating atensyon ang mga salitang maaaring gamitin ng Diyos upang mapakinggan natin ang Kanyang tinig.

Pause for a while to respond to God. Ang epektibong pakikipagniig sa Diyos ay hindi kumpleto kung walang ''encounter'' sa Diyos. Sa pakikipagniig sa tinig ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga puso, tiyak na may small voice within na magdadala sa atin sa proseso ng meditasyon. Ito ang pagkatagpo sa kapahayagan ng Diyos, ng Kanyang kalooban, at ng kung ano ang karunungang inihahatid sa atin ng pakikinig. Tumutugon naman tayo sa pamamagitan ng panalangin.

Pause for a while to resolve your issues with God. Ang pagkatagpo sa Diyos ay hindi natatapos sa pagkilala sa Kanyang presensya o sa pakikinig at pag-unawa sa Kanyang kalooban, kundi ito'y nagpapatuloy upang makabuo ng isang resolusyon na kasama ang Diyos. Ang pinakahuling bahagi ng ating paghinto upang Siya'y kilalanin, pakinggan, at tugunin ay ang resolusyong sa lahat ng ating gagawin, ang Diyos pa rin ang papupurihan. Siya pa rin ang mapararangalan. Because everything starts from God, it must end for the glory of God.

🙏🙏🙏
I want to dwell in Your presence Lord, to know You, to experience You, and to share in Your glory.



Kahit dumaan tayo sa kamatayan o sa mga halos ikamatay natin na mga karanasan, alam nating kasama natin Siya. At kung lo...
08/07/2020

Kahit dumaan tayo sa kamatayan o sa mga halos ikamatay natin na mga karanasan, alam nating kasama natin Siya. At kung loobin ng Panginoon na mabawian tayo ng buhay, alam nating sa isang saglit, we will be there with the Lord in a much greater state of spirituality because we will no longer be confined to this physical body. The evil and threat of death, the evil spirits that scare us with death, we will not fear them. Why? Because the Lord is with us.

Ano pa bang hihigit na nakakatakot sa kamatayan? Wala na. Pag nakikita ng tupa yung dala-dala ng shepherd na tungkod, sasabihin nya, "Yan ang gagamitin na pamalo sa mga kalaban at pang-protect sa akin. At kahit na dumaan ako sa madidilim na libis, sa hirap ng buhay na wala ng katapusan, sa sakit na parang wala nang ginhawa, kahit masuot ako sa buhol-buhol na problema na parang hindi na maaayos pa, hindi ako matatakot. Hindi yung problema, yung leon o mabangis na hayop, yung dilim ang tinitingnan ko kundi yung Shepherd ko at yung hawak Nyang tungkod. At pag iyon ang tinitingnan ko mawawala ang aking takot."

Because the Shepherd is bigger than any beast or any problem, He is more brilliant than any darkness, Siya ang pipiliin nating titigan. What does it mean that the Shepherd is with us? Hindi lang natin Siya kasama, kakampi pa natin Siya at nakakapagbigay iyon ng lakas ng loob sa atin.

🙏🙏🙏

Maraming uri ng exercises. May intellectual exercise, may physical exercise, at mayroon ding spiritual exercise. Kung gu...
27/06/2020

Maraming uri ng exercises. May intellectual exercise, may physical exercise, at mayroon ding spiritual exercise. Kung gusto nating maarok ang kalooban ng Diyos, we seek guidance from the Spirit through prayer, kasi yung Espiritu N'yang nasa atin ang nagbibigay sa atin ng pahiwatig kung ano ang niloloob ng Diyos. Kung tayo ay namumuhay ng malinis, matapat at matuwid, lalong gumaganda ang relasyon natin sa Espiritu, and the Spirit is able to reveal to us the will of God.

Ang totoong prayer ay hindi yung hinihingi natin sa Diyos yung gusto natin kundi yung gusto N'yang ibigay sa atin na hindi N'ya ibibigay kung hindi natin hinihingi. Kaya kung kilala natin ang Diyos, we don't ask for things that are against what is natural, unless we are asking for a miracle.

We pray through meditation and quite time. Mahalaga yung wala tayong ginagawa o iniisip at tahimik lang sa presensya ng Diyos. Doon nire-reveal ng Diyos ang mga gusto niyang ipahiwatig. Iba ang daily Bible reading and devotions. But quite time primarily means quite. Walang kausap, walang binabasa, walang agenda, walang listahan ng gagawin, nananahimik ka lang, mayroong space for the Spirit of God to be able to speak to you. This is the secret of a powerful spiritual life: to be still before the Lord and know that He is God.

🙏🙏🙏

Lahat ng ginagawa sa ngalan ng Panginoon ay appreciated at recorded in heaven. Hindi naaaksaya ang anumang paglilingkod ...
26/06/2020

Lahat ng ginagawa sa ngalan ng Panginoon ay appreciated at recorded in heaven. Hindi naaaksaya ang anumang paglilingkod o pagbibigay sa gawain ng Panginoon, kaya dapat itong pinapahalagahan sa maikling buhay na ito.

We should not be possessed by bitter regrets. Huwag gumawa ng mga bagay na pagsisihan. At kung may nagawa na, pagsisihan na, ituwid na, and then move on. Sayang ang bawat oras na may galit sa puso imbes na tuwa at pag-ibig. Sayang ang bawat oras na may panghihinayang at pagsisisi kaysa kagalakan. Sayang ang bawat oras na may mahal ka sa buhay tapos hindi kayo nag-uusap dahil magkagalit kayo samantalang pwede naman kayong mag-usap at sumaya. Sayang ang bawat sandali na may kagalit ka samantalang mas maganda kung siya ay kaibigan mo.

Pero kung may ginawa tayong mabuti at walang naka-appreciate, lalabas din yan pagharap natin sa Dios. Pero tandaan natin na pag may ginawa din tayong masama at walang nakakabuko, alam din yun ng Dios.

🙏🙏🙏

Para sa mga tagasunod ni Hesu Kristo, napakahalaga nang panalangin, sapagkat ito ang pinakamainam na pamamaraan upang ma...
04/06/2020

Para sa mga tagasunod ni Hesu Kristo, napakahalaga nang panalangin, sapagkat ito ang pinakamainam na pamamaraan upang makipagniig sa Diyos. Ang panalangin ang ating behikulo para sa araw araw na pagpapaabot ng ating karaingan sa Isa na lumikha sa atin. Hindi maaaring maliitin ang kahalagahan ng pangaraw araw na pananalangin sa Diyos. Napakahalaga nito na anupa’t binanggit ito ng mahigit sa 250 beses sa Kasulatan. Kaya nga, bakit mahalaga ang araw araw na pananalangin sa Diyos?

👉Una, binibigyan tayo ng panalangin ng oportunidad na ibahagi sa Diyos ang lahat ng aspeto ng ating buhay.

👉Ikalawa, binibigyan tayo ng pangaraw araw na pananalangin ng pagkakataon na maipahayag natin sa Diyos ang ating pasasalamat para sa lahat na mga bagay na Kanyang ipinagkakaloob sa atin.

👉Ikatlo, pinagkakalooban tayo ng pangaraw araw na pananalangin ng pagkakataon upang maipahayag natin ang ating mga kasalanan sa Kanya at humingi sa Kanya ng tulong upang mapaglabanan ang mga kasalanang iyon.

👉Ikaapat, ang araw araw na pananalangin ay isang kapahayagan ng ating pagsunod at pagsamba sa Kanya.

👉At panghuli, ang araw araw na pananalangin ay isang pamamaraan upang kilalanin ang Kanyang kapamahalaan sa ating mga buhay. Tingnan natin ang detalye ang bawat isa sa mga mahahalagang dahilang ito sa araw araw na pananalangin.

Binibigyan tayo ng panalangin ng oportunidad na ibahagi sa Diyos ang lahat ng aspeto ng ating buhay. Maaaring magbago sa araw araw ang mga pangyayari sa ating buhay. Ang totoo, maaaring maging masama ang isang mabuting pangyayari sa napakaiksing panahon. Tinatawag tayo ng Diyos na dalhin sa Kanya ang ating mga kahilingan para sa Kanyang desisyon at potensyal na pagpapala. Tinatawag Niya tayo na ibahagi sa Kanya ang ating mga kagalakan at tagumpay. Sa katotohanan, sinasabi sa Jeremias 33:3, “Kung mananalangin ka sa akin, tutugunin kita, at ipahahayag ko sa iyo ang mga bagay na dakila at mahiwaga na hindi mo pa nalalaman.” Nais ng Diyos na tumawag tayo sa Kanya upang sagutin Niya ang ating mga dalangin. Nais din Niya na ibahagi sa atin ang mga kahanga-hangang pagpapala na maaari nating hindi makamit kung hindi tayo lumalapit sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin. At panghuli, sinasabi sa atin sa Santiago 4:8, “Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo.” Nais ng Diyos na maging ‘malapit’ tayo sa Kanya sa lahat ng oras.

Binbigyan tayo ng pangaraw araw na pananalangin ng pagkakataon na maipahayag natin sa Diyos ang ating pasasalamat para sa lahat na mga bagay na Kanyang ipinagkakaloob. Hindi isang sikreto na dapat nating pasalamatan ang Panginoon para sa lahat ng bagay na Kanyang ipinagkakaloob at sa lahat ng Kanyang mga ginagawa para sa atin. Dapat nating kilalanin ang Kanyang kabutihan at kahabagan sa atin sa araw-araw. Sa 1 Cronica 16:34, inutusan tayo na “Purihin si Yahweh, sa kanyang kabutihan; pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.” Sinasabi sa atin ng Mangaawit sa Awit 9:1, “Pupurihin kita Yahweh, nang buong puso ko,mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko.” Nananalangin tayo sa araw araw upang kilalanin ang Kanyang katapatan at ang ang Kanyang masaganang pagkakalob sa atin ng ating mga pangangailangan sa araw araw.

Pinagkakalooban tayo ng pangaraw araw na pananalangin ng pagkakataon upang maipahayag natin ang ating mga kasalanan sa Kanya at humingi sa Kanya ng tulong upang mapaglabanan ang mga kasalanang iyon. Tanggapin natin ang katotohanan, nagkakasala pa rin tayo sa araw araw, sinasadya man natin o hindi. Kaya bilang mga tagasunod ni Kristo, ano ang ating dapat gawin? Malinaw ang sinasabi ng Kasulatan patungkol dito, “Kaya't ang kasalanan ko'y aking inamin; mga pagkakamali ko'y hindi na inilihim. Ako'y nagpasyang sa iyo'y ipagtapat, at mga sala ko'y pinatawad mong lahat” (Awit 32:5). Ipagtapat natin sa Diyos ang Kanyang nalalaman patungkol sa atin sa araw araw. Ang panahon ng pananalangin sa araw araw ay isang napakagandang panahon upang ibigay natin sa Diyos ang nakapanghihinang epekto ng kasalanan sa atin. Napakadalas na lumalakad ang mga Kristiyano na may kasalanang hindi naipagtatapat sa Diyos na humahadlang sa kanyang personal na relasyon sa Panginoong Hesu Kristo na dapat sana’y nagpasakop tayo sa Kanya at humiling sa Kanya ng kapatawaran sa panalangin. Ang isa pang mahalagang elemento ng araw araw na panalangin ay ang paghingi sa Diyos ng lakas upang magsisi sa ating mga kasalanan. Tanging ang Diyos lamang ang makatutulong sa atin upang makatalikod tayo sa ating mga pagkakasala at upang mangyari ito, kailangan Niyang marinig ang ating paghingi sa Kanya ng kapatawaran.

Ang araw araw na pananalangin ay isang kapahayagan ng ating pagsunod at pagsamba sa Diyos. Maaaring wala ng iba pang talata sa Bibliya ang makakapagbuod ng dahilan kung bakit tayo dapat manalangin sa araw-araw kaysa sa 1 Tesalonica 5:16-18: “Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.” Kalooban ng Diyos para sa Kanyang mga anak na magalak sa Kanya, manalangin sa Kanya, at magpasalamat sa Kanya. Ang pananalangin ng walang humpay ay simpleng nangangahulugan na dapat nating gawing isang regular na gawain ang pananalangin at hindi tayo titigil sa gawaing ito. Isa ring uri ng pagsamba ang pananalangin dahil sa pamamagitan ng ating pananalangin sa Kanya, ipinapakita natin kung gaano tayo namamangha sa Kanya. Ang araw araw na panalangin ay isa ring tanda ng pagsunod sa Panginoon na nagdudulot ng kagalakan sa Kanya dahil sa nakikita Niyang sumusunod sa Kanyang mga utos ang kanyang mga anak.

Ang araw araw na pananalangin ay isang pamamaraan upang kilalanin ang Kanyang kapamahalaan sa ating mga buhay. Bilang mga Kristiyano, alam natin kung sino talaga ang may kontrol sa lahat ng bagay. Walang hanggan ang kapamahalaan ng Diyos. Walang anumang nagaganap na hindi nalalaman ng Diyos (Isaias 46:9-10; Daniel 4:17). Dahil Siya ang may kapamahalaan sa lahat, nararapat Siya sa ating pagpupuri at pagsamba. “Iyo, Oh Panginoon ang kadakilaan, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan: sapagka't lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo: iyo ang kaharian, Oh Panginoon, at ikaw ay nataas na pangulo sa lahat” (1 Cronica29:11). Ang Diyos ang ating dakilang Hari at Siya ang komokontrol sa lahat ng aspeto ng ating mga buhay. Bawat araw, dapat nating mapagpakumbabang kilalanin ang Kanyang lugar sa ating buhay ng may pagpipitagan para sa isang dakila at kahanga-hangang hari.

Sa huli, ang panalangin ay isang bagay na dapat nating gawin sa araw araw. Ngunit para sa maraming Kristiyano, maaaring maging isang hamon ang pagpapakumbaba at lumapit sa Diyos sa araw araw na pananalangin. Para sa mga lumalakad na kasama ang Panginoon sa loob ng maraming taon, maaaring maging madalang na ang pananalangin at nagkukulang na sa tamang kumbiksyon o pagpipitagan sa Diyos. Anuman ang kalagayan bilang mananampalataya, isang bago o isang matagal ng mananampalataya, dapat na laging ituring ang panalangin na pinakamainam na paraan upang makipagniig sa Diyos. Isipin na lamang kung hindi tayo makikipagusap sa isang mahal sa buhay o sa isang kaibigan. Hanggang kailan tatagal ang ating relasyon? Ang araw araw na pananalangin ay pangaraw araw na pakikisama sa ating Ama sa langit. Tunay na kahanga-hangang bagay na nais ng Diyos na makisama sa atin. Sa katotohanan, itinanong ng Mangaawit, “Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?” (Awit 8:4). Ang araw araw na pananalangin ay isang mabuting paraan upang maunawaan natin ang katotohanang ito at isang kahanga-hangang pribilehiyo na ipinagkaloob sa atin ng Diyos.

31/05/2020
F I L I P O S  4 : 6 - 7 📖6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng...
27/03/2020

F I L I P O S 4 : 6 - 7 📖
6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Address

Block 14 Syria St. , Westbank Road, Purok 8 Bagong Pag-asa, Brgy. Sta. Ana
Taytay
1920

Telephone

+63283974824

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FloodWay of God's Grace Christian Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share