DSPSJ-Baras Social Communications

DSPSJ-Baras Social Communications Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DSPSJ-Baras Social Communications, Religious organisation, Taytay.

“Preserving Human Voices and Faces”This year’s theme for the World Day of Communications reminds us that our faces and v...
17/05/2026

“Preserving Human Voices and Faces”

This year’s theme for the World Day of Communications reminds us that our faces and voices still matter despite the rise of Artificial Intelligence, deepfakes, and algorithms. Human communication remains sacred and is worth protecting.

Let us continue to pray for all the communicators around the world, especially those in the Social Communications Ministry, that they may be responsible and educated instruments to share His word and love.

From all of us in SOCOM Baras, Happy 60th World Day of Communications!


Happy 60th World Communications Day! Let us continue to pray for all the communicators, especially those that belong to ...
17/05/2026

Happy 60th World Communications Day!

Let us continue to pray for all the communicators, especially those that belong to the Social Communications Ministry, that they may use wisdom and discernment in the use of media.



Sharing with you the SOCOM Baras photos filed under “mga picture na sinend sa group chat”. 🤭


Happy yipee birthday, Reymhil! 🎉Reymhil is part of the Content and Management Team. We are blessed having you in our min...
14/05/2026

Happy yipee birthday, Reymhil! 🎉

Reymhil is part of the Content and Management Team. We are blessed having you in our ministry. Celebrate life! Cheers to the birthday celebrant!

“At aking pinaging banal ang bahay na ito upang ang Aking pangalan ay manatili roon magpakailanman.” -2 Chronica 7:16 Ng...
10/05/2026

“At aking pinaging banal ang bahay na ito upang ang Aking pangalan ay manatili roon magpakailanman.” -2 Chronica 7:16

Ngayong araw, buong galak at pasasalamat nating ginugunita ang unang anibersaryo ng pagkakadeklara sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Jose sa Baras, Rizal bilang isang Pambansang Yamang Pangkalinangan o National Cultural Treasure, ang pinakamataas na pagkilalang iginagawad sa mga pook na may natatanging kahalagahang pangkasaysayan at pananampalataya para sa sambayanang Pilipino.

Isang taon na ang lumipas mula nang kilalanin ng ating bansa ang yaman at dangal ng ating minamahal na Simbahan, isang banal na tahanan ng pananampalataya na naging saksi sa pananalig, pag-asa, at pagkakaisa ng mga Barasenio sa loob ng maraming dantaon. Higit pa sa mga batong bumubuo rito, ang Simbahan ni San Jose ay buhay na alaala ng ating kasaysayan, pagkakakilanlan, at malalim na debosyon sa Diyos.

Patuloy nawa tayong maging mga buhay na saksi ng pananampalatayang namamayani sa ating Simbahan at komunidad. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang higit pang mapalalim ang ating debosyon, pagmamahal sa kultura, at pagkakaisa bilang sambayanan ni San Jose.

Mula noon hanggang ngayon, nananatiling tanglaw ng pananampalataya at pagmamalaki ng bayan ang ating dambana.

Mabuhay ang Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Jose!
Mabuhay ang makasaysayang Simbahan ng Baras!
Mabuhay ang mga Barasenio!
Mabuhay si San Jose!

Ngayong Linggo, ating ipinagdiriwang at pinararangalan ang mga ilaw ng tahanan—ang ating mga ina na walang sawang kumaka...
10/05/2026

Ngayong Linggo, ating ipinagdiriwang at pinararangalan ang mga ilaw ng tahanan—ang ating mga ina na walang sawang kumakalinga, nagmamahal, at gumagabay sa atin.

Ang kanilang paglingap, panalangin, at sakripisyo ang tunay na nagbibigay ng liwanag sa ating landasin, at nagsisilbing matibay na haligi ng bawat pamilya.

Sa ating pagdiriwang, isama nawa natin sila sa ating mga panalangin upang patuloy silang pagpalain, palakasin, at tanglawan ng Diyos habang sila’y naglilingap at nagmamahal.

Sa lahat ng mga ina at tumatayong ilaw ng tahanan, ang inyong pagsusumikap at walang kapantay na pagmamahal ang higit na nagpapatatag sa bawat pamilya—kumpleto man o hindi, kayo ang bukal ng tibay at pag-asa.

At sa ating paglapit sa Mahal na Ina, ang Birheng Maria, nawa’y matularan ng lahat ng ina ang kanyang kabanalan, pagtitiis, at walang hanggang pag-aaruga upang sa kanilang buhay ay patuloy na sumikat ang liwanag ng pag-ibig ng Diyos.

24/04/2026
Happy yipee birthday, Aprile! 🎉Aprile is part of the Technical and Broadcast Team. We are blessed having you in our mini...
24/04/2026

Happy yipee birthday, Aprile! 🎉

Aprile is part of the Technical and Broadcast Team. We are blessed having you in our ministry. Celebrate life! Cheers to the birthday celebrant!

21/04/2026

𝐏𝐚𝐧𝐨𝐨𝐫𝐢𝐧: Bumisita ang Direktor ng Social Communications Ministry ng Diyosesis ng Antipolo, Rdo. Pd. Manjo Padilla, sa Assisi, kung saan ay naroon ang labi ng ating Patron, San Carlo Acutis.

Ipinagdasal niya na tulad ni San Carlo, magamit natin ang ating talento at kasiglahan sa teknolohiya upang maging daluyan ng liwanag ni Kristo, at nawa’y patuloy tayong maging masaya, banal, at puno ng pag-asa sa ating paglilingkod sa Simbahan.

On this day, we give thanks for Rev. Fr. Gab, whose priestly vocation is a source of light and hope for the faithful.You...
25/03/2026

On this day, we give thanks for Rev. Fr. Gab, whose priestly vocation is a source of light and hope for the faithful.

Your fatherly care, humility, and dedication strengthen the faith of the people and draw them closer to Christ. In your ministry, we see the love of God made visible through service, prayer, and sacrifice.

May the Lord bless you abundantly with health, peace, and joy. May St. Joseph, model of faithful service, intercede for you, and may the Holy Spirit guide you always in your pastoral mission.

Happy birthday, Fr. Gab! You are remembered in our prayers today and always.

Congratulations to our very own SOCOM Graduates, Miah, Dominic, and Dior! You’ve worked hard, persevered, and reached th...
25/03/2026

Congratulations to our very own SOCOM Graduates, Miah, Dominic, and Dior!

You’ve worked hard, persevered, and reached this incredible milestone. The future is yours, go out and make it awesome.
Your SOCOM family is proud of you!

“O Maluwalhating Patriarka, Señor San Jose, nagmula sa makahariang sambayan ni David, at tanging lalaki sa mundo na pini...
18/03/2026

“O Maluwalhating Patriarka, Señor San Jose, nagmula sa makahariang sambayan ni David, at tanging lalaki sa mundo na pinili ng Diyos na maging esposo ni Maria, at amang tagapangalaga ng Panginoong Hesukristo.”

Isang araw bago ang Dakilang Kapistahan ni San Jose, ating tingnan ang mga larawan ng ating mahal na patron — siya na isang taong matuwid, tahimik, mahinahon, at masunurin sa kalooban ng Diyos. Siya ang patunay na hindi sa salita nasusukat ang lalim ng pananampalataya at pagmamahal.

Tulad ni San Jose, tayo nawa ay magsikap na maging matuwid at mabuti sa ating paglalakbay dito sa lupa upang ating sapitin ang kaluwalhatian sa langit.

Tumungo tayo kay San Jose. Ite ad Ioseph!

Address

Taytay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSPSJ-Baras Social Communications posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to DSPSJ-Baras Social Communications:

Share