27/04/2026
Sa mundong ito na punô ng pagnanasa, maraming tao ang naghahangad ng iba’t ibang bagay—lalo na ng kayamanan. Dahil dito, naiinggit sila at nasasabi sa kanilang sarili, “Gusto ko rin niyan.” Sila ang mga taong patuloy na nakatuon sa mga makamundong nais. Ngunit ikaw, itinuturing mo rin bang ang sarili mo na tulad nila?
Ang isang anak ng Diyos na may malalim na relasyon sa Kanya ay marunong makuntento sa kung anong mayroon siya. Maliit man o malaki, kaunti man o marami, tunay siyang nasisiyahan sa mga biyayang natatanggap mula sa Panginoon. Ang sikreto nila ay ang pagkakaroon ng Diyos sa kanilang buhay—Siya ang nagbibigay ng tunay na kasiyahan at kapanatagan.
𝐓𝐑𝐔𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐈𝐒 𝐅𝐎𝐔𝐍𝐃 𝐈𝐍 𝐉𝐄𝐒𝐔𝐒
Mga Taga-Filipos 4:10-13 RTPV05
[10] Labis akong nagagalak sa Panginoon sapagkat pagkaraan ng mahabang panahon, minsan pang ipinamalas ninyo ang inyong pagmamalasakit sa akin. Alam kong hindi ninyo ako nalilimutan, wala nga lamang kayong pagkakataong matulungan ako. [11] Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan. [12] Naranasan ko na ang maghikahos; naranasan ko na rin ang managana; natutuhan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap. [13] Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.