Sta.Teresa de Avila Chapel-Bato,Taytay,Palawan

Sta.Teresa de Avila Chapel-Bato,Taytay,Palawan Official page of the Chapel of Sta. Teresa de Avila. A Community under the Apostolic Vicariate of Taytay,Sto.Niño deAbongan Parish. Come journey with us✨

This page provides updates on chapel improvements,religious services and activities.

TATLONG TAON NA IPINANALOBakas pa rin ang kahapon kung paanong ang pagod, puyat, at sakripisyo ay nasuklian ng sigla, tu...
18/01/2026

TATLONG TAON NA IPINANALO

Bakas pa rin ang kahapon kung paanong ang pagod, puyat, at sakripisyo ay nasuklian ng sigla, tuwa, at galak.

Sa loob ng tatlong taon na hitik sa mga alaala—puno ng tawanan at tampuhan—nananatiling matibay ang pagmamahalan, sapagkat iisa ang pinaghuhugutan ng lahat: ang Batang Hesus.

Sa lahat ng suportang ipinagkaloob, sa pursigi at dedikasyong ipinamalas, tayo ay nagtagumpay at patuloy na nagtatagumpay. Sapagkat iisa lamang ang ninanais ng bawat isa—ang makapag-alay ng papuri at pasasalamat sa Batang Hesus.

Nawa’y patuloy tayong maging banal tulad ng isang paslit na bata: masunurin, may lubos na tiwala, at puspos ng saya at tuwa.

Viva Pit Señor!

18/01/2026

FULL PERFORMANCE | GRAND SLAM | BUKLURAN NG SAN JUAN (BATO), ITINANGHAL NA KAMPEON SA ATI-ATIHAN FESTIVAL 2026


‎Isinagawa ang Ati-Atihan Festival ngayong ika-18 ng Enero sa Sto. Niño Abongan, kung saan anim na bukluran mula sa iba’t ibang barangay ang nagtipon upang magpasiklaban. Muling itinanghal bilang kampeon ang Bukluran ng San Juan (Bato), na sa loob ng tatlong magkakasunod na taon ay napanatili ang kanilang kampeonato. Nakuha rin nila ang Best in Costume at Best Choreography.

‎Sa pamamagitan ng kanilang inalay na sayaw, naipakita ang masigla at mayabong na pananampalataya sa Batang Hesus. Ang ilang araw ng pagpupuyat at sakripisyo ay napalitan ng tagumpay, tuwa, at galak.

‎Lubos na pasasalamat ang ipinapaabot sa mga sponsor at sa lahat ng tumulong sa paghahanda ng mga kagamitang ginamit sa pagtatanghal. Sa mga kabataang kalahok, nawa’y patuloy ninyong isabuhay ang paglilingkod at kabanalan na hinango sa halimbawa ng Batang Hesus. Gayundin, taos-pusong pasasalamat sa mga magulang sa kanilang patuloy na suporta at pagtitiwala sa kanilang mga anak. At sa kanilang trainer na si Zirbel Penit, maraming salamat sa pagbabahagi ng talento at dedikasyon. Nawa’y ang Diyos ang magbalik sa inyo ng masaganang biyaya.

‎Isang tagumpay na bunga ng sakripisyo, pagkakaisa, at pananampalataya.

‎Viva! Pit Señor! Viva! Viva! Viva!

PASASALAMAT‎MULA SA MSK NG STA. TERESA DE AVILA‎‎✅Pakain Schedule for Ati-Atihan‎🟥Jan.6.  Hapunan & Tubig‎Kriska 1,2&3‎🟥...
18/01/2026

PASASALAMAT
‎MULA SA MSK NG STA. TERESA DE AVILA

‎✅Pakain Schedule for Ati-Atihan
‎🟥Jan.6. Hapunan & Tubig
‎Kriska 1,2&3
‎🟥Jan. 7. Hapunan & tubig
‎Kriska 4,5,6
‎🟥Jan. 8. Hapunan & Tubig
‎MSK ng Ipil
‎🟥Jan. 9 Hapunan & Tubig
‎MSK ng Cansilayan
‎🟥Jan. 10 Meryenda & Hapunan
‎MSK ng. Comalibong²
‎🟥Jan. 11 Meryenda & Hapunan
‎MSK ng Maligaya
‎🟥Jan. 12 Hapunan & Tubig
‎Kriska 7-12
‎🟥Jan. 13 Hapunan & Tubig
‎Hon. Amy Villa/marlyn rubea/ madelyn geromo
‎🟥Jan. 14 Hapunan & Tubiv
‎MAGON FAMILY
‎🟥Jan. 15 Hapunan & Tubig
‎Hon. Aileen Rondriguez/ mr. & mrs. Marvin famini
‎🟥Jan. 16 Hapunan & Tubig
‎Ariscon & Naquita Family
‎🟥JAN. 17 meryienda/tubig 10am Myka Irenea
‎Pananghalian Mr& Mrs. Job Gabinete
‎2:30pm merienda Mrs. Emily Garganza
‎Hapunan Ms. Genoviva Habig

‎Sa lahat po ng nagbigay ng tulong at suporta para sa pakain ng mga bata habang sila ay nagpapraktis, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal.

‎Partikular naming pinasasalamatan ang mga nagbigay ng meryenda para sa mga bata kanina: Nava Family, Beth Monton, Ma’am Loren, Kagawad Magon, at Ma’am Rose. Para naman sa sasakyan, maraming salamat po kina Kuya B**g Abalos, sa ating driver na si William Pareñas, kina ante nene Pareñas para sa kanilang pagpapatuloy sa kanilang bahay, at sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito.

‎Maraming salamat po sa inyong lahat! Nawa’y pagpalain kayo ng Diyos ng siksik, liglig, at umaapaw na biyaya.

‎Muli, maraming salamat po!

GRAND SLAM | BUKLURAN NG SAN JUAN (BATO), ITINANGHAL NA KAMPEON SA ATI-ATIHAN FESTIVAL 2026‎‎‎Isinagawa ang Ati-Atihan F...
18/01/2026

GRAND SLAM | BUKLURAN NG SAN JUAN (BATO), ITINANGHAL NA KAMPEON SA ATI-ATIHAN FESTIVAL 2026


‎Isinagawa ang Ati-Atihan Festival ngayong ika-18 ng Enero sa Sto. Niño Abongan, kung saan anim na bukluran mula sa iba’t ibang barangay ang nagtipon upang magpasiklaban. Muling itinanghal bilang kampeon ang Bukluran ng San Juan (Bato), na sa loob ng tatlong magkakasunod na taon ay napanatili ang kanilang kampeonato. Nakuha rin nila ang Best in Costume at Best Choreography.

‎Sa pamamagitan ng kanilang inalay na sayaw, naipakita ang masigla at mayabong na pananampalataya sa Batang Hesus. Ang ilang araw ng pagpupuyat at sakripisyo ay napalitan ng tagumpay, tuwa, at galak.

‎Lubos na pasasalamat ang ipinapaabot sa mga sponsor at sa lahat ng tumulong sa paghahanda ng mga kagamitang ginamit sa pagtatanghal. Sa mga kabataang kalahok, nawa’y patuloy ninyong isabuhay ang paglilingkod at kabanalan na hinango sa halimbawa ng Batang Hesus. Gayundin, taos-pusong pasasalamat sa mga magulang sa kanilang patuloy na suporta at pagtitiwala sa kanilang mga anak. At sa kanilang trainer na si Zirbel Penit, maraming salamat sa pagbabahagi ng talento at dedikasyon. Nawa’y ang Diyos ang magbalik sa inyo ng masaganang biyaya.

‎Isang tagumpay na bunga ng sakripisyo, pagkakaisa, at pananampalataya.

‎Viva! Pit Señor! Viva! Viva! Viva!

“Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga tulad nila ang kaharian n...
18/01/2026

“Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga tulad nila ang kaharian ng Diyos.”

— Marcos 10:14

Viva Pit Señor! Viva! Viva! Viva

10/01/2026

𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐨𝐥𝐞𝐦𝐧 𝐄𝐮𝐜𝐡𝐚𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐜 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝑹𝒊𝒕𝒆 𝒐𝒇 𝑫𝒆𝒅𝒊𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑪𝒉𝒖𝒓𝒄𝒉 𝐨𝐟 𝐒anto 𝐍𝐢𝐧̃𝐨 𝐝𝐞 𝐀𝐛𝐨𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡 𝐢𝐧 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐀𝐛𝐨𝐧𝐠𝐚𝐧, 𝐓𝐚𝐲𝐭𝐚𝐲, 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐩𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐝 𝐨𝐯𝐞𝐫 𝐛𝐲 𝐇𝐢𝐬 𝐄𝐱𝐜𝐞𝐥𝐥𝐞𝐧𝐜𝐲, 𝐭𝐡𝐞 𝐌𝐨𝐬𝐭 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝 𝐁𝐫𝐨𝐝𝐞𝐫𝐢𝐜𝐤 𝐒. 𝐏𝐚𝐛𝐢𝐥𝐥𝐨, 𝐃.𝐃., 𝐕𝐢𝐜𝐚𝐫 𝐀𝐩𝐨𝐬𝐭𝐨𝐥𝐢𝐜 𝐨𝐟 𝐓𝐚𝐲𝐭𝐚𝐲

JANUARY 1, 2026 | DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA, INA NG DIYOS"Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag...
01/01/2026

JANUARY 1, 2026 | DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA, INA NG DIYOS

"Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita, ayon sa sinabi sa kanila ng anghel."

Lucas 2:20

"Let's start this year not without fear but with confidence. Naglalakbay ang Diyos kasama natin"

KAPISTAHAN NG SAGRADANG PAMILYA, IPILColosas 3:20–21“Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng bagay, s...
29/12/2025

KAPISTAHAN NG SAGRADANG PAMILYA, IPIL

Colosas 3:20–21
“Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng bagay, sapagkat ito ang kalugud-lugod sa Panginoon. Mga magulang, huwag ninyong panghinaan ng loob ang inyong mga anak.”

Pinangunahan ni Fr. Philip Jerold F. Tan ang banal na misa para sa Kapistahan ng Banal na Mag-anak sa Purok Ipil, Bato, Taytay, Palawan.

Sa paggunita ng kapistahan ng Banal na Mag-anak, isinasabuhay ang kabanalan, pananampalataya, at pagkakaisa nina Maria, Jose, at Hesus bilang isang pamilya. Sila ang nagsisilbing huwaran para sa atin bilang mga pamilya—kung paano mamuhay nang banal at may taos-pusong pag-ibig sa Diyos.

DECEMBER 28, 2025 | KAPISTAHAN NG SAGRADA FAMILIAPinangunahan ni Brod. Kristoffer Ocinar ang pagdiriwang ng banal na mis...
28/12/2025

DECEMBER 28, 2025 | KAPISTAHAN NG SAGRADA FAMILIA

Pinangunahan ni Brod. Kristoffer Ocinar ang pagdiriwang ng banal na misa.

“Dapat handang magpatawad, dahil mas mahalaga ang relasyon kaysa sa galit.”

TINGNAN | Pamamahagi ng regalo para sa MSK ng Sta. Teresa de Avila"Ang pagbibigay ay higit na mabuti kaysa pagtanggap." ...
28/12/2025

TINGNAN | Pamamahagi ng regalo para sa MSK ng Sta. Teresa de Avila

"Ang pagbibigay ay higit na mabuti kaysa pagtanggap."

- Mga Gawa 20:35

Ngayong araw, sinimulan ang pamamahagi ng mga regalo galing sa mga alay at donasyon noong Simbang Gabi. Patuloy na yumayabong ang pag-iibigan at pagmamahalan ngayong Pasko; nagsisimula ang pag-ibig sa Diyos, dahil ang pag-ibig ay—Diyos.

DECEMBER 28, 2025 | KAPISTAHAN NG SAGRADA FAMILIA
28/12/2025

DECEMBER 28, 2025 | KAPISTAHAN NG SAGRADA FAMILIA

Address

Purok Norte Bato, Palawan
Taytay
5312

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sta.Teresa de Avila Chapel-Bato,Taytay,Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share