22/08/2026
[BALIK TANAW AT PASASALAMAT]
Mga minamahal na kapatid kay Kristo, isang napakalaking biyaya, grasya, at liwanag ang ating naranasan habang tinatahak natin ang siyam na araw ng nobena para kay San Tarcisio ang dakilang patron ng mga altar server at kabataan, at ang martir ng Banal na Eukaristiya. Mula sa ika-unang araw hanggang sa huling araw ng ating paglalakbay sa pananampalataya, naging saksi tayo sa pagkakaisa, pagmamahalan, at pagpapala.
Isang napakalalim na pasasalamat ang nais naming iparating sa mga pamilyang bukas-palad at buong-pusong nagbukas ng kanilang mga tahanan at yumakap kay San Tarcisio nang walang alinlangan:
Molina Family
Tolfo and Servano Family
Tabios Family
Sedicol Family
Zamora Family
Ramos Family
Alamo Family
Padayhag Family
Zapanta Family
Ang inyong pagtanggap ay hindi lamang simpleng pagpapatuloy ng isang imahen sa inyong mga tahanan, kundi isang patunay ng inyong matibay na pananampalataya at pagmamahal sa Diyos. Nawa'y ang pagbisita ni San Tarcisio ay magdala ng kapayapaan, pagkakaisa, at masaganang biyaya sa bawat isa sa inyong mga pamilya.
Nawa'y ang katatagan at wagas na debosyon ni San Tarcisio sa pagtatanggol sa Kabanal-banalang Eukaristiya ay patuloy na magsilbing inspirasyon sa ating lahat na isabuhay ang ating pananampalataya araw-araw.
Maraming, maraming salamat sa inyong lahat! Pagpalain kayo at ang inyong mga tahanan ng Poong Maykapal ngayon at magpakailanman.
Deo gratias omni tempore.
VIVA SAN TARCISIO