22/08/2026
[BALIK TANAW]
Mga minamahal naming ka-Parokya, isang makasaysayan at makahulugang pagtatapos ang ating nasaksihan sa pagdiriwang ng Month of Altar Servers noong nakaraang Ika-15 ng Agosto 2026. Ang tagumpay na ito ay patunay ng ating nagkakaisang pananampalataya at dedikasyon!
Kaya naman, nais po naming iabot ang aming pinakamalalim na pasasalamat sa mga taong naging kuta at sandigan upang maging matagumpay ang buong pagdiriwang na ito:
Sa ating mapagkugang Kura Paroko, Pdr. Jayson Abao, at kay Pdr. Jhonas โ Maraming salamat po sa inyong walang sawang paggabay, espirituwal na suporta, at sa pagpapala sa aming mga Altar Servers upang mas lalo silang maging tapat sa kanilang bokasyon at paglilingkod sa dambana.
Sa mga nag-alay ng oras mula sa Nobenaryo โ Isang malaking pasasalamat sa lahat ng nakiisa sa siyam na araw ng panalangin at paghahanda espirituwal bago sumapit ang mismong araw ng selebrasyon.
Sa mga nagtulungan sa pag-aayos at pag-asikaso ng venue mula sa pagpaplano, paglilinis, pagdekorasyon, hanggang sa pagbababa ng mga gamit at kaayusan ng palatuntunan, maraming salamat sa inyong pagod at sakripisyo ng oras.
Sa lahat ng nag-abot ng tulong-pinansyal at donasyon (solicitation). Lubos po kaming nagpasalamat sa inyong mga bukas-palad na pag-ambag, malaki man o maliit. Ang inyong tulong ang naging daan upang matugunan ang lahat ng pangangailangan para sa pagkain, programa, at mga gawain ng ating mga kabataan.
Sa mga magulang, pamilya, at buong komunidad. Salamat sa patuloy ninyong pagsuporta at paghihikayat sa ating mga Altar Servers na ipagpatuloy ang kanilang marangal na paglilingkod sa Panginoon.
Sa bawat isa na nag-ambag ng kanilang talento, lakas, at panalangin, mula sa harap hanggang sa likod ng entablado, maraming, maraming salamat po. Ang inyong kabutihan ay nawa'y pagpalain nang lubos ng Poong Maykapal.
Padayon sa paglilingkod para sa Kanyang kaluwalhatian!
VIVA SAN TARCISIO!!