23/08/2026
Sunday Sermon
PSALMS 23 โ THE GOOD SHEPHERD
August 23, 2026
By Pastor Jason
๐v.1 โ RELATIONSHIP
โThe Lord is my shepherd.โ
โThe Lord is my shepherdโ speaks of Davidโs relationship with the Lord.
Bilang mga tupa, ang buhay natin ay nasa pangangalaga ng ating Shepherd. Dapat tayong maging totally dependent sa Panginoonโkahit anong oras, kahit anong panahon, at kahit anong pagkakataon.
Habang nakakabit tayo sa Panginoon, hindi tayo magugutom at hindi tayo mapapabayaan. Kaya mahalaga na tunay ang relationship natin sa Kanya at patuloy tayong lumalapit sa Kanya.
๐v.1 โ SUPPLY
โI shall not want.โ
Hindi tayo magkukulang. Ang Panginoon ang nagbibigay at nagsu-supply ng ating pangangailangan.
Minsan, nagwo-worry tayo nang nagwo-worry at hindi na marunong maghintay. Ngunit habang nasa pangangalaga tayo ng Panginoon, Siya ang bahala sa atin.
Hindi tayo magkukulang dahil Siya ang ating Shepherd.
๐v.2 โ REST
โHe makes me lie down in green pastures.โ
Kailangan natin ng pahinga.
Hindi lamang physical rest o tulog ang kailangan natin. Kailangan din natin ng pahinga ng isip at puso.
Kailangan ng quality restโpayapa ang isip, kalmado ang puso, at nakakapagpahinga tayo sa Panginoon.
๐v.2 โ REFRESHMENT
โHe leads me beside still waters.โ
Kapag umiinom tayo ng tubig, nare-refresh at nabibigyan tayo ng panibagong lakas.
Ganun din ang Panginoon. Siya ang nagre-refresh sa atin at nagbibigay ng panibagong kalakasan.
Kahit pagod tayo sa maghapon na pagtatrabaho, nire-refresh Niya tayo. Sa bawat paggising natin, binibigyan Niya tayo ng panibagong kalakasan.
Hindi lamang katawan ang nire-refresh Niya, kundi pati ang ating isip at puso.
๐v.3 โ HEALING
โHe restores my soul.โ
Ang Panginoon ang nagre-restore at nagbibigay ng panibagong kalakasan.
Kahit pagod, mabigat ang pakiramdam, o maraming pinagdadaanan, Siya ang tumutulong at nagre-refresh sa atin.
Hindi natin kailangang dalhin ang pagod ng kahapon sa panibagong araw. Sa bawat araw ng ating buhay, nire-renew Niya ang ating kalakasan.
๐v.3 โ GUIDANCE
โHe leads me in the paths of righteousness.โ
Pinapatnubayan Niya tayo sa tamang daan.
Ang tamang daan ay ang kalooban ng Panginoon. Kapag pinipilit natin ang sarili nating gusto at hindi ang kalooban Niya, wala tayo sa tamang daan.
Kapag wala tayo sa tamang daan, mahihirapan tayo, maliligaw, at hahaba ang ating biyahe.
Ngunit kapag nasa tamang daan tayo, kahit matagal ang biyahe, makakarating tayo dahil ginagabayan tayo ng Panginoon.
๐v.3 PURPOSE
โFor His nameโs sake.โ
Ito ang purpose ng buhay natinโupang Siya ay maparangalan.
Habang nabubuhay tayo, dapat napaparangalan ang Panginoon sa ating buhay.
Sa lahat ng ginagawa natin, may nakakainteres man o wala, dapat patuloy na maparangalan ang Panginoon.
Ang buhay na mayroon tayo ay galing sa Panginoon.
๐v.4 โ TESTING
โThough I walk through the valley of the shadow of deathโฆโ
Dumarating tayo sa ibaโt ibang pagsubok ng buhay. May mga panahong parang dumadaan tayo sa madilim na libis kung saan hindi natin nakikita ang daan.
Lahat tayo ay daraan sa testing.
Tulad ni Abraham, dumaan siya sa pagsubok ng kanyang pananampalataya. May mga testing na dumarating upang makita kung paano tayo magtitiwala sa Panginoon.
Hindi tayo bibigyan ng Panginoon ng pagsubok na hindi natin kayang harapin. Kailangan lamang nating magtiwala at magpatuloy.
๐v.4 โ PROTECTION
โI will fear no evil, for You are with me.โ
Hindi tayo matatakot dahil kasama natin ang Panginoon.
Darating at darating ang mga pagkakataong makakaramdam tayo ng takot, ngunit alalahanin natin na nandiyan ang protection ng Diyos.
The Lord will protect us. The Lord will fight for us.
Hawak ng Panginoon ang ating buhay. Hindi natin kayang protektahan ang ating sarili at ang ating mga anak sa lahat ng pagkakataon, kaya umaasa tayo sa Kanyang protection.
๐v.4 โ FAITHFULNESS
โYour rod and Your staff, they comfort me.โ
Ang Panginoon ang ating Shepherd. Siya ang gumagabay, nag-aalaga, nagpoprotekta, at hindi tayo pinababayaan.
Kahit dumaan tayo sa mahirap na panahon, nananatili ang Panginoon kasama natin.
Tulad ng karanasan ni Job, dumaan siya sa matinding pagsubok at nawala ang kanyang mga anak at kayamanan. Ngunit nanatiling kasama niya ang Panginoon at sa huli ay naranasan niya ang restoration.
๐v.5 โ HOPE
โYou prepare a table before me in the presence of my enemies.โ
Darating ang panahon na kahit dumaan tayo sa hirap, makikita natin ang paghahanda at pagpapala ng Panginoon.
Ang Panginoon ang gumagawa at naghahanda para sa atin kahit nasa harapan pa natin ang ating mga kaaway.
Kaya huwag tayong mawalan ng pag-asa.
Magtiwala tayo na ang Panginoon ay may inihahanda para sa atin.
๐v.5 โ CONSECRATION
โYou anoint my head with oil.โ
Bilang mga tupa ng Panginoon, dapat tayong manatili sa Kanya at mag-focus sa Kanya.
Huwag tayong lumayo sa presensya ng Panginoon. Bilang isang pamilya, manatili tayong kasama ng Panginoon.
Ang focus natin ay Siya at ang pagsunod sa Kanya.
๐v.6 โ ABUNDANCE
โMy cup overflows.โ
Hindi mauubusan ng laman ang ating inumin.
Ibig sabihin, abundant ang pagpapala ng Panginoon.
Kapag tayo ay punong-puno, hindi lamang tayo dapat tumanggap. Dapat din tayong matutong magbigay.
Maliit man o malaki, ang pagbibigay ay dapat manggaling sa puso.
๐v.6 โ SECURITY
โSurely goodness and mercy shall follow meโฆโ
Ang pag-ibig at kabutihan ng Diyos ay patuloy na sasaatin habang tayo ay nabubuhay.
Hindi tayo pinababayaan ng Panginoon. Siya ang ating security at patuloy na nag-aalaga sa atin.
Ang buhay natin ay nasa Kanyang pangangalaga.
๐v.6 โ ETERNITY
โAnd I will dwell in the house of the Lord forever.โ
Ang buhay na kaloob ng Panginoon ay may panghabang-buhay na pag-asa.
Ang ating relationship sa Panginoon ay hindi lamang para sa buhay na ito. Ang Panginoon ang nagbibigay ng buhay na magpakailanman.
Kaya mahalaga ang ating relationship sa Kanya at ang ating pananatili bilang Kanyang mga tupa.