30/08/2026
😇🙏 Have a Blessed Sunday! 🙏😇
As we gather to worship the Lord today, may our hearts be filled with His peace, joy, and unfailing love. Let this Sunday be a reminder of God's faithfulness, His amazing grace, and the hope we have in Him.
Take time to seek His presence, worship with a thankful heart, and allow His Word to strengthen and guide you throughout the week ahead.
😇🙌Message Sunday School : Sister Daisie Lagar-Rebueno
🔥PANANALANGIN🔥
Eba at Adan
hayagang nakikipag-usap at naglalakad kasama ang Diyos sa Hardin ng Eden, na siyang pinakaunang anyo ng direktang komunikasyon o ppananalangin
Ang pinakaunang tahasang binanggit na pagtawag sa pangalan ng Panginoon sa kasaysayan ng Bibliya ay naganap noong panahon ni Enos, ang anak ni Set.
Nang bandang huli, si Set ay nagkaroon din ng anak na lalaki na pinanganalan niyang Enos. Nang panahong iyon ay sinimulan ng mga tao na tumawag sa pangalan ng PANGINOON.
📖Genesis 4:26📖
🙏Pananalangin🙏
Sa tradisyon ng Bibliya, ang direktang pakikipag-usap ng tao sa Diyos ay hindi tuluyang nawala kahit nagkasala, bagamat nagbago ang pamamaraan, antas, at tindi nito matapos magkasala sina Adan at Eva. Ang direktang pakikipag-ugnayan ay nagpatuloy sa mga sumusunod na paraan at panahon:
Sa mga Pinili at Propeta (Old Testament):
May mga piling lingkod ang Diyos na binigyan ng pribilehiyo ng malapit na pakikipag-usap sa Kanya nang harapan o sa pamamagitan ng tinig.
Moisés, Abraham, Samuel…
Sa Panahon ng Bagong Tipan sa pamamagitan ni Hesus
Ang pinakamataas at pinakakompletong paraan ng direktang pakikipag-usap ng tao sa Diyos ay naganap nang dumating si Hesukristo. Sa Kanyang pagkakatawang-tao, nakasalamuha at nakausap ng mga tao ang Diyos nang harapan.
Para sa Lahat ng Mananampalataya Ngayon
Matapos ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus, ang harang o "tabing" sa templo na naghihiwalay sa tao sa presensya ng Diyos ay napunit. Dahil dito, ang bawat mananampalataya ay binigyan na ng karapatang direktang lumapit at makipag-usap sa Diyos anumang oras sa pamamagitan ng pananalangin sa pangalan ni Hesus, nang hindi na nangangailangan ng tagapamagitan pari o hayop na iaalay.
"At biglang napunit sa dalawa ang tabing ng templo, mula sa itaas hanggang sa ibaba. Nayanig ang lupa at nabiyak ang mga bato."
📖Mateo 27:51📖
Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at pagpapala na tutulong sa atin sa panahon ng ating pangangailangan.
📖Hebreo 4:16📖
🙏🙌Elements of Prayer🙏🙌
A – doration and Praise
C – onfession
T – hanksgiving
S – upplication
S – ubmission/Surrender
Adoration and Praise
Adoration and Praise: Recognizing and honoring God for who He is—His holiness, sovereignty, love, and majesty—independent of what He does for us.
Pupurihin ko ang PANGINOON! Buong buhay kong pupurihin ang kanyang kabanalan. Pupurihin ko ang PANGINOON, at hindi kalilimutan ang kanyang kabutihan.
📖Mga Awit 103:1&2📖
Karapat-dapat ka, Panginoon naming Diyos, na tumanggap ng kaluwalhatian, karangalan, at kapangyarihan, sapagkat nilikha mo ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan ng iyong kalooban, sila’y nalikha at pinaiiral.
📖Pahayag 4:11📖
Confession
Humbly acknowledging sins, faults, and shortcomings before God, seeking His forgiveness and cleansing to maintain an unhindered relationship with Him.
Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya’y tapat at matuwid.
📖1 Juan 1:9📖
1 Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang-loob;
mga kasalanan ko'y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
2 Linisin mo sana ang aking karumhan,
at patawarin mo'ng aking kasalanan!
📖Mga Awit 51:1–2📖
Thanksgiving
Expressing gratitude for God’s blessings, provisions, protection, and grace experienced daily.
Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng pananalanging may pasasalamat.
📖Filipos 4:6📖
at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
📖1 Tesalonica 5:18📖
Supplication (Petition and Intercession)
Bringing specific requests to God—petition refers to personal needs, while intercession involves praying on behalf of the needs, health, and well-being of others.
“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.”
📖Mateo 7:7📖
Intercession
Una sa lahat, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, panalangin, pagsamo, at pasasalamat para sa lahat ng tao.
📖1 Timoteo 2:1📖
Submission / Surrender
Aligning one's personal desires and will with the ultimate will and purpose of God, trusting in His greater wisdom.
📖Lucas 22:42📖
“Kaniyang sinabi: Ama, kung nanaisin mo, alisin mo ang sarong ito sa akin. Gayunman, hindi ang aking kalooban kundi ang kalooban mo ang mangyari.”
📖Kawikaan 3:5–6📖
“Magtitiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang PANGINOON sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.”
📖1 Tesalonica 5:16–18📖
“Lagi kayong magalak. Manalangin kayong walang patid. Magpasalamat kayo patungkol sa lahat ng bagay sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Cristo Jesus para sa inyo.”
😇🙌 Message Pastor : Ronald Rebueno
📖Judges 2:1📖
At sumampa ang anghel ng Panginoon sa Bochim mula sa Gilgal. At kaniyang sinabi, Kayo'y pinaahon ko mula sa Egipto, at dinala ko kayo sa lupain na aking isinumpa sa inyong mga magulang; at sinabi ko, Kailan ma'y hindi ko sisirain ang aking tipan sa inyo:
🔥THE GOD THAT NEVER CHANGE/
O ANG DIOS NA DI NAGBABAGO 🔥
ito Yung kwento kung saan Ang mga israelita, ay inilabas ng PANGINOON mula sa pagkaalipin sa Lugar ng Ehipto. at nakatawid ng ilog Jordan at humantong sa Lugar ng Gilgal at Bochim.
anu Ang Gilgal-Ang Gilgal ay isang mahalagang lugar sa Biblia na nangangahulugang "gumugulong" o "pag-alis."
bilang Isang Taong binago ng Dios, pinili ng Dios, magpatuloy kang lubusang mabago.
*Unang Kampo: Ito ang unang lugar ng pagkampo ng mga Israelita nang tumawid sila sa ilog Jordan para pumasok sa Lupang Pangako. Pag-alis ng Kahihiyan:
itoy kahalintulad pagkakabautismo NATIN simula ng nabautismuhan Tayo sa tubig inalis na ng Dios Ang kahihiyan NATIN. pinatawad na Tayo sa ATING mga kasalanan.
Dito sinabi ng Panginoon kay Josue na inalis na niya ang kahihiyan ng pagiging alipin ng Israel sa Ehipto.
-hindi kana mamamayan ng sanglibutan, mamamayan kana ng langit.
anu Ang ibig Sabihin ng Lugar na Bochim-Ang Bochim ay isang lugar sa Biblia na nangangahulugang "mga umiiyak" o "lugar ng pag-iyak."
matinding kalungkutan Ang naramdaman NG MGA Israelita sa Lugar na ito. dahil Dito namatay si Josue sa edad na 110 year old.
📖Judges 2:8📖
At si Josue na anak ni Nun, na lingkod ng Panginoon, ay namatay, na may isang daan at sangpung taon ang gulang.
ito Ang magandang nagawa ni josue
📖Judges 2:6-7📖
Nang mapayaon nga ni Josue ang bayan, pumaroon ang mga anak ni Israel, bawa't isa, sa kaniyang mana, upang ariin ang lupa.
At naglingkod ang bayan sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue, na nakakita ng mga dakilang gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa Israel.
Dito rin lumabag Ang mga israelita sa kautusan ng PANGINOON.
anu ba Ang utos ng PANGINOON?
📖Judges 2:2 📖
At huwag kayong makikipagtipan sa mga taga lupaing ito; inyong iwawasak ang kanilang mga dambana. Nguni't hindi ninyo dininig ang aking tinig: bakit ginawa ninyo ito?
BAKIT NALABAG NILA ANG KAUTUSAN?
📖Judges 2:10📖
At ang buong lahing yaon ay nalakip din sa kanilang mga magulang; at doo'y may ibang lahing bumangon pagkamatay nila, na hindi nakilala ang Panginoon, ni ang mga gawa na kaniyang ginawa sa Israel.
📖Judges 2:11📖
At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, at naglingkod sa mga Baal:
📖Judges 2:12📖
At kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto, at sumunod sa ibang mga dios, sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot nila, at sila'y yumukod sa mga yaon: at kanilang minungkahi ang Panginoon sa galit.
📖Judges 2:13📖
At kanilang pinabayaan ang Panginoon, at naglingkod kay Baal at kay Astaroth.
ANG NAGING RESULTA NG KANILANG PAGSUWAY
📖Judges 2:14📖
At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng mga mangloloob na lumoob sa kanila; at kaniyang ipinagbili sila sa mga kamay ng kanilang mga kaaway sa palibot, na anopa't sila'y hindi makatayong maluwat sa harap ng kanilang mga kaaway.
May God bless you and your family with good health, protection, wisdom, and abundant grace. Have a wonderful day in His presence, and let your life be a testimony of His goodness.
✨ Have a blessed and Christ-filled Sunday UPC TAYABAS CITY FAMILY ❤️🫶