Iglesia Sa Tahanan

Iglesia Sa Tahanan Sumasampalataya kami sa nag-iisang Diyos, naghahanda sa pagbabalik ni Kristo, at nagtitipon tuwing Sabado sa mga tahanang iglesia gaya ng unang iglesia.

(Roma 16:5; Gawa 2:46; 5:42; 8:4)

28/03/2026

ANG TANONG NG KARAMDAMAN AT KAMATAYAN SA HANAY NG MGA NAGPAPAKILALANG BAYAN NG DIYOS

Sa ating buhay bilang mga repormador, malinaw nating nakikita ang mga pangyayari sa ating paligid—mga pagkakasakit, biglaang pagpanaw, at mga karanasang tila hindi inaasahan, lalo na sa mga taong may mataas na pamantayan sa kalusugan. Alam natin ang mga prinsipyo ng tamang pamumuhay, subalit bakit tila laganap pa rin ang karamdaman sa hanay ng mga nag-aangking tunay na iglesia ng Diyos? Ito ang mga tanong na hindi maiiwasang bumangon sa ating isipan.

Sa kabila ng ating kaalaman sa health reform—tamang pagkain, disiplina sa katawan, at pagsunod sa mga prinsipyo—nakikita pa rin natin na ang sakit ay hindi ganap na nawawala. May mga nagkakaroon ng high blood, iba’t ibang karamdaman, at maging kamatayan. Ipinapakita nito na ang buhay ng tao ay hindi lamang nakasalalay sa pisikal na aspeto, kundi nananatiling nasa ilalim ng kalooban ng Diyos.

Ayon sa Biblia:

«“Sapagkat ang ulan ay bumababa sa mga matuwid at sa mga hindi matuwid.”
(Mateo 5:45)»

Kaya kahit ang mga sumusunod sa Diyos ay dumaraan pa rin sa pagsubok, kabilang ang karamdaman at kamatayan.

May mga lingkod din ng Diyos sa Biblia na nagkasakit:

«“Iwan ko si Trofimo sa Mileto na may sakit.”
(2 Timoteo 4:20)»

Ngunit totoo rin na may mga pagkakataon na ang patay ay binuhay sa kapangyarihan ng Diyos:

- Si Lazarus ay binuhay ni Cristo (Juan 11:43-44)
- Ang anak ng babaing balo (Lucas 7:14-15)
- Si Tabita sa pamamagitan ni Pedro (Gawa 9:40)

Kaya tama na may kapangyarihan ang Diyos na magbangon ng patay. Subalit ang mga himalang ito ay hindi ginagawa ayon sa kagustuhan ng tao, kundi ayon sa layunin at kalooban ng Diyos.

Dito pumapasok ang isang mahalagang pahayag: kung ang isang kinikilalang “sugo” ay nanalangin o umasa na maagaw sa kamatayan ang isang kaanib, ngunit hindi ito nangyari—ano ang ibig sabihin nito?

Ito ay nagbubukas ng seryosong tanong: bakit hindi pinakinggan ng Diyos ang panawagan ng kinikilalang sugo ng PAM na si Jonathan upang iligtas o ibalik sa buhay ang isang kaanib?

Kung ang kapangyarihan na magbangon ng patay ay inaasahan bilang patunay ng pagiging sugo, bakit hindi ito nakita sa ganitong sitwasyon? Sapagkat sa Biblia, ang mga ganitong himala ay malinaw na ipinakita bilang patotoo ng kapangyarihan ng Diyos sa Kanyang mga lingkod.

Ngunit ayon sa liwanag ng Kasulatan at sa mga sulat ni Ellen G. White, ang Diyos ay hindi gumagawa ng himala upang patunayan ang tao, kundi upang tuparin ang Kanyang banal na layunin.

«“Hindi lahat ng panalangin ay sinasagot ayon sa inaasahan ng tao, sapagkat ang Diyos ay may mas mataas na layunin kaysa sa ating nauunawaan.”»

«“Maraming matuwid ang natutulog sa libingan, naghihintay ng muling pagkabuhay.”»

Ibig sabihin, ang hindi pagkabuhay ng isang namatay ay hindi nangangahulugang walang kapangyarihan ang Diyos, kundi nagpapakita na ang Kanyang kalooban ang nangingibabaw, hindi ang inaasahan o pahayag ng sinumang tao.

Sa ganitong liwanag, makikita na ang buhay at kamatayan ay hindi hawak ng sinumang lider o sugo, kundi ng Diyos lamang.

«“May panahon ang bawat bagay… panahon ng kapanganakan at panahon ng kamatayan.”
(Eclesiastes 3:1-2)»

Tungkol naman sa mga sabi-sabi ng tao—tulad ng paniniwala na kapag tatlo sa larawan ay may mamamatay—ito ay walang batayan sa Biblia. Ang tunay na basehan ay ang salita ng Diyos, hindi pamahiin.

Kung may natitirang isa, hindi ito nangangahulugan ng kung ano mang pamahiin, kundi maaaring siya ay iniingatan pa ng Diyos para sa Kanyang layunin. Ang mga nauna naman ay natutulog lamang, naghihintay sa muling pagkabuhay.

Sa kabuuan, ang pagkakasakit at kamatayan sa hanay ng mga repormador ay hindi dapat maging sanhi ng pagdududa, kundi paalala na tayo ay nabubuhay pa rin sa mundong apektado ng kasalanan.

Ang kapangyarihang magbangon ng patay ay totoo, ngunit ito ay nasa Diyos lamang at hindi maaaring angkinin o kontrolin ng sinumang tao. Kung may mga pagkakataon na hindi nasagot ang panalangin—even mula sa kinikilalang sugo—ito ay nagpapakita na ang kalooban ng Diyos ang nasusunod, hindi ang tao.

Ang naiwan ay maaaring iniingatan, at ang mga nauna ay nagpapahinga lamang.

Sa huli, ang tunay na pag-asa ay hindi sa haba ng buhay o sa himala ng ngayon, kundi sa pangako ng Diyos na muling pagkabuhay at buhay na walang hanggan sa mga mananatiling tapat hanggang wakas.

ANG PAGHIHIWALAY AT PAGKAKALINIS NG BAYAN NG DIYOS SA HULING PANAHONSa paglapit ng huling yugto ng kasaysayan ng sanlibu...
28/03/2026

ANG PAGHIHIWALAY AT PAGKAKALINIS NG BAYAN NG DIYOS SA HULING PANAHON

Sa paglapit ng huling yugto ng kasaysayan ng sanlibutan, malinaw na ang mga pagsubok ay lalo pang titindi sa paligid natin. Hindi ito pangkaraniwang kalagayan, kundi isang itinakdang panahon kung saan ang tunay na kalagayan ng bawat isa ay mahahayag. Ayon sa Kasulatan, “At magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailanman…” (Daniel 12:1). Sa gitna ng mga pangyayaring ito, sabay na makikita ang dalawang bagay—ang paghihiwalay at ang pagkakaisa. Sapagkat nasusulat, “Kung magkagayo’y muli ninyong makikilala ang pagkakaiba ng matuwid at ng masama…” (Malakias 3:18).

Ang ilan ay mananatiling matatag at tapat, samantalang ang iba, bagama’t dati’y tila handa at masigasig, ay mahuhulog at magpapadala sa tukso. Gaya ng sinabi, “Sila’y nagsilabas sa atin, ngunit hindi sila sa atin…” (1 Juan 2:19). Ito ay sapagkat hindi lahat ay tunay na nakapagtayo sa matibay na pundasyon. Sinabi ni Kristo, “Ang bawat dumirinig ng aking mga salita at ginagawa ang mga ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato” (Mateo 7:24–27). Ang pundasyong ito ay walang iba kundi si Kristo at ang Kanyang katotohanan.

Higit pang mabigat ang kalagayan ng mga tumanggap ng malaking liwanag at mahahalagang pribilehiyo ngunit hindi ito isinabuhay. Sapagkat nasusulat, “Sa pinagkatiwalaan ng marami, ay hihingan ng higit” (Lucas 12:48). Ang kaalaman sa katotohanan ay hindi sapat kung ito’y hindi nagiging bahagi ng buhay at karakter. Kaya’t sa ilalim ng iba’t ibang dahilan, ang ilan ay kusang lalayo at hihiwalay sa hanay ng bayan ng Diyos.

Ayon sa sulat ni Ellen G. White, “As trials thicken around us, both separation and unity will be seen in our ranks… Those who have had great light and precious privileges but have not improved them will, under one pretext or another, go out from us.” (Testimonies for the Church, Vol. 6, p. 400). Ito ay malinaw na nagpapakita na ang paghihiwalay ay bahagi ng gawain ng Diyos sa huling panahon.

Ang lahat ng ito ay bahagi ng tinatawag na “shaking” o panginginig—isang gawain upang linisin ang iglesia. Gaya ng nasusulat, “Upang ang mga bagay na hindi nayayanig ay manatili” (Hebreo 12:27). Ito rin ay kaugnay ng kasalukuyang gawain sa santuwaryo sa langit, sapagkat “Hanggang sa dalawang libo at tatlong daang hapon at umaga; kung magkagayo’y lilinisin ang santuwaryo” (Daniel 8:14). Ang paglilinis na ito ay hindi lamang sa langit kundi sumasalamin din sa paglilinis ng puso at buhay ng bayan ng Diyos dito sa lupa.

Dagdag pa rito, ayon muli kay Ellen G. White, “The church may appear as about to fall, but it does not fall. It remains, while the sinners in Zion will be sifted out—the chaff separated from the precious wheat.” (Selected Messages, Book 2, p. 380). Ipinapakita nito na bagama’t may aalis at mahuhulog, ang tunay na iglesia ay mananatili.

Kaya sa panahong ito, ang bawat isa ay tinatawag na suriin ang kanyang sariling pundasyon. Sapagkat habang papalapit ang huling pagsubok, lalo lamang titindi ang paghihiwalay. At sa huli, mananatili lamang ang mga tunay na nakatayo kay Kristo at sa Kanyang buong katotohanan.

ANG PAGTANGGI NA SI KRISTO AY NAPARITO SA LAMAN: TANDA NG ANTICRISTOHindi ito usapin ng opinyon o sariling interpretasyo...
23/03/2026

ANG PAGTANGGI NA SI KRISTO AY NAPARITO SA LAMAN: TANDA NG ANTICRISTO

Hindi ito usapin ng opinyon o sariling interpretasyon—ito ay malinaw na itinuro ng Biblia bilang sukatan ng katotohanan.

Ayon sa 1 John 4:2–3:

“Dito ninyo nakikilala ang Espiritu ng Diyos: ang bawat espiritu na nagpapahayag na si Jesucristo ay naparito sa laman ay sa Diyos; at ang bawat espiritu na hindi nagpapahayag na si Jesucristo ay naparito sa laman ay hindi sa Diyos: at ito ang espiritu ng anticristo.”

—Pahayag ni Apostol Juan

Dagdag pa sa 2 John 1:7:

“Sapagka't maraming manlilinlang ang nagsilabas sa sanlibutan, yaong hindi nagpapahayag na si Jesucristo ay naparito sa laman. Ito ang manlilinlang at ang anticristo.”

—Pahayag pa rin ni Apostol Juan

Malinaw ang linya ng paghihiwalay:
Ang kumikilala kay Kristo na naparito sa laman → sa Diyos
Ang tumatanggi rito → hindi sa Diyos, kundi may espiritu ng anticristo

Hindi ito paninira sa tao, kundi pagkilala sa espiritung gumagawa sa likod ng paniniwala.

Pinatutunayan din ng Biblia na si Kristo ay tunay na nagkatawang-tao:

Ayon sa John 1:14:
“At ang Salita ay nagkatawang-tao, at tumahan sa gitna natin...”

Ayon sa 1 Timothy 3:16:
“...Dios ay nahayag sa laman...”

Ayon sa Hebrews 2:14:
“Yamang ang mga anak ay mga may laman at dugo, siya man naman ay nakabahagi sa gayon ding paraan...”

MGA SIPI MULA SA SULAT NI ELLEN G. WHITE

“The humanity of the Son of God is everything to us. It is the golden chain that binds our souls to Christ, and through Christ to God.”
— Selected Messages, Book 1, p. 244

“Christ did not make-believe take human nature; He did verily take it. He did in reality possess human nature.”
— The Review and Herald, April 5, 1906

“In Christ were united the divine and the human—the Creator and the creature. The nature of God, whose law had been transgressed, and the nature of Adam, the transgressor, meet in Jesus.”
— Manuscript Releases, vol. 18, p. 323

“If men reject the testimony of the inspired Scriptures concerning the deity of Christ, it is in vain to argue the point with them… The natural man receiveth not the things of the Spirit of God…”
— The Great Controversy, p. 524 (7ABC 440.2)

Na umaayon sa 1 Corinthians 2:14:

“Datapuwa't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos: sapagka't ang mga yaon ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawaan, sapagka't ang mga yaon ay napagkikilalang ayon sa espiritu.”

Kung kaya, ang pagtanggi na si Kristo ay naparito sa laman ay hindi simpleng pagkakamali. Ito ay pagtanggi sa mismong pundasyon ng plano ng kaligtasan. Sapagkat kung si Kristo ay hindi tunay na naging tao, paano Siya naging sakdal na handog para sa kasalanan? Paano Niya tinubos ang sangkatauhan?

Ang mga sipi mula sa sulat ni Ellen G. White ay malinaw na nagpapatunay:
Si Kristo ay hindi lamang nag-anyong tao—Siya ay tunay na nagkatawang-tao, pinagsama ang pagka-Diyos at pagka-tao sa iisang persona.

Kaya ang panawagan ay malinaw:
Ihayag ang katotohanan nang buong tapang.
Huwag ikompromiso ang aral.
At ipaubaya sa Diyos ang LAHAT.

Sa huli, ang usapin ay hindi lamang kung sino ang tama sa argumento—kundi kung sino ang tumatanggap sa katotohanan na si Kristo ay naparito sa laman, ayon sa patotoo ng Diyos.

PANALANGIN PAGKATAPOS NG PAMAMAGITAN NI KRISTO: MAYROON BA O WALA?May mga nagsasabi ngayon na kapag natapos na ang pamam...
22/03/2026

PANALANGIN PAGKATAPOS NG PAMAMAGITAN NI KRISTO: MAYROON BA O WALA?

May mga nagsasabi ngayon na kapag natapos na ang pamamagitan ni Kristo, wala nang pananalangin dahil wala nang Tagapamagitan. Ang iba naman ay humihingi ng eksaktong salita (letra por letra) mula sa mga sulat ni Ellen G. White na nagsasabing “direkta sa Diyos ang panalangin.”

Ngunit tama ba ang ganitong pagtingin?
Kailangan ba talagang may eksaktong ganitong linya bago natin maunawaan ang katotohanan?

Sa artikulong ito, ipapakita natin ang malinaw na aral mula sa Kasulatan at sa mga sulat ni Ellen White, sa paraang madaling maintindihan ng lahat.

1. WALA NANG TAGAPAMAGITAN

Sa aklat na The Great Controversy, pahina 613, malinaw na sinabi:

«“...the righteous must live in the sight of a holy God without an intercessor.”»

Ibig sabihin:

- Tapos na ang gawain ni Kristo bilang Tagapamagitan
- Wala nang namamagitan para sa kapatawaran ng kasalanan

👉 Sa simpleng salita:
Sarado na ang pagkakataon ng biyaya (probation).

2. MAY PANANALANGIN PA RIN

Sa parehong aklat, pahina 616, sinabi:

«“Day and night they cry unto God for deliverance…”»

Ibig sabihin:

- Ang bayan ng Diyos ay patuloy na nananalangin
- Araw at gabi silang tumatawag sa Diyos

👉 Sa madaling salita:
Hindi tumitigil ang pananalangin kahit tapos na ang pamamagitan.

3. ANONG URI NG PANANALANGIN ITO?

Mahalagang maintindihan:

- ❌ Hindi na ito panalangin para sa kapatawaran
- ❌ Hindi na ito para mabago ang kalagayan

Dahil ayon sa pahina 614:

«“He that is unjust, let him be unjust still… and he that is righteous, let him be righteous still.”»

👉 Ibig sabihin:

- Final na ang kalagayan ng bawat tao
- Wala nang pagbabago

✔️ Kaya ang panalangin ay para na lamang sa:

- kaligtasan
- lakas
- pagtitiis hanggang wakas

4. DIREKTA BA SA DIYOS?

Maaaring sabihin ng iba:
“Walang eksaktong nakasulat na ‘direkta sa Diyos ang panalangin.’”

✔️ Totoo — walang ganitong eksaktong linya.
❗ Pero malinaw ang prinsipyo:

- Wala nang Tagapamagitan
- May pananalangin pa rin sa Diyos

👉 Kaya ang tamang konklusyon:

Ang panalangin ay umaabot sa Diyos kahit wala nang mediatorial work ni Kristo.

Sa madaling salita:
Direkta na itong umaabot sa Diyos — hindi dahil sinabi ang eksaktong salita, kundi dahil malinaw ang sitwasyon.

- Tapos na ang pamamagitan ni Kristo (GC p. 613)
- Sarado na ang pagkakataon ng biyaya (GC p. 614)
- May pananalangin pa rin ang bayan ng Diyos (GC p. 616)

❌ Mali ang paniniwala na wala nang pananalangin
✔️ Tama ang unawa na:

- May pananalangin pa rin
- Pero hindi na para sa kapatawaran
- Kundi para sa kaligtasan at pagtitiis

👉 At kahit walang eksaktong linyang “direct to God,”
ang kabuuang aral ay malinaw: ang panalangin ay patuloy na umaabot sa Diyos kahit wala nang Tagapamagitan.

ANG PAGGAMIT NG “GOD ALMIGHTY” SA SARILING WIKA: AYON SA BIBLIAMay ilang mga repormador na nagsasabing bawal daw gamitin...
21/03/2026

ANG PAGGAMIT NG “GOD ALMIGHTY” SA SARILING WIKA: AYON SA BIBLIA

May ilang mga repormador na nagsasabing bawal daw gamitin ang Almighty God.Tama ba o mali ang paggamit ng katawagan sa Dios na manlalalang ng “God Almighty” sa sariling wika?. May ilan na nagsasabing dapat ay manatili lamang sa orihinal na salita ang pagtawag sa Diyos. Ngunit kung susuriin nang maayos ang Biblia, makikita na ang ganitong pananaw ay walang sapat na batayan.

Ang mahalagang tanong: Mayroon bang patunay sa Biblia na mali ang paggamit ng sariling wika sa pagtukoy sa Diyos.

1. Iba’t ibang wika ang ginamit sa Kasulatan

Ang Biblia ay hindi isinulat sa iisang wika lamang.

Ibig sabihin, mula pa sa simula, pinahintulutan na ng Diyos na ipahayag Siya sa iba’t ibang wika. Kung mali ang paggamit ng iba’t ibang salita, sana ay iisa lamang ang ginamit na lengguwahe sa buong Biblia.

Genesis 17:1 — “I am the Almighty God”
Revelation 1:8 — “the Almighty”

Makikita na kahit sa Biblia, may iba’t ibang anyo ng pagpapahayag ng “Makapangyarihang Diyos.”

2. Pinahintulutan ng Diyos ang maraming wika sa pangangaral

Acts 2:6–11

Sa araw ng Pentecost, ang mga apostol ay nagsalita sa iba’t ibang wika, at ang bawat nakarinig ay nakaunawa sa sarili nilang lengguwahe.

Punto:
Kung mali ang paggamit ng sariling wika sa pagtukoy sa Diyos, hindi sana pinahintulutan ng Diyos na ipangaral Siya sa iba’t ibang wika.

3. Ang pagsamba ay hindi nakatali sa isang partikular na salita

John 4:24
“God is Spirit: and they that worship him must worship him in spirit and in truth.”

Punto:
Ang tunay na pagsamba ay hindi nakadepende sa eksaktong salita o wika, kundi sa katotohanan at espiritu.

4. Ang pangalan ng Diyos ay isinasalin sa iba’t ibang wika

Halimbawa:
- LORD (English)
- PANGINOON (Tagalog)

Romans 10:13
“Whosoever shall call upon the name of the Lord shall be saved.”

Punto:
Kung bawal ang pagsasalin, hindi sana maiintindihan ng iba’t ibang bansa ang pangalan ng Diyos. Ngunit malinaw na tinatanggap ng Diyos ang pagtawag sa Kanya sa iba’t ibang wika.

5. Ang binabalaan ng Biblia ay maling aral, hindi wika

Galatians 1:8
Revelation 22:18–19

Ang malinaw na babala ay laban sa:
- maling doktrina
- pagdaragdag o pagbabawas ng aral

Hindi laban sa paggamit ng iba’t ibang wika.

- Walang talata sa Biblia na nagsasabing mali ang paggamit ng “God Almighty” sa sariling wika.
- Ang Biblia mismo ay gumagamit ng iba’t ibang wika sa pagpapahayag tungkol sa Diyos.
- Pinahintulutan ng Diyos ang pangangaral sa iba’t ibang lengguwahe.
- Ang mahalaga ay ang tamang kahulugan at katotohanan, hindi ang eksaktong salita.

Ang Diyos ay hindi limitado sa isang wika lamang. Siya ay Diyos ng buong sangkatauhan. Kaya’t ang pagtawag sa Kanya bilang “God Almighty” o katumbas nito sa sariling wika ay hindi mali, basta’t ito ay ginagawa nang may tamang pagkaunawa at ayon sa katotohanan ng Kasulatan.

Sa panahon ngayon, ayon sa aklat ng Pahayag, inilalarawan ang pagbubuhos ng pitong huling salot bilang pagpapakita ng katarungan ng Diyos laban sa kasalanan (Revelation 15–16). Dito makikita na ang Diyos ay hindi lamang mapagmahal at mahabagin, kundi Siya rin ay banal at makatarungan—isang makapangyarihang hukom na nagbibigay ng nararapat na hatol.
Gayunman, ang layunin ng ganitong paghahayag ay hindi upang ilarawan ang Diyos bilang malupit, kundi upang ipakita ang Kanyang katuwiran laban sa kasamaan at ang Kanyang katapatan sa katotohanan. Siya ay Diyos na nagliligtas sa mga tumatawag sa Kanya, at nagbibigay babala sa mga tumatanggi sa Kanyang kalooban.
Kaya’t sa huli, ang pagtawag sa Kanya bilang “God Almighty” o katumbas nito sa anumang wika ay nagpapahayag ng Kanyang kapangyarihan, katarungan, at awtoridad sa buong sanlibutan. Ito ay paanyaya sa bawat isa na kilalanin Siya, hindi lamang sa salita, kundi sa tunay na pagsunod at pananampalataya.

PAG-ALAALA NG MARCH 20: KATUPARAN NG DAY OF ATONEMENTSa pag-aaral ng mga propesiya sa Biblia, malinaw na ang mga pangyay...
21/03/2026

PAG-ALAALA NG MARCH 20: KATUPARAN NG DAY OF ATONEMENT

Sa pag-aaral ng mga propesiya sa Biblia, malinaw na ang mga pangyayari sa mundo ay hindi nagaganap nang walang dahilan. Ang mga ito ay bahagi ng katuparan ng mga salita ng Diyos na matagal nang ipinahayag sa Banal na Kasulatan. Sa ating paggunita sa mga nagaganap, mas lalong nagiging malinaw na ang mga tanda ay natutupad na, at ang pagbabalik ng ating Panginoong si Hesu Kristo ay nalalapit na.

Ayon sa Biblia:
“Datapuwa't pagka inyong makita ang lahat ng mga bagay na ito, talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan na.”
(Mateo 24:33)

1. Ang Pagbitaw ng Apat na Hangin (March 20)
Ang “apat na hanging” na binabanggit sa Biblia ay sumisimbolo sa mga digmaan at kaguluhan na pinahintulutan ng Diyos sa lupa.

“At pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa…”
(Apocalipsis 7:1)

Sa pag-aaral, ang pagbitaw ng mga hanging ito ay nakita sa mga digmaan tulad ng nangyari sa pagitan ng America(earth in prophecy)at Iraq(Ancient Babylon)Daniel 7:2-3,Taong 2003. Ito ay isang malinaw na tanda na ang mga pangyayaring ito ay hindi basta kasaysayan lamang, kundi bahagi ng katuparan ng propesiya.

Suporta mula sa sulat ni Mrs. White:
“Ang mga hangin ng alitan ay pinipigil ng mga anghel ng Diyos hanggang ang mundo ay mabigyan ng babala.”
(Ellen G. White, The Great Controversy, p. 614)

2. Ang Kasalukuyang Digmaan at ang mga Salot (Revelation 16)
Ang kasalukuyang tensyon at digmaan sa pagitan ng America at Iran( ancient medopersia)ngayong 2026 ay bahagi Ng onang salot at pangalawang salot nakikita bilang katuparan ng mga salot na binanggit sa Revelation 16.

“At narinig ko ang isang malakas na tinig… na nagsasabi sa pitong anghel, Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok ng p**t ng Diyos sa lupa.”
(Apocalipsis 16:1)

Ang una at ikalawang salot ay nagpapakita ng kaparusahan at kaguluhan sa mundo—mga pangyayaring nakikita natin ngayon sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Suporta mula kay Mrs. White:
“Ang mga hatol ng Diyos ay nasa lupa na… ang mga digmaan at mga alingawngaw ng digmaan ay tanda ng nalalapit na wakas.”
(Ellen G. White, Testimonies for the Church, Vol. 9, p. 11)

3. March 20 bilang Katuparan ng Day of Atonement
Ang March 20 ay isang mahalagang araw ng pag-alala. Sa ating pagkaunawa, ito ay sumasagisag sa katuparan ng Day of Atonement—isang panahon ng paglilinis, pagsisisi, at paghahanda ng bayan ng Diyos.

“Kayo nga'y mangagbantay… sapagka't hindi ninyo nalalaman kung anong oras darating ang inyong Panginoon.”
(Mateo 24:42)

Ang Day of Atonement sa Banal na Kasulatan ay tumutukoy sa seryosong paghahanda ng puso ng bayan ng Diyos.

Suporta mula kay Mrs. White:
“Tayo ay nabubuhay ngayon sa dakilang araw ng pagtubos… panahon ng pagsusuri ng puso at pagsisisi.”
(Ellen G. White, The Great Controversy, p. 489)

Ang paggunita sa March 20 ay isang paalala na ang panahon ng paghahanda ay mahalaga at hindi dapat ipagwalang-bahala.

4. Ang Kaalaman sa mga Tanda Bilang Bahagi ng Kaligtasan
Ang pagkaunawa sa mga propesiya ay hindi lamang kaalaman kundi bahagi ng ating paghahanda sa kaligtasan.

“Mapalad ang bumabasa… at ang mga nakikinig sa mga salita ng hulang ito.”
(Apocalipsis 1:3)

Suporta mula kay Mrs. White:
“Ang mga may unawa sa mga tanda ng panahon ay hindi magiging bulag sa nalalapit na panganib.”
(Ellen G. White, Testimonies for the Church, Vol. 5, p. 9)

Mapalad ang mga nakakakita at nakakaunawa ng mga tandang ito, sapagkat sila ay nagiging handa sa pagdating ni Hesu Kristo.

Sa kabuuan, ang March 20 ay isang mahalagang araw ng pag-alala na itinuturing na katuparan ng Day of Atonement. Ang pagbitaw ng apat na hanging at ang mga digmaan sa kasalukuyan ay nagpapakita na ang mga propesiya ay natutupad na.

Ang lahat ng mga tandang ito ay malinaw na nagpapakita na ang pagbabalik ng ating Panginoong si Hesu Kristo ay napakalapit na. Kaya’t mahalaga na tayo ay maging handa, magbantay, at manatiling matatag sa pananampalataya.

ANG LIKAS NG MAKAKRISTONG PAGKATAO: MATUWID NA GALIT NA HINDI NAGKAKASALA (MGA TAGPO NG GALIT NI KRISTO SA BIBLIA)Marami...
21/03/2026

ANG LIKAS NG MAKAKRISTONG PAGKATAO: MATUWID NA GALIT NA HINDI NAGKAKASALA (MGA TAGPO NG GALIT NI KRISTO SA BIBLIA)

Maraming nagsasabi na ang pagiging Christlike o makakristo ay nangangahulugang hindi na dapat magalit kailanman. Ngunit kapag sinuri natin ang Biblia, malinaw na si Kristo mismo ay nagpakita ng galit sa ilang pagkakataon.

Ang mga tagpong ito ay mahalaga sapagkat ipinapakita nila na ang galit ay hindi agad kasalanan. Sa halip, mayroong tinatawag na matuwid na galit—isang galit na naaayon sa kalooban ng Diyos.

1. Paglilinis ng Templo: Galit laban sa Katiwalian

Sa :13–17 at :12–13, pumasok si Kristo sa templo at nakita ang mga nagtitinda at nagpapalit ng pera.

Hindi Siya nanahimik.
Pinalayas Niya ang mga ito, ibinagsak ang mga mesa, at itinuwid ang maling gawain.

Aral:
Ang galit ni Kristo ay laban sa katiwalian at maling paggamit ng banal na lugar.

2. Galit sa Katigasan ng Puso: Kawalan ng Awa

Sa :1–5, may lalaking may tuyong kamay na kailangang pagalingin.

Naroon ang mga Pariseo—hindi upang tumulong kundi upang maghanap ng mali.
Tumingin si Kristo sa kanila na may galit at nalungkot dahil sa katigasan ng kanilang puso.

Pagkatapos, pinagaling Niya ang lalaki.

Aral:
Ang galit ni Kristo ay laban sa kawalan ng awa at matigas na puso.

3. Pagsaway sa mga Pariseo: Galit laban sa Hypocrisy

Sa , matapang na sinaway ni Kristo ang mga lider relihiyoso.

Tinawag Niya silang:

- Mapagpaimbabaw
- Bulag na tagaakay
- Pinaputing libingan

Aral:
Ang galit ni Kristo ay laban sa pagkukunwari at panlilinlang sa relihiyon.

4. Pagkagalit sa mga Alagad: Pagprotekta sa mga Bata

Sa :13–14, pinigilan ng mga alagad ang mga bata na lumapit kay Kristo.

Nagalit Siya at sinabi:
“Pabayaan ninyo ang mga bata na lumapit sa akin.”

Aral:
Ang galit ni Kristo ay laban sa pagharang sa mga inosente at mahihina.

5. Pagsaway kay Pedro: Galit laban sa Paghadlang sa Kalooban ng Diyos

Sa :21–23, sinubukan ni Pedro na pigilan si Kristo sa Kanyang misyon.

Sumagot si Kristo:
“Lumayo ka sa akin, Satanas!”

Aral:
Ang galit ni Kristo ay laban sa anumang humahadlang sa kalooban ng Diyos.

Kabuuang Pag-unawa

Sa lahat ng tagpong ito, makikita ang malinaw na pattern:

- May dahilan ang galit ni Kristo
- Hindi ito bugso ng emosyon
- Ito ay kontrolado at may layunin
- Ito ay laban sa kasalanan, hindi para sa pansariling paghihiganti

Ang mga tagpo ng galit ni Kristo ay nagpapatunay na:

👉 Hindi masama ang magalit
👉 Masama ang magkasala dahil sa galit

Ang tunay na makakristong pagkatao ay:

- Nagagalit sa mali
- Nanatiling matuwid
- May pagpipigil sa sarili
- Nagnanais ituwid ang mali, hindi manira ng tao

Sa huli, itinuturo ng halimbawa ni Kristo na ang galit, kapag ginamit nang tama, ay maaaring maging kasangkapan ng katuwiran—hindi kasalanan.

ANG TUNAY NA LABAN NG (Cristiano) REPORMADORMaraming tao ang nag-iisip na ang laban ng isang Kristiyano ay laban sa iban...
12/03/2026

ANG TUNAY NA LABAN NG (Cristiano) REPORMADOR

Maraming tao ang nag-iisip na ang laban ng isang Kristiyano ay laban sa ibang tao—sa mga kumakalaban, naninira, o hindi sumasang-ayon sa kanila. Ngunit ayon sa Biblia, hindi ito ang tunay na laban. Ang pakikipaglaban ng bayan ng Dios ay mas malalim kaysa sa nakikita ng mata. Ito ay isang espirituwal na labanan laban sa mga puwersa ng kasamaan na kumikilos upang iligaw ang mga tao at hadlangan ang katotohanan.

Malinaw na sinabi ng Biblia:

“Sapagka't ang ating pakikipaglaban ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga pinuno ng kadiliman ng sanglibutang ito, laban sa mga espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.”
— Efeso 6:12

Sa simpleng salita, ang ibig sabihin nito ay hindi tao ang tunay nating kaaway. Kahit na may mga taong kumakalaban sa katotohanan, ang tunay na puwersa sa likod nito ay ang kapangyarihan ng kasamaan.

Ipinaliwanag din ito ni Ellen G. White:

“The Christian’s warfare is not a warfare waged against flesh and blood, but against principalities, against powers, against the rulers of the darkness of this world.”
— The Acts of the Apostles, p. 219

Sa madaling salita, ang laban ng Kristiyano ay hindi personal na pakikipag-away sa kapwa tao. Ito ay pakikibaka laban sa mga kapangyarihan ng kadiliman na gustong sirain ang pananampalataya at ilayo ang mga tao sa katotohanan ng Dios.

Dahil dito, ang paraan ng pakikipaglaban ng Kristiyano ay hindi sa galit o dahas. Ang sandata ng isang mananampalataya ay espirituwal.

Sinabi rin ng Biblia:

“Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikipaglaban ay hindi ukol sa laman, kundi makapangyarihan sa Dios sa ikagigiba ng mga katibayan.”
— 2 Corinto 10:4

Ibig sabihin, ang lakas ng Kristiyano ay nagmumula sa Dios—sa Kanyang salita, sa pananampalataya, at sa panalangin.

Kaya sinabi rin ng Kasulatan:

“Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.”
— Efeso 6:11

Ang “buong kagayakan ng Dios” ay ang katotohanan, katuwiran, pananampalataya, kaligtasan, at ang salita ng Dios. Ito ang nagbibigay ng lakas upang tumayo ang isang Kristiyano laban sa panlilinlang at kasamaan.

Sa madaling salita, ang tunay na laban ng Kristiyano ay hindi laban sa kapwa tao. Ang tunay na laban ay laban sa mga puwersa ng kadiliman na gumagawa ng paraan upang sirain ang katotohanan at iligaw ang mga tao.

Kaya ang isang tunay na mananampalataya ay hindi nakikipaglaban gamit ang galit o dahas. Sa halip, siya ay lumalaban sa pamamagitan ng pananampalataya, panalangin, at pananatili sa salita ng Dios.

Sa ganitong paraan, kahit gaano kalakas ang kapangyarihan ng kadiliman, ang bayan ng Dios ay mananatiling matatag—sapagkat ang kanilang lakas ay nagmumula sa Panginoon.

Address

Tayabas

Telephone

+639603880813

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Iglesia Sa Tahanan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Iglesia Sa Tahanan:

Share