18/02/2026
Linggo, Pebrero 15, 2026
Ang mahalagang mensahe at tagubilin ng Banal na Espiritu sa lahat ng mga Kasapi at Opisyales ng UECFI sa ika-121 taong Anibersaryo.
Ang Dakilang Pag-ibig, Karunungan, at Kapayapaan ang siyang tumimo sa kaibuturan ng inyong mga puso!
Ang Aking unang pagbati: Gaya ng tinig, tinig ng sumisigaw sa ilang, apostol San Marcos 1:3 – Tuwirin ninyo ang Kanyang landas na Kanyang lalakaran. Kung kaya’t ang bawat isa at isa sa inyo sa pagkakataong ito ay mapalad. Kung kaya nga’t kayo’y magpatuloy. Ngunit ang kapayapaan, ang karunungan at biyaya, ay sumainyo ngayon at magpakailanman.
At sa aking pagpapatuloy, sa mga oras na ito, ay bibigyan namin ng pagkakataon ang lahat ng biniyayaan ng mga hiyas upang makakita at makatulong, upang magpatotoo sa aming pagparito sa bawat isa at isa.
Sa pontong ito, ang mga Vidente ay nagpatotoo din naman.
At sa aking pag-papatuloy, ang bawat isa sa inyo na naririto, ay tunay nga na kayo ang pinakamalapit sa puso ng Panginoon. Sapagkat amin kayo’y inaalala, kung kaya’t magsikapit-bisig kayo at inyong pagibayuhin ang inyong pananampalataya. Sapagkat sa panahong ito marami ang ayaw ngunit kakaunti ang taga-ani. Kaya nga ang sinasabi ng Banal na Kasulatan: Kayo’y hindi ninyo ako pinili, ngunit Akin kayo’y hinirang, at sa pagka-hirang ng bawa’t isa at isa sa inyo’y magpatuloy. Kung kaya nga’t sa pagkakataong ito: San Juan 15:16, gaya nang inyong pananampalataya, sa pagdaan at paglipas ng maraming taon, gaya nang annibersaryong ito na kayo’y umabot sa isang-daan dalawampu’t isang taon. Kung kaya nga’t ang bawat isa at isa sa inyo ay nananatili sa pananampalatayang ito sa loob ng Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Incorporada.
Amin kayo’y binabati sa inyong matagumpay na bagama’t maraming pagsubok, hindi ninyo inalintana ang pagod at hirap. Hindi rin ninyo inalintana ang pagtitiis. Bagkus inyong hinawakan ang pananampalataya na kung maihahalintulad ay gaya ng butil ng mustasa na kung ito’y tumubo sa mabuting lupa, ito nga ay nagbibigay ng maraming bunga na gaya rin sa nasusulat: Ito’y nagbigay ng bungang tig-iisang daan. Ito ay aming maihahalintulad sa bawat isa at isa sa inyo. Kung kaya’t mga anak sa pagkakataong ito, ang mga habiling ito’y ipagkakaloob. Kung kaya nga’t ang bawat isa at isa sa inyo ay i-bukas ang inyong mga palad. Kung kaya nga’t ito’y aming ipagkakaloob upang sa gayon ang bawat isang nananampalataya gaya ng pangulong tumayo sa ngayon (Ang pangulong Pangkalahatan ay tumayo) ay magsitayo kayo at i-bukas ang inyong mga palad. Sapagkat ang bawat isang nananampalataya ay may katampatang biyaya – ang biyayang ito’y inyong tanggapin upang umawit ang inyong pananampalataya, na kung dumating man ang panahon na dumating ang mga lobo, ang namumunong itong tumayo at nanumpa sa harapan ng Panginoong Diyos, ay siyang magtatanggol sa bawat isa at isa sa inyo. Kung kaya nga’t mga anak, tanggapin ninyo ito – inyong pangalagaan, inyo ngang bigyan ng pagpapahalaga. Sapagkat ito’y mahalaga gaya ng inyong mga buhay. Kayo’y magpatuloy – ang biyayang ito’y inyong tanggapin mula ngayon at magpakailanman.
Mga anak kong iniibig, kayo nga’y tunay na mapagkakatiwalaan sa kakaunti at mapagkakatiwalaan din naman sa marami: San Lucas 16: 10-11
Ang biyayang ipinagkaloob namin sa inyo ay huwag ninyong itago, inyong ipangalakal upang sa gayo’y kumita pa o makahanap pa ng mas higit pa sa inyong inaakala. Kung kaya nga’t ang pananampalatayang aking pinagkakaloob sa bawat isa sa inyo ay hindi lamang ang lahat ng mga bagay na inyong nais, bagkus minsan pa’y aking ipinagkakaloob ang hindi niyo kailangan, sapagkat naroon ipinakikita namin ang kapangyarihan ng Panginoong Diyos. Kung kaya nga’t magtiwala kayo sa pananampalatayang inyong pinanghahawakan gaya ng sinasabi ng butil ng mustasa. At sabihin man ninyo sa bundok niyaon, lumipat ka at lumipat nga sa ibayong dagat. Kung kaya nga’t sa pagkakataong ito, ang Panginoong Diyos ay batid ang lahat ng inyong hinagpis.
Muli, ang lahat ng may karamdaman ay akin nga’y papawiin. Kung kaya’t magsitayo ang lahat ng may mabigat na dalahin at meron mabibigat na karamdaman at aking papawiin. Magsitayo kayo at akin kayo’y gagamutin at papawiin namin ang lahat nang iyan upang sa gayun walang maging balakid sa inyong pananampalataya. At gaya ng isang sundalo, walang pagaalinlangang sumunod sa Panginoong Diyos at sa mga tungkulin na inyong ipinangako at sinumpaan. Sapagkat ang bawat isa at isa sa inyo mula sa mga miyembro, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas ay batid namin ang bigat ng inyong mga nararamdaman at sa pagkakataong ito’y aming papawiin sa pangalan ni Jesus na taga Nazareth. Mapalad nga kayo mga anak sa oras na ito, sapagkat ang lahat ng inyong mga karamdaman ay papawiin ng Panginoong Diyos, ngayon at magpakailanman.
Kung kaya’t aking mga anak, kayo ay pumarito. Sa lahat ng mga bagong halal at sa mga dating nanunungkulan, sa pagkakataong ito muli kayong pinagkatiwalaan ng Panginoong Diyos. Kung kaya nga’t una kong tatawagin ang mga Kabataan o FYS upang amin kayo’y babasbasan. At kung wala sila sa pagkakataong ito, tayo ay dadako sa mga pinakamataas na Opisyales ng mga Katandaan.
Ang mga Opisyales nga ng mga Katandaan ay humarap sa Talaytayan. Sila nga’y pinanumpa sa harap ng Banal na Espiritu, Binasbasan at Tinagubilinan.
Sumunod na tinawag ay ang lahat ng miyembro ng Junta Direktiba. Sila nga rin ay pinanumpa ng Banal na Espiritu, Binasbasan at Tinagubilinan.
At ang huling mga tinawag ay ang mga Opisyales ng mga Kabataan o FYS. Sila rin ay pinanumpa ng Banal na Espiritu, Binasbasan at Tinagubilinan.
At sa pagkakataong ito oh kayong mga miyembro na sumusunod sa Panginoong Diyos, na gaya ng sinasabi: Ang ibayong pagkakaisa ni Jesus at ng kanyang mga alagad, ito ang inyong gawin – huwag ninyong isipin ang pagkahati-hati bagkus ang inyong isipin ay ang pagkakabuklod-buklod ng inyong pananampalataya upang lalong umunlad sapagkat ang mga adhikain ng lahat ng mga namumuno ay ang progresong Espiritual at materyal. Kung kaya nga mga anak, sundin ninyo ang aming mga inuutos. Sapagkat sinasabi ng Banal na Kasulatan: kung kami’y inyong iniibig ay tuparin ninyo ang aming inuutos ng gaya ng sinasabi: pasakop kayo sa mga namumuno sa bawat isa at isa sa inyo gaya ng aming sinasabi – ito ang susi ng isang matagumpay at isang maging maunlad na pananampalataya. Kung kaya nga’t mga anak, ang lahat sana ng bawat isa at isa sa inyo ang maging adhikain ay ang makipag-kaisa, makipag-kaisa kayo sa pagpapaunlad ng pananampalatayang ito.
Huwag ninyong i-alintana ang inyong hirap, ang inyong pagod, upang matupad ninyo sapagkat kayo ang lahi na naisulat sa mga tapyas ng puso. Kayo ang mga modelo sapagkat ibinigay naming halimbawa ang pagkakakilanlan ng bawat isa at isa sa inyo. Ang matapat sa kakaunti ay matapat din sa marami. At sa pagkakataong ito ay bibigyan namin kayo ng mga patnubay mula sa tabernakulong ito ganun din sa inyong pag-uwi hanggang sa kayo’y makarating sa inyo-inyong tahanan. Ang aming patnubay ang suma-inyo ngayon at magpakailanman. At sa pagkakataong ito’y bibigyan namin kayo ng Patotoo sa sulat ni Apostol Lucas kabanata isa talatang labing-siyam (San Lucas 1:19).
Baonin ninyo mga anak muli - ang Kapayapaan, ang Patnubay, at ang lahat ng Biyayang inyong tinanggap. Magalak kayong lagi. Manalangin kayong walang humpay. Ito ang inyong sandata.
Muli, ang Kapayapaan ang suma-inyo magpakailanman.
Gumanap na Talaytayan:
Hmna. Melania Fiesta (isa sa mga Talaytayan ng Nasyonal)
Spirit Protector:
San Gabriel Arkanghel