22/02/2026
PAALALA
IWASAN MUNA ANG PAGPALAKPAK PAGKATAPOS NG BANAL NA MISA
Fasting of the Senses
Sa panahon ng Kuwaresma, panatilihin natin ang diwa ng kabanalan sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagpalakpak pagkatapos ng Banal na Misa. Ito ay tanda ng pagpapakumbaba at pagninilay, na umaayon sa tunay na layunin ng Kuwaresma: pag-aayuno, pag-aalay, at pagbabagong-buhay bilang pagsunod kay Kristo.
Bagama’t ang palakpak ay isang anyo ng pagpupuri sa Diyos, ipagpaliban muna natin ito. Muli lamang natin gagawin ang masiglang pagpupuri sa Linggo ng Muling Pagkabuhay, bilang tanda ng kagalakan sa tagumpay ni Hesus laban sa kamatayan.