Dong Bucheon Murcia UMC

Dong Bucheon Murcia UMC D**G BUCHEON MURCIA UNITED METHODIST CHURCH
CONCEPCION, TARLAC

Worship Service Sunday, August 16, 2026Genesis 45:1–15 | Psalm 133 | Romans 11:1–2a, 29–32 | Matthew 15:10–20, 21–28UNIT...
16/08/2026

Worship Service
Sunday, August 16, 2026
Genesis 45:1–15 | Psalm 133 | Romans 11:1–2a, 29–32 | Matthew 15:10–20, 21–28

UNITY OF PRAISE
Iisa ang Diyos, Iisa ang Papuri, Iisang Pamilya sa Kanya

Magkakaiba man tayo ng pinagmulan at boses, may iisa tayong Diyos na hindi nagbabago na tumatawag sa atin upang magkaisa sa pagpupuri. Itinuturo ng Kanyang Salita ang apat na pundasyon ng tunay na pagkakaisa. Una, tinatawag tayo na Magkaisa sa Pagpapatawad (Genesis 45:1–15) sapagkat ang pagpapatawad ang daan tungo sa pagkakasundo. Kapag ang Diyos ang sentro ng ating buhay, ang mga dating sugat ng nakaraan ay maaaring maging daan tungo sa paghihilom at pagkakaisa. Pangalawa, mahalagang Magkaisa sa Presensya ng Diyos (Psalm 133), dahil ang ganitong pagkakaisa ay nakalulugod sa Panginoon at nagdadala ng Kanyang saganang pagpapala. Hindi tayo nagkakaisa dahil pare-pareho tayo ng katangian, kundi dahil iisa ang Panginoon na ating pinaglilingkuran.

Pangatlo, dapat tayo ay Nagkakaisa sa Awa (Romans 11:1–2a, 29–32), sapagkat ang sinumang nakaranas ng dakilang awa ng Diyos ay hindi magtatayo ng pader ng paghahatol, kundi magbubukas ng pinto ng pagmamahal para sa iba. At sa ating Pagkaisa sa Pagtanggap (Matthew 15:10–20, 21–28), ipinapaalala sa atin na ang kaharian ng Diyos ay walang hanggan at bukas para sa lahat, kaya naman huwag natin kailanman gawing pader ang mga bagay na ginawa ng Diyos bilang tulay. Magkakaiba man ang ating mga boses, at pinagdaraanan sa buhay, pinag-iisa tayo ng Kanyang pag-ibig upang mag-alay ng iisang awit ng papuri at pagsamba.

16/08/2026

Unity in Praise

Worship ServiceSunday, August 9, 2026Matthew 14:22–33UMAWIT NG PAPURI SA DIYOS SA LAHAT NG PANAHONAng Matthew 14:22–33, ...
09/08/2026

Worship Service
Sunday, August 9, 2026
Matthew 14:22–33

UMAWIT NG PAPURI SA DIYOS SA LAHAT NG PANAHON

Ang Matthew 14:22–33, ay ang kuwento ng paglakad ni Hesus sa ibabaw ng tubig at ang pagsubok sa pananampalataya ni Pedro. Pinapunta ni Hesus ang mga alagad sa bangka habang siya ay nananalangin sa bundok. Habang nasa gitna ng lawa, nilapitan sila ni Hesus sakay ng paglakad sa tubig, at hinayaan rin niyang lumakad si Pedro sa tubig bago ito nagsimulang lumubog dahil sa pag-alinlangan.

Makikita natin na kahit sa gitna ng malakas na hangin at alon, nananatiling tapat ang Diyos at hindi Niya tayo iniiwan. Tinuturuan niya tayong umawit ng papuri dahil tapat siya sa kanyang mga pangako, ipahayag ang mabuting balita, at patuloy na umawit kahit may bagyo. Maaaring dumaan tayo sa takot, pagsubok, at mga alon ng buhay, ngunit nariyan pa rin ang Diyos upang palakasin at samahan tayo. Kaya anuman ang ating pinagdaraanan, huwag nating hayaang patahimikin ng bagyo ang ating papuri. Patuloy tayong umawit, magtiwala, at manalig sa Kanya, sapagkat siya ay laging karapat-dapat sa ating papuri.

LUNCH FELLOWSHIP Tulad ng sinasabi sa Matthew 14:13-21 kung saan pinadami ng Panginoong Hesus ang limang tinapay at dala...
02/08/2026

LUNCH FELLOWSHIP

Tulad ng sinasabi sa Matthew 14:13-21 kung saan pinadami ng Panginoong Hesus ang limang tinapay at dalawang isda para sa libo-libong tao, ang ating lunch fellowship ay isang paalala ng Kanyang labis-labis na biyaya at pagmamahal. Sa bawat salu-salo, ipinapakita ng Diyos na hindi Niya tayo pinababayaang magutom—kundi laging sapat at sumusobra ang Kanyang probisyon kapag tayo ay nagkakatipon sa Kanyang pangalan.

Habang pinagsasaluhan natin ang pagkain sa ating hapag, nawa’y maging salamin din tayo ng pagmamahal at kabutihan ni Kristo sa isa't isa. Ang lunch fellowship na ito ay magandang pagkakataon upang isabuhay ang Salita ng Diyos—ang mag-alaga, magbahagi, at magpakita ng malasakit sa ating kapwa tulad ng ipinakitang halimbawa ng Panginoon.

Worship Service Sunday, August 2, 2026Matthew 14:13-21ANG DIYOS AY NAKIKINIG, NAGMAMALASAKIT AT NAGLALAANSa Mateo 14:13-...
02/08/2026

Worship Service
Sunday, August 2, 2026
Matthew 14:13-21

ANG DIYOS AY NAKIKINIG, NAGMAMALASAKIT AT NAGLALAAN

Sa Mateo 14:13-21, makikita natin na bago pa man natin sabihin ang ating kailangan, bukas na ang puso ng Diyos para sa atin. Sa pamamagitan ng PANALANGIN, naririnig Niya ang hiyaw ng ating puso; sa Kanyang PAGMAMALASAKIT, nararamdaman Niya ang ating mga kabigatan; at sa Kanyang PAGLALAAN, ginagawang sapat at sobra-sobra ang anumang maliit na hawak natin.

Nawawalan ka man ng pag-asa o nauubusan ng lakas ngayon, magtiwala ka—nakikinig Siya, nagmamalasakit Siya, at siguradong maglalaan Siya para sa 'yo!

Worship Service Sunday | July 26, 2026Matthew 13:31-33, 44-52KAPE: Kausapin Ang Panaginoon Everyday Sa Mateo 13, ang Kah...
26/07/2026

Worship Service
Sunday | July 26, 2026
Matthew 13:31-33, 44-52

KAPE: Kausapin Ang Panaginoon Everyday

Sa Mateo 13, ang Kaharian ng Langit ay sinimulan sa maliit—parang buto ng mustasa. Ganyan din ang simpleng pagkakape at pakikipag-usap sa Diyos araw-araw. Baka akala mo maliit na oras lang, pero ito ang nagpapabago at nagpapalago sa buhay mo dahil Siya ang ating pinakamahalagang kayamanan.

Bukas paggising mo, magtimpla ng kape at maglaan ng sandali para sa Kanya. Isang maliit na simula para sa isang mapagpalang araw!

26/07/2026
"Piliing maging trigo na nagbibigay-buhay at pag-asa, hindi damo na nagdudulot ng kapahamakan sa kapwa."— Rev. Mark Tiam...
20/07/2026

"Piliing maging trigo na nagbibigay-buhay at pag-asa, hindi damo na nagdudulot ng kapahamakan sa kapwa."
— Rev. Mark Tiamzon

Sa mundong puno ng inggit, galit, at paghuhusga, piliin nating mamuhay bilang mga taong nagmamahal, nagpapatawad, at nagdadala ng pag-asa. Hindi man laging mapansin ang ating kabutihan, alam nating ang Diyos ang nakakakita ng bawat mabuting binhing ating itinatanim. Patuloy tayong mamunga ng kabutihan at magtiwala sa Kanya, sapagkat sa tamang panahon ay darating ang anihan.

"Hayaan ninyong tumubong magkasama ang dalawa hanggang sa anihan." — Mateo 13:30 ✝️🌾

Address

Sto. Cristo
Tarlac
2316

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dong Bucheon Murcia UMC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share