23/07/2024
Isang buwan bago ang pinakahihintay na araw, malugod naming ibinabahagi ang official logo ng 𝗩𝗶𝗰𝗮𝗿𝗶𝗮𝘁𝗲 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗗𝗮𝘆 or 𝗩𝗬𝗗 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗦𝗶𝗻𝗮𝗶𝘁!
Alamin natin ang kahulugan ng mga simbolo na nilalaman ng logo:
𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗡𝗗𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔
“𝑴𝒂𝒓𝒚 𝒂𝒓𝒐𝒔𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒘𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒉𝒂𝒔𝒕𝒆.” - iyan ang 𝙩𝙚𝙢𝙖 ng 𝗩𝗬𝗗 𝟮𝟬𝟮𝟰, na siya ring tema ng 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗗𝗮𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟯 na ginanap sa 𝐋𝐢𝐬𝐛𝐨𝐧, 𝐏𝐨𝐫𝐭𝐮𝐠𝐚𝐥. Ang bersong ito ay hango sa 𝗟𝘂𝗸𝗮𝘀 𝟭:𝟯𝟵, kung saan matatandaang si Maria ay naglakbay patungo sa kanyang pinsang si Elizabet na kapwa niya nagdadalang tao.
Makikita sa logo ang imahe ng 𝑽𝒊𝒓𝒈𝒆𝒏 𝑫𝒐𝒍𝒐𝒓𝒐𝒔𝒂 habang binabagtas ang isang mahabang kalsada. Dito, ang ating Inang Maria ay nagsisilbing modelo ng kabataang gumagalaw, nakikilahok, at naglalakbay. Ang “𝐡𝐚𝐬𝐭𝐞” o pagmamadali ni Maria ay ang hamon sa atin upang ibahagi ang ating mga pagpapalang natanggap, sa pamamagitan ng pagbubuklod-bulod, pagmamahal, at paglilingkod sa kapwa.
𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗕𝗜𝗗 𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗜𝗡𝗚-𝗔𝗣𝗔𝗧 (𝟭𝟰) 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗧𝗜𝗟
Ang labing-apat na butil ay katumbas ng labing-apat na 𝙋𝙖𝙧𝙤𝙠𝙮𝙖 𝙖𝙩 𝙋𝙖𝙨𝙩𝙤𝙧𝙖𝙡 𝙎𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙨 𝙣𝙜 𝙗𝙞𝙠𝙖𝙧𝙮𝙖𝙩𝙤. Ang lubid na nakapa-hugis krus ay sumisimbolo sa pagkakaisa ng kabataan ng bikaryato sa paglalakbay kasama ng Inang Maria patungo kay Kristo.
𝗡𝗮𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝟭𝟰 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗮𝗿𝗼𝗸𝘆𝗮 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝘀𝘁𝗼𝗿𝗮𝗹 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝘀𝗮 𝗩𝗶𝗰𝗮𝗿𝗶𝗮𝘁𝗲 𝗼𝗳 𝗦𝗮𝗻 𝗦𝗲𝗯𝗮𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗶𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝗼𝗰𝗲𝘀𝗲 𝗼𝗳 𝗧𝗮𝗿𝗹𝗮𝗰:
1. San Sebastian Cathedral Parish
2. Sto. Cristo Parish, Tarlac City
3. San Lorenzo Ruiz Parish, Fairlane
4. Parroquia de Espiritu Santo, San Luis
5. Immaculate Conception Parish, Mababanaba
6. Immaculate Conception Parish, Tibag
7. Our Lady of Fatima Parish, San Vicente
8. Our Lady of Sorrows Parish, Dolores, Tarlac City
9. San Roque Parish, Tarlac City
10. San Lorenzo Ruiz Pastoral Station, Iba
11. St. Joseph The Worker Pastoral Station, Villa Aglipay
12. San Pedro Calungsod Pastoral Station, Moriones
13. San Agustin Pastoral Station, Sapang Maragul; at ang
14. Virgen Dolorosa Pastoral Station, Sinait (ang host ng VYD 2024)
𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗨𝗦 𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗔𝗛𝗘 𝗡𝗚 𝗩𝗜𝗥𝗚𝗘𝗡 𝗗𝗢𝗟𝗢𝗥𝗢𝗦𝗔
Mapapansin na ang imahe ng 𝐃𝐨𝐥𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 sa logo ay nakaposisyong waring nakatanod sa paanan ng krus na nabubuo sa logo.
“𝑺𝒕𝒂𝒃𝒂𝒕 𝑴𝒂𝒕𝒆𝒓 𝑫𝒐𝒍𝒐𝒓𝒐𝒔𝒂.” - ibig sabihin ay “𝑵𝒂𝒌𝒂𝒕𝒂𝒚𝒐 [sa paanan ng krus] 𝒂𝒏𝒈 𝑰𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒉𝒂𝒉𝒂𝒑𝒊𝒔.” Iyan ang awit-awit ng mga deboto ng Dolorosa sa Sinait sa tuwing araw ng kanyang kapistahan, sa tuwing Biyernes Santo, at sa Pistang Barangay. Tunay na malalim ang debosyon ng mga taga-barangay Sinait sa Virgen Dolorosa.
𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗚𝗜𝗡𝗧𝗢, 𝗟𝗨𝗡𝗧𝗜𝗔𝗡, 𝗔𝗧 𝗔𝗦𝗨𝗟
Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami ang ‘di umano’y pagiging milagrosa ng imahe ng 𝐕𝐢𝐫𝐠𝐞𝐧 𝐃𝐨𝐥𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐧𝐚𝐢𝐭. Isa sa mga ito ang kuwento ng mga nakatatanda na nasisilayan umanong binabagtas ng Dolorosa ang d**e ng Sinait sa tuwing may kalamidad tulad ng bagyo at pagbaha. Pagka umagahan, mawawari umano ang nakadikit na putik sa kasuotan ng imahe, bukod pa sa laylayan nitong kinapitan ng mga bulaklak ng amorseko - isang napaka pangkaraniwang halamang tumutubo sa d**e ng Sinait.
Nakapaloob ang kuwentong ito at ang heograpiya ng Barangay Sinait sa logo ng VYD 2024. Makikita na sa magkabila ng d**eng binabagtas ni Maria, ay ang kulay ginto at berde sa kaliwa na sumasagisag sa mga palayan ng barangay Sinait sa kanluran, at ang kulay asul naman sa kanan na sumasagisag sa tubig ng Tarlac River sa silangan.
***
Sa mga susunod na araw ay isa-isa nating kikilalalin ang mga barangay at komunidad na sinasakupan ng Virgen Dolorosa Pastoral Station.
𝗞𝗮𝗺𝗶 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗮𝗴𝗮𝗹𝗮𝗸 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝘀𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗸 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴!
#08.24.24
===
Konsepto ng Logo: 𝐉𝐡𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐢𝐥𝐥𝐨 & 𝐑𝐑 𝐓𝐚𝐛𝐚𝐠
Graphics: 𝐏𝐞𝐧𝐞𝐥𝐨𝐩𝐞 𝐓𝐨𝐧𝐞𝐥𝐚𝐝𝐚 & 𝐑𝐑 𝐓𝐚𝐛𝐚𝐠
Description/Caption: 𝐑𝐑 𝐓𝐚𝐛𝐚𝐠