IRM Ministries BuenaVista

IRM Ministries BuenaVista "God Centered Worship"

Ephesians 2:10 "For we are his workmanship, created in Christ Jesus unto good works, which God hath before ordained that...
20/08/2026

Ephesians 2:10
"For we are his workmanship, created in Christ Jesus unto good works, which God hath before ordained that we should walk in them."...

this verse states our purpose of being...

Do good, not to make yourself look great, kundi dahil dakila, banal, mabuti, at mapagbiyaya ang Diyos na ating pinaglilingkuran.

Kababaihan Life Group 👭


BAKIT KAILANGANG IPAGPAALAM SA PASTOR KAPAG HINDI KA MAKAKADALO?🤔May nagtatanong, "Bakit kailangan pang sabihin sa pasto...
16/08/2026

BAKIT KAILANGANG IPAGPAALAM SA PASTOR KAPAG HINDI KA MAKAKADALO?🤔

May nagtatanong, "Bakit kailangan pang sabihin sa pastor kung hindi ako makakadalo?" Kung seryoso ang tanong na iyan, pag-isipan natin ito.

▪️Kapag hindi ka makakasali sa laro, hindi mo ba sasabihan ang coach mo?
▪️Kapag hindi ka papasok sa trabaho, hindi mo ba tatawagan ang employer mo?
▪️Kapag naghanda ang asawa mo ng hapunan buong hapon, hindi mo ba siya sasabihan kung hindi ka makakauwi?
▪️Kapag may usapan kayong magkaibigan na magbisikleta o magmotor, hindi mo ba sila aabisuhan kung hindi ka makakasama?
▪️Kapag may hotel o flight booking ka, hindi mo ba kina-cancel kung hindi ka tutuloy?

Kung ganoon ang ginagawa natin sa ibang bagay, bakit hindi natin maipakita ang parehong paggalang sa ating church family?
Bilang miyembro ng isang iglesia, may inaasahan na magiging bahagi ka ng pagtitipon ng katawan ni Cristo.

At bilang isang pastor, hayaan mong ibahagi ko ang isang pananaw.
✅ Buong linggo kang ipinapanalangin ng pastor mo kasama ang iyong pamilya.
✅ Nag-aaral siya ng Salita ng Diyos at naghahanda ng mensahe upang mapakain ang iyong kaluluwa.
✅ Siya ay itinalaga ng Espiritu Santo bilang tagapangasiwa ng kawan.
✅ Isang araw, magbibigay siya ng pagsusulit sa Diyos tungkol sa pangangalaga niya sa mga kaluluwa. (Hebrews 13:17)
✅ Tinawag siya ng Diyos upang turuan, palakasin, at ihanda ang mga mananampalataya.
✅ Mahal ka niya at ang iyong pamilya nang higit pa kaysa sa iniisip mo.

Kaya ang simpleng pagte-text o pagsasabi na hindi ka makakadalo ay isang maliit na paraan ng pagpapakita ng respeto at pagpapahalaga sa kanyang pagmamahal at pag-aalaga.

Kapag bigla ka na lamang hindi dumating, maraming tanong ang pumapasok sa isip ng isang pastor:
❓May sakit kaya sila?
❓May sama ba sila ng loob?
❓Umalis na ba sila sa church?
❓May nasabi ba akong nakasakit sa kanila?

Ang mga tanong na ito ay nagdadala ng pag-aalala at pag-aasikaso, lalo na kung tunay na nagmamalasakit ang pastor sa kanyang kawan.
Sa totoo lang, isang simpleng text message lang ang makakapagbigay ng kapanatagan at makakaiwas sa kalituhan.
Hindi ito tungkol sa kontrol.
Hindi ito tungkol sa pagre-report.
Ito ay tungkol sa accountability, respect, at pagmamalasakit sa katawan ni Cristo.

📌Sabi ng 1 Corinthians 12:25-27:
"That there should be no schism in the body; but that the members should have the same care one for another... Now ye are the body of Christ, and members in particular."

📌Bilang bahagi ng katawan ni Cristo, ang bawat isa ay mahalaga. Kapag may isang miyembro na nawawala, natural lamang na mapansin at mag-alala ang buong katawan.

Kaya naman, kung hindi ka makakadalo, ang isang simpleng mensahe na, "Pastor, hindi po kami makakadalo ngayon dahil may sakit po si Nanay. Please pray for us," ay malaking bagay na.
Hindi ito sapilitan.
Hindi ito pagiging sunud-sunuran.
Ito ay simpleng pagpapakita ng paggalang, pagmamahal, at pagkilala na tayo ay bahagi ng iisang pamilya sa Panginoon.

08-16-26



#

09/08/2026

Madalas, ito ang tanong na bumubulong sa puso natin kapag ang pagsunod sa Diyos ay hindi nagdala ng inaasahan nating ginhawa.

Pero isipin natin si Pedro.

Hindi siya lumubog dahil tumalikod siya kay Jesus.
Lumubog siya habang papunta kay Jesus.

Ang totoo, may mga panahong ang pagsunod ay may kasamang bagyo.

May mga panahong ang obedience ay may kasamang discomfort.

Ngunit hindi ibig sabihin nito na mali ang direksyong tinatahak mo.

Ang paghirap ay hindi laging tanda na wala ang Diyos.

Minsan, ito ang lugar kung saan mas makikilala mo ang Kanyang katapatan, biyaya, at kapangyarihan.

Kung nasa season ka ngayon na parang mas lalong humirap matapos mong piliing sumunod, huwag kang mawalan ng pag-asa.

Ang Diyos na tumawag sa'yo ay Siya ring Diyos na hahawak sa'yo sa gitna ng alon.

Keep your eyes on Jesus. He's still in the storm, and He's still leading you through it.

Awhile ago💗
Our Kind of Sunday 💝
08-09-26
🌧 Rainy Sunday ☔️


Good morning, Lord!🌦Thank You for waking us up to see another new day. Thank You for the gift of life, for Your mercy th...
07/08/2026

Good morning, Lord!🌦

Thank You for waking us up to see another new day.

Thank You for the gift of life, for Your mercy that is new every morning, and for never leaving my side.

As we begin this day, we place everything into Your hands. Go before us in every decision, every conversation, and every step I take.

Give us strength when we feel weak, wisdom when we're unsure, and peace whenever our heart starts to worry.

Help us to trust You even when we don't understand what You're doing.

Remind us that Your plans are always better than ours and that Your timing is always perfect.

Protect our family, watch over our loved ones, and bless everyone who is reading this today.

May we all walk closely with You and experience Your love, grace, and faithfulness in everything we do.

No matter what happens today, we choose to trust You, Lord.

In Jesus' name, Amen. 🙏❤️

from yesterday's Midweek Service and Prayer Meeting 🙏 🙌 ❤️

08-7-26


First Sunday of August. 💫Lord, thank You for carrying us through another month and allowing us to see this beautiful Sun...
02/08/2026

First Sunday of August. 💫

Lord, thank You for carrying us through another month and allowing us to see this beautiful Sunday.

As we begin August, we surrender our plans, worries, dreams, and battles into Your hands. Guide us, protect us, and remind us that we never walk alone.

May this month bring peace to our hearts, strength to our faith, and blessings at the right time.




☝️

"You weren't created to live an average life ;you were created to EXCEL."  from DS Alejandro SalongaSpeaker for today 😇🩵...
26/07/2026

"You weren't created to live an average life ;you were created to EXCEL."

from DS Alejandro Salonga
Speaker for today 😇🩵

Last Sunday of July
☝️

24/07/2026

⚠️MAG-INGAT SA ESPIRITU NG “KAMI LANG.”

Isa sa mga pinakamapanganib na uri ng spiritual pride ay ang paniniwalang:

“Kami lang ang tama.”
“Ako lang ang kinakausap ng Diyos.”
“Ang pastor namin ang huling propeta at apostol.”
“Kami lang ang tunay na iglesya.”

🚫Hindi ito ang larawan na makikita natin sa Bibliya.

Ang Obadiah ay ipinadala sa Edom.
Ang Nahum ay ipinadala sa Nineveh.
Sina Isaiah, Jeremiah, Ezekiel, at Amos ay nagpahayag din ng salita ng Diyos sa iba’t ibang mga bansa.

Ipinapakita nito na ang Diyos ay hindi pag-aari ng isang tao, isang grupo, isang lahi, o isang denominasyon.

Ang Diyos ay Diyos ng lahat ng bansa.🌏

Maging si Elijah ay minsang inakala na siya na lamang ang natitirang tapat na propeta.
Ngunit sinabi ng Diyos:

“May pitong libo pa Akong inilaan na hindi lumuhod kay Baal.” (1 Hari 19:18)

May ginagawa ang Diyos na hindi natin laging nakikita.

Kaya kapag ang isang grupo ay nagsasabing:

* “Kami lang ang tunay na iglesya.”
* “Sa amin lang may kaligtasan.”
* “Dito lang kumikilos ang Diyos.”

…mag-ingat.

Hindi ito tanda ng pagpapakumbaba kundi maaaring senyales ng espirituwal na eksklusibidad—isang katangiang madalas makita sa mga kulto.

Ang tunay na Iglesia ay hindi nakatali sa isang pangalan ng samahan o denominasyon. Ito ay binubuo ng lahat ng tunay na sumasampalataya kay Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas.

Hindi tayo tinawag upang ipagmalaki ang ating grupo.

Tinawag tayo upang ipagmalaki si Cristo.☝️

Sa kaharian ng Diyos, walang monopolyo ng katotohanan ang sinumang tao o organisasyon. Ang tanging may ganap na awtoridad ay ang Salita ng Diyos, at ang tanging ulo ng Iglesia ay si Jesu-Cristo.

Ang mas mahalaga ang pagiging tapat kay Cristo at mapagmahal sa iglesya na kinabibilangan!!


"Sa mundong puno ng tukso, humanap ka ng kasamang magpapatibay ng iyong pananampalataya.Yung dadalhin ka sa tamang landa...
20/07/2026

"Sa mundong puno ng tukso, humanap ka ng kasamang magpapatibay ng iyong pananampalataya.

Yung dadalhin ka sa tamang landas, kung saan ang paglilingkod ang ating magiging lakas.

Dahil ang totoong nagmamahal sa'yo ay hindi ka ilalayo sa Kanya☝️, kundi aakayin ka palapit sa Kanyang mga gawain."

'S

07-19-26
🙌

Address

Tarlac

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IRM Ministries BuenaVista posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share