28/08/2026
๐ถ๐๐๐๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐
PANALANGIN PARA SA PROTEKSYON LABAN SA
MALALAKAS NA ULAN AT PAGBAHA
Makapangyarihang Diyos, dumudulog kami sa Iyong banal na kanlungan habang ang malalakas na ulan at baha ay nagbabanta sa aming mga pamayanan.
Ibalot Mo ang Iyong mapagkalingang mga kamay sa aming mga komunidad upang iligtas ang mga inosenteng buhay mula sa kapahamakan, at panatilihing ligtas ang bawat pamilya sa panganib, sakuna, at paglikas.
Ipagsanggalang Mo ang aming mga tahanan, ang aming mga ari-arian, at ang pawis ng aming mga kamay na nagtataguyod sa aming kabuhayan.
Pagkalooban Mo ng karunungan ang mga nasa kapangyarihan,
Panatilihin kaming matatag at nagkakaisa sa pagmamalasakit sa isaโt isa,
At patahimikin mo ang mga bagyo sa aming kapaligiran.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo, aming Panginoon. Amen.
San Sebastian, ipanalangin mo kami.
San Roque, ipanalangin mo kami.
San Jose, ipanalangin mo kami.
Mater Dolorosa, Ina at Tagapagtanggol ng Lalawigan ng Tarlac, ipanalangin mo kami.