13/03/2026
Debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno.
Sa gitna ng kaguluhan sa mundo at krisis na nararamdaman maging sa Pilipinas dahil sa digmaan sa Gitnang Silangan, marami ang nababalot ng takot at pangamba. Ngunit ngayong panahon ng Kuwaresma, ipinapaalala sa atin ng Mahal na Poong Jesus Nazareno na kahit mabigat ang krus na ating pasan, may pag-asa pa rin sa Diyos. Sa gitna ng dilim at hirap, Siya ang ating liwanag at lakas. Tulad ng Nazareno na nagdala ng krus para sa atin, tinatawagan din tayong magtiwala, manalangin, at manatiling matatag sa pananampalataya. Sapagkat sa bawat pagsubok, ang Diyos ang ating pag-asa at sandigan.
Mahal na Poong Jesus Nazareno, Salamat palagi sa bawat biyaya. Patawad sa aking Pagkukulang at Pagkakasalang nagagawa. Mananatili po akong Sayo mananalig, lalapit at kakapit! Amen
Mahal na Poong Jesus Nazareno, Kaawaan N'yo po kami!
_____
Facebook: .dioceseoftarlac
Instagram: .dioceseoftarlac
X: