07/12/2025
BLESSED SUNDAY EVERYONE!! 😇🙏
First Sunday Of the Month 12/7/25
BIBLE SCHOOL Shared By :PTR ADONG
Obadias 1:15
[15]“Malapit na ang araw ng aking paghatol sa lahat ng bansa,” sabi ni Yahweh. “Ang ginawa mo Edom, sa iyo'y gagawin din; ang ibinigay mo sa iba, siya mo ring tatanggapin.
Juan 3:16
[16]Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Lucas 6:38
[38]Magbigay kayo at kayo'y bibigyan ng Diyos; hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo.”
Mga Taga-Galacia 6:7
[7]Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.
MESSAGE Shared By:Pastora Grace
Mga Taga-Roma 12:1-2
[1]Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos.
[2]Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.
To God All be the Glory 🙏😇