26/05/2026
"SUNNAH NA DAPAT GAWIN SA EIDUL ADHA"
๐"Mga Sunnah na mainam gawin bago magsalah sa araw ng Eid.
MGA ALITUNTUNIN NG EIDUL ADHA:
1-Maligo bago magdasal ng Eid
2-Magsagawa ng Takbeer
3-Magdasal ng Salatul Eid
4-Ang pagbabatian ng bawat Muslim
5-Ang pagsuot ng bagong damit
6-Ang pagpapabango (sa mga lalaki lamang)
7-Ang pagkatay ng Udhiyya (Qurban) at Sunnah na kumain nito after ng Salah
8- Ang pagsasaya kasama ang pamilya,kamag anak..
[PALIWANAG:]
๐ Basahin hanggang dulo bilang dagdag kaalaman.
๐1.MALIGO BAGO MAGDASAL NG EID ISALI NARIN ANG PAGPABANGO
๐๐ผ Naisalaysay ni Imam Malik na si Ibn Umar ay naging nakaugalian nito na maligo sa araw ng Eid bago siya tutungo sa lugar na pinagdadarasalan ng Eid (Muatta: Hadith na ika 428)
๐๐ผ Binanggit ni Imam Nawawi (Kahabagan siya Ni Allah) na ang pagligo sa araw ng Eid ay Sunnah ayon sa pinagkaisahan ng mga Pantas sa Islam
๐2.KUMAIN NG QURBAN PAGKATAPOS NG SALAH
๐๐ผ Sa panahon ng Eidil Adha, ang pinaka Sunnah ay kumain pagkatapos ng dasal ng Eid at mainam kainin ang kanyang kinatay. Ngunit sinumang kumain bago magdasal Eidil Adha ay hindi magkakasala.
๐3. ANG PAGSAGAWA NG TAKBEER (pagsambit ng โAllahu Akbarโ)
โ Sa panahon ng Eidil Adha ay sisimulan ang pagsagawa ng Takbeer mula Fajr sa araw ng Arafah hanggang sa hapon ng huling araw ng Ayyamut-Tashreeq, ang ika 13 araw sa buwan ng Dhul-Hijjah.
๐4. ANG PAGDASAL NG SALATUL EID:
๐๐ผ Ang Salatul Eid ay binubuo ng dalawang tayo na walang Adhan at Iqama.
Wala ring Sunnah na Salah na maaring gawin sa unahan o pagkatapos nito, maliban lamang kapag idinasal ang Eid sa loob ng Masjid. Kapag ito ay isinagawa sa loob ng Masjid ay mainam magsagawa ng Sunnah na Salah na tinawag na โTahiyyatul Masjidโ
๐5. ANG PAGBABATIAN NG BAWAT MUSLIM
๐๐ผ Isinalaysay ni Jubair Bin Nufair na kanyang sinabi: โNaging kaugalian ng mga kasamahan ng Propeta sa tuwing sila ay nagkikita sa araw ng Eid ay kanilang winiwika ang: โTanggapin nawa ni Allah ang ating mga mabubuting gawa at gayundin ang inyong mga mabubuting gawaโ
๐6. ANG PAGSUOT NG MAGANDANG DAMIT
๐๐ผ Ayon kay Jaber, Si Propeta Muhammad ay may damit na Jubbah (isang damit na karaniwang sinusuot ng mga may katungkulan sa lipunan) na kalimitan niya itong isinusuot sa dalawang Eid at sa araw ng Beyernes) (Inipon ni Ibn Khuzaima
๐7. ANG PAGBABAGO NG DINADAANAN
๐๐ผ Isinalaysay ni Jabir Bin Abdullah: โNaging kaugalian ni Propeta Muhammad sa araw ng Eid na hindi dumadaan sa kanyang kalimitang dinadaanan.โ Inipon ni Imam Bukhari 986
๐8. ANG PAGLILIBANG AT PAGSASAYA SA ARAW NG EID.
๐๐ผ pinag-utos ang pagsasaya sa araw ng Eid sa kondisyong hindi lalabag sa ipinagbawal ng batas ng Islam, gayundin kanais-nais ang pagbisita sa mga malalapit na kamag-anak, kaibigan at kapatiran.
๐9- ANG PAGKATAY NG UDHIYYA (Qurban)
โ๐ผShaykh Zulameen Sarento Puti