06/09/2026
DALAW PATRON | SAINT FRANCIS OF ASSISI
Family of Mrs. Dolores R. Versoza | September 5, 2026
Sa piling ni San Francisco ng Assisi, naaalala natin ang kagandahan ng isang buhay na nakaugat sa pananampalataya, kababaang-loob, kapayapaan, at pagmamahal sa kapwa. Sa bawat panalangin, sama-sama nating itinataas ang ating mga puso sa Diyos, humihingi ng patnubay at biyaya upang maging tapat na tagasunod ni Kristo.
Sa tahanan ng pamilya Versoza, nagkaisa ang mga kabataan at ang buong pamilya sa panalangin, dala ang pag-asa at pasasalamat sa Panginoon. Nawa’y sa pamamagitan ng halimbawa ni San Francisco ng Assisi, matuto tayong maging instrumento ng kapayapaan, pag-ibig, at paglilingkod sa ating kapwa.
San Francisco ng Assisi, ipanalangin mo kami.