La Purisima Concepcion Chapel - Mapalacsiao

La Purisima Concepcion Chapel - Mapalacsiao Official page of the Immaculate Conception Chapel

09/06/2026
08/06/2026
07/06/2026

LIVE: Corpuz Christi Sunday

Banal na Misa mula sa kapilya ng La Purisima Concepcion de Mapalacsiao pinangungunahan ni Rev. Fr. Arnulfo Corpuz

PABATIDSa kaalaman po ng lahat, ang ating Banal na Misa bukas (June 7, 2026) ay pansamantalang isasagawa sa 6:30 PM.Hini...
06/06/2026

PABATID

Sa kaalaman po ng lahat, ang ating Banal na Misa bukas (June 7, 2026) ay pansamantalang isasagawa sa 6:30 PM.

Hinihiling po namin ang inyong pag-unawa at pakikiisa sa pagbabagong ito ng oras.

Maraming salamat po at nawa’y patuloy tayong gabayan ng Poong Maykapal.

Ang buong komunidad ng La Purisima Concepcion Chapel ay taos pusong nakikiramay sa pamilya ng ating kapatid na pumanaw n...
05/06/2026

Ang buong komunidad ng La Purisima Concepcion Chapel ay taos pusong nakikiramay sa pamilya ng ating kapatid na pumanaw na si Gloria Sanchez.

Maraming salamat sa pagseserbisyo sa ating simbahan bilang miyembro ng CWL at mass collector sa ating kapilya. Hanggang sa muling pagkikita, maraming salamat. Nawa'y salubungin ka ng mga banal sa langit.

Buong kagalakan at pasasalamat na ipinagdiwang ng ating pamayanan ang ika-102 anibersaryo ng pagdating ng mahal na imahe...
04/06/2026

Buong kagalakan at pasasalamat na ipinagdiwang ng ating pamayanan ang ika-102 anibersaryo ng pagdating ng mahal na imahen ng La Purisima Concepcion de Mapalacsiao, kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Santatlo.

Pinangunahan ang maringal na pagdiriwang ng Banal na Misa ni Most Rev. Roberto C. Mallari, D.D., kasama ang ating minamahal na kura paroko, Rev. Fr. Melchor Fernando, at ng sambayanang mananampalatayang nakiisa sa banal na pagdiriwang.

Sa loob ng mahigit isang siglo, ang Mahal na Ina ay naging saksi sa pananampalataya, pag-asa, at debosyon ng ating pamayanan. Sa kanyang maka-inang pagkalinga, patuloy niya tayong inaakay patungo sa kanyang Anak na si Hesukristo.

Nawa’y ang pagdiriwang na ito ay maging paalala na manatiling matatag sa pananampalataya, masigasig sa panalangin, at tapat sa pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Mabuhay Ka, Mangbunyi, Aming Reyna!
Kay Maria, patungo kay Hesus.

Address

Masibucan Street , Mapalacsiao
Tarlac
2300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when La Purisima Concepcion Chapel - Mapalacsiao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share