Hills of Glory Concepcion

Hills of Glory Concepcion Loving God, Loving People PURPOSE: Loving God, loving people.

24/08/2026

PSALMS 7

Prayer ng Naghahanap ng Hustisya

Nung sobrang lungkot ni David, kinanta nya ito kay LORD. Tungkol ito kay Cush na kasama sa tribe ni Benjamin.

1 O LORD, Diyos ko, ikaw ang takbuhan ko.
Iligtas mo ako, tulungan mo ako,
ang daming humahabol sa akin!
2 Para silang mga lion, lalapain ako tapos kakaladkarin,
sino pang tutulong sa akin?
3 O LORD, Diyos ko, kung guilty nga ako sa mga itoβ€”
kung may ginawan ako ng masama,
4 kung tinraydor ko ang aking kaibigan,
o ninakawan ko ang kaaway ko kasi trip ko langβ€”
5 sige, ipahabol mo ako sa kaaway, ipahuli mo na ako!
Bugbugin na nila ako hanggang mamatay,
iwanan sa lupang nakahandusay.
6 LORD, magalit ka na!
Harapin mo ang mga kaaway kong nanggigigil sa galit.
Gumising ka, O Diyos!
Di ba hustisya ang gusto mong mangyari?
7 I-gather mo sayo ang lahat ng mga bansa,
at mula sa itaas, sa trono mo, maghari ka sa kanila.
8 LORD, ikaw ang humuhusga sa lahat ng tao.
Ipakita mo, LORD, na tama ako,
alam mo namang wala akong kasalanan.
9 O Diyos, ikaw ay matuwid,
alam mo ang nasa puso at isip namin.
Tapusin mo na ang gawain ng mga masasama,
at ang mabubuti, rewardan mo ng magandang buhay.
10 Ang Diyos ang nagpo-protect sa akin,
sine-save nya ang may pusong masunurin.
11 Ang Diyos ay judge na gumagawa ng tama,
araw-araw handang magparusa sa masama.
12 Kung hindi sila magsisisi at magbabagong buhay,
ihahanda ng Diyos ang kanyang espada,
itututok ang pana nya sa mga masasama.
13 Naka-ready na ang armas nya na papatay sa kanila,
nag-aapoy na ang pana nya, ready nang itira.
14 Tingnan mo kung paano mag-isip ang masasama,
naglilihi sila ng kalokohan, nanganganak ng kasinungalingan.
15 Humuhukay sila ng trap, yung malalim talaga,
pero sila rin ang nahuhulog dun.
16 Kalokohan nila sa iba, bumabalik sa kanila,
sa kanila bumabagsak ang sariling karahasan.
17 Salamat kay LORD, laging tama ang ginagawa nya!
Kakanta ako, pupurihin ko si LORD na Pinakamataas sa lahat.

π’π”ππƒπ€π˜ π‚π„π‹π„ππ‘π€π“πˆπŽπ | π‚πŽππ…πˆπƒπ„ππ‚π„ 𝐈𝐍 π‚π‡π‘πˆπ’π“ | πŸπŸ‘π€π”π†πŸπŸ”God is not only concerned with our spiritual needs; He is concerned w...
24/08/2026

π’π”ππƒπ€π˜ π‚π„π‹π„ππ‘π€π“πˆπŽπ | π‚πŽππ…πˆπƒπ„ππ‚π„ 𝐈𝐍 π‚π‡π‘πˆπ’π“ | πŸπŸ‘π€π”π†πŸπŸ”

God is not only concerned with our spiritual needs; He is concerned with every area of our lives.

So let us trust Him, hold fast to Him, and submit to His Lordship. He knows what we need, and He will never fail us.

24/08/2026

PSALMS 6

Prayer pag may Problema

Kinompose ni David para kantahin ng song leader, kasabay ng mga instrument na may strings, ayon sa Sheminith.

1 LORD, sa galit mong yan, wag mo akong pagalitan!
Sa tindi ng galit mo, wag mo akong parusahan!
2 Maawa ka sa akin, LORD, hinang-hina na ako!
Bigyan mo ako ng lakas, LORD, nanginginig na ang mga buto ko.
3 Gulung-gulo na talaga ako.
Ano na, LORD, hanggang kelan ganito?
4 Please, LORD, iligtas mo ang buhay ko.
Alam kong wagas ang pagmamahal mo,
wag mo akong hayaang mamatay.
5 Kapag namatay ang tao, hindi ka na maaalala.
Sinong pupuri sayo sa mundo ng mga patay?
6 Sobrang lungkot ko, wala na akong lakas,
yung unan ko, gabi-gabing basa ng luha,
baha na ang higaan ko, iyak ako nang iyak.
7 Maga na ang mga mata ko, halos di na makakita, grabe kasi yung lungkot ko dahil sa mga kaaway ko.
8 Layuan nyo ako, kayong masasama!
Narinig ni LORD na umiiyak ako,
9 narinig nyang humihingi ako ng tulong,
sasagutin ni LORD ang prayer kong ito.
10 Matatakot ang mga kaaway ko at mapapahiya, malilito sila at aatras bigla.

This Sunday, let’s put our confidence in Christ and celebrate His faithfulness!Bring your family and friends with you an...
22/08/2026

This Sunday, let’s put our confidence in Christ and celebrate His faithfulness!

Bring your family and friends with you and let us worship the Lord! See you, church!

21/08/2026

PSALMS 5

Prayer para Ingatan ng Diyos

Kinompose ni David para kantahin ng song leader, kasabay ng mga flute.

1 Pakinggan mo ako, O LORD,
pansinin mo ang hinaing ko.
2 Aking Diyos at hari,
please, makinig ka sa akin!
LORD, sayo ako nananalangin,
3 naririnig mo ako sa umaga.
Pagsikat ng araw, nagpe-pray ako
at naghihintay ng sagot mo.
4 Ikaw yung Diyos na hindi natutuwa sa mga maling gawa,
di ka papayag na makasama mo ang masama.
5 Hindi tatagal sa harap mo ang mga mayayabang,
galit ka sa lahat ng taong masama ang ginagawa.
6 Lahat ng mga sinungaling, pinupuksa mo,
grabe ang galit mo, LORD, sa mga pumapatay ng tao at mga nanloloko.
7 Pero sa sobrang laki ng pagmamahal mo,
pwede akong pumasok sa tahanan mo.
Sasamba ako sa iyong banal na Temple,
at yuyuko sayo nang may paggalang at takot.
8 LORD, i-lead mo ako na gawin ang gusto mo,
ipakita mo sa akin ang lalakaran ko,
kasi napakarami kong kaaway!
9 Walang totoo sa sinasabi ng mga kaaway ko!
Ang gusto lang nila, sirain ang buhay ng iba.
Yung bibig nila, parang bukas na libingan,
puro panloloko ang sinasabi nila.
10 O Diyos, panagutin mo sila, parusahan mo!
Ibagsak mo sila sa sarili nilang pakana.
Palayasin mo sila, ang dami nilang kasalanan!
Ayaw nilang sumunod, sayo pa ay lumalaban.
11 Pero ang lumalapit sayo para maging safe,
laging kakanta sa tuwa at magse-celebrate!
Ingatan mo silang nagmamahal sayo,
ikaw ang dahilan kaya sobrang saya nila.
12 Bine-bless mo, O LORD, ang masunurin sayo,
pagmamahal mo ang shield na nag-iingat sa kanila.

π’πŽπ€πŠπˆππ† | πƒπŽ ππŽπ“ π‘π„ππ”πˆπ‹πƒ | πŸπŸπ€π”π†πŸπŸ”Do not rebuild what God has already destroyedβ€”our old habits, ungodly relationships, v...
21/08/2026

π’πŽπ€πŠπˆππ† | πƒπŽ ππŽπ“ π‘π„ππ”πˆπ‹πƒ | πŸπŸπ€π”π†πŸπŸ”

Do not rebuild what God has already destroyedβ€”our old habits, ungodly relationships, vices, and sin. If God has delivered us from these things, we should not go back to them. Instead, let God take His rightful place in our lives. Be on guard, resist temptation, and resist the devil.

21/08/2026

PSALMS 4

Prayer sa Gabi

Kinompose ni David para kantahin ng song leader, kasabay ng mga instrument na may strings.

1 Ang prayer ko ay sagutin,
ikaw, O Diyos, ang nagdi-defend sa akin!
Nung sobra akong problemado,
pinaginhawa mo ang loob ko.
Maawa ka sa akin, pakinggan mo ang prayer ko.
2 Kayo dyan, hanggang kelan nyo ako babastusin?
Mga salitang walang kwenta at hindi totoo, hanggang kelan nyo mamahalin?
3 Tandaan nyo, binukod ni LORD ang mga matuwid para maging kanya,
at pag tumatawag ako kay LORD, nakikinig sya.
4 Kung magalit man kayo, wag kayong magkasala.
Mag-isip kayong mabuti habang tahimik na nakahiga.
5 Mag-offer kayo ng tamang sacrifices,
at kay LORD kayo magtiwala.
6 Maraming nagpe-pray:
β€œSana naman makatanggap kami ng blessing!
LORD, sana ma-experience namin ang kabutihan mo!”
7 Pero mas matindi yung saya na binigay mo sa akin, kesa sa kanila na may maraming alak at pagkain.
8 Hihiga ako at mahimbing na matutulog,
kasi sayo, LORD, alam kong safe ako.

There is a satisfaction that can only be found in the presence of the Lord. Are you ready to lay down your burdens, humb...
20/08/2026

There is a satisfaction that can only be found in the presence of the Lord. Are you ready to lay down your burdens, humble yourself before Him, and experience His presence once again?

Come, let us worship Him with all our hearts!

See you, church!

19/08/2026

PSALMS 3

Prayer sa Umaga

Kanta ni David nung tumakas sya sa anak nyang si Absalom.

1 Ang dami kong kaaway, LORD,
ang daming kumakalaban sa akin!
2 Pinag-uusapan nila ako,
sabi nila, β€œHindi yan tutulungan ng Diyos!”
3 Pero ikaw, LORD, ang shield na nagpo-protect sa akin, ang panalo ko ay galing sayo,
binabalik mo ang tapang at confidence ko.
4 Tumatawag ako kay LORD,
at sumasagot sya mula sa banal nyang bundok.
5 Humihiga ako, natutulog nang mahimbing,
at sa umaga muling nagigising,
kasi si LORD ang nagbabantay sa akin.
6 Hindi ako takot sa libu-libong kalaban
na nakapaligid sa akin at nag-aabang.
7 O LORD, aking Diyos,
kumilos ka, iligtas mo ako!
Parusahan mo lahat ng kaaway ko,
basagin mo ang mga panga nila.
8 Ikaw, LORD, ang nagliligtasβ€”
i-bless mo po ang iyong bayan.

19/08/2026

PSALMS 1

Ang Tunay na Masaya
1 Bine-bless ang taong ayaw sa advice ng masasama, hindi sumusunod sa example ng mga makasalanan, at hindi nakiki-join sa mga nanlalait sa Diyos.
2 Instead, masaya sya pag sinusunod nya ang batas ni LORD, sa umaga at gabi, inaaral nya yun.
3 Para syang punong nakatanim sa tabi ng batis, namumunga nang sakto sa panahon, hindi natutuyo ang dahon.
Lahat ng ginagawa nya, successful talaga!
4 Ibang-iba dyan ang mga masasama!
Para silang ipa, tinatangay lang ng hangin kung saan-saan.
5 Paparusahan ng Diyos ang mga makasalanan, hindi sila isasama sa grupo ng mga banal.
6 Gina-guide ni LORD ang mga matuwid,
pero ang mga masasama, siguradong masasawi.

PSALMS 2

Ang Haring Pinili ng Diyos
1 Nagrerebelde ang mga bansa, bakit kaya? Nagpaplano ang mga tao, pero wala silang mapapala!
2 Ready na ang mga hari ng mundo,
at ang mga leader ay nagkasundo,
laban kay LORD at sa haring pinili nya.
3 Sinasabi nila, β€œPaghahari ng mga yan, dapat nang tapusin, umalis na tayo sa kontrol nila sa atin.”
4 Nakaupo si Lord sa langit at natatawa lang, β€œAno bang mga plano yan? Walang kwenta!”
5 Nagbigay sya ng warning dahil sa sobrang galit, sa tindi ng galit nya, tinakot nya sila,
6 β€œDoon sa Zion, sa bundok kong banal,
ang pinili kong hari ay aking nilagay.”
7 β€œI-aannounce ko,” sabi ng hari, β€œkung anong sinabi ni LORD.
Sabi nya sa akin, β€˜Ikaw ang anak ko,
ngayon, ako na ang tatay mo.
8 Magsabi ka lang, at ang mga bansa ay ipapamana ko, ang buong mundo ay magiging iyo.
9 Babasagin mo sila gamit ang pamalong bakal, dudurugin mo sila kagaya ng palayok.’”
10 Kaya mga hari, maging matalino kayo,
mga leader ng mundo, pakinggan nyo ang warning na ito:
11 Mag-serve kayo kay LORD nang may takot at paggalang,
12 at yumuko kayo sa paanan nya,
kung hindi, magagalit sya agad at bigla kayong mamamatay. Masaya ang lahat ng taong ang Diyos ang takbuhan.

Address

2nd Floor, J. M. Flores Bldg. , San Nicolas, Concepcion, Tarlac (in Front Of BSANHS)
Tarlac
2316

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hills of Glory Concepcion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Hills of Glory Concepcion:

Shortcuts

Share