Our Lady of Lourdes Parish- CAT

Our Lady of Lourdes Parish- CAT This is the official page of Our Lady of Lourdes Parish CAT

12/09/2026

Makiisa at manalangin kasama natin sa pagdiriwang ng Banal na Misa ngayong ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon.
Sa pamamagitan ng ating Facebook Live, sama-sama tayong manumbalik sa presensya ng Panginoon—anumang distansya o kalagayan ang ating kinaroroonan. Nawa’y ang Salita ng Diyos at ang Banal na Eukaristiya ay maging bukal ng ating lakas, pag-asa, at pananampalataya sa bawat araw.

12/09/2026

Makiisa at manalangin kasama natin sa pagdiriwang ng Banal na Misa ngayong ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon.

Sa pamamagitan ng ating Facebook Live, sama-sama tayong manumbalik sa presensya ng Panginoon—anumang distansya o kalagayan ang ating kinaroroonan. Nawa’y ang Salita ng Diyos at ang Banal na Eukaristiya ay maging bukal ng ating lakas, pag-asa, at pananampalataya sa bawat araw.

KAPISTAHAN NI SAN NICOLAS DE TOLENTINOSa taimtim na pagdiriwang ng Banal na Misa bilang parangal kay San Nicolas de Tole...
10/09/2026

KAPISTAHAN NI SAN NICOLAS DE TOLENTINO

Sa taimtim na pagdiriwang ng Banal na Misa bilang parangal kay San Nicolas de Tolentino, sama-sama nating ipinahayag ang ating pananampalataya at pasasalamat sa Diyos. Ang banal na pagdiriwang ay pinangunahan ni Rev. Fr. Arnulfo B. Corpuz.

Bahagi rin ng pagdiriwang ang pagbabasbas sa mga bata, na ating ipinagkatiwala sa mapagmahal na pagkalinga at panalangin ni San Nicolas.

Nawa’y patuloy niyang gabayan ang ating mga pamilya, lalo na ang ating mga kabataan, upang lumago sa pananampalataya, kabutihan, at pagmamahal sa Diyos.

San Nicolas de Tolentino, ipanalangin mo kami!

KAPISTAHAN NI SAN NICOLAS DE TOLENTINOSa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Nicolas de Tolentino, buong galak po namin kay...
09/09/2026

KAPISTAHAN NI SAN NICOLAS DE TOLENTINO

Sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Nicolas de Tolentino, buong galak po namin kayong inaanyayahan na makiisa sa Banal na Misa sa Setyembre 10, 2026, ganap na ika-4:00 ng hapon, sa Our Lady of Lourdes Parish – CAT.

Halina’t sama-sama nating ipagdiwang ang kapistahan ni San Nicolas de Tolentino at tanggapin ang pagpapala at biyayang hatid ng ating debosyon.

San Nicolas de Tolentino, ipanalangin mo kami!

ANNOUNCEMENT Please be informed that there will be NO  MASS ON WEDNESDAY MORNING & FRIDAY MORNING THIS WEEK.Instead, the...
08/09/2026

ANNOUNCEMENT

Please be informed that there will be NO MASS ON WEDNESDAY MORNING & FRIDAY MORNING THIS WEEK.

Instead, the Holy Masses will be celebrated at the barangay chapels as part of Lakbay Baste.

𝐍𝐀𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐋𝐄𝐒𝐒𝐄𝐃 𝐕𝐈𝐑𝐆𝐈𝐍 𝐌𝐀𝐑𝐘 Buong galak at pasasalamat nating ipinagdiwang ang Kaarawan ng Mahal na Birheng Mari...
08/09/2026

𝐍𝐀𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐋𝐄𝐒𝐒𝐄𝐃 𝐕𝐈𝐑𝐆𝐈𝐍 𝐌𝐀𝐑𝐘

Buong galak at pasasalamat nating ipinagdiwang ang Kaarawan ng Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng isang Banal na Misa, kung saan sama-sama tayong nagtipon bilang isang pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya at panalangin.

Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Rev. Fr. Arnulfo B. Corpuz, na naging pagkakataon upang ating pasalamatan ang Diyos sa biyaya ng buhay ni Maria—ang mapagmahal nating Ina at huwaran ng pananampalataya, kababaang-loob, at pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Sa pamamagitan ng kanyang halimbawa, nawa’y patuloy tayong matutong magsabi ng ating sariling “Fiat”—isang buong pusong “Oo, Panginoon”—sa bawat pagkakataon ng ating buhay.

08/09/2026

𝐋𝐈𝐕𝐄 | 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐋𝐄𝐒𝐒𝐄𝐃 𝐕𝐈𝐑𝐆𝐈𝐍 𝐌𝐀𝐑𝐘

Join us in prayer and celebration as we honor the Birthday of our Blessed Mother, the Virgin Mary.

Let us offer our prayers and intentions through the loving intercession of Mary, our Mother, as we celebrate this blessed occasion with grateful hearts.

Presider: Rev. Fr. Arnulfo B. Corpuz

Let us pray together and celebrate with joy the birth of our Blessed Mother. Ave Maria!

𝗡𝗔𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗕𝗟𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗩𝗜𝗥𝗚𝗜𝗡 𝗠𝗔𝗥𝗬Sa araw na ito, buong galak at pasasalamat nating ipinagdiriwang ang pagsilang ng ati...
07/09/2026

𝗡𝗔𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗕𝗟𝗘𝗦𝗦𝗘𝗗 𝗩𝗜𝗥𝗚𝗜𝗡 𝗠𝗔𝗥𝗬

Sa araw na ito, buong galak at pasasalamat nating ipinagdiriwang ang pagsilang ng ating Mahal na Ina, ang Birheng Maria—mapagmahal na Ina, huwaran ng pananampalataya, at mapagkumbabang lingkod ng Diyos.

Nawa’y patuloy niya tayong akayin palapit kay Hesus, samahan sa bawat pagsubok, at balutin ng kanyang mapagkalingang pagmamahal.

Mahal na Ina, ipanalangin mo kami at gabayan sa aming paglalakbay tungo kay Kristo

PAUNAWAMayroon po tayong kaunting pagbabago sa iskedyul para sa pagdiriwang ng Pagsilang ng Mahal na Ina, ang Mahal na B...
07/09/2026

PAUNAWA

Mayroon po tayong kaunting pagbabago sa iskedyul para sa pagdiriwang ng Pagsilang ng Mahal na Ina, ang Mahal na Birheng Maria.

Narito po ang updated schedule:

8:00 AM – Banal na Misa
2:30 PM – Prusisyon

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa banal na pagdiriwang na ito bilang isang pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

𝘼𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙇𝙐𝙂𝙊𝘿 𝙉𝘼 𝙋𝘼𝙂𝙎𝘼𝙇𝙐𝘽𝙊𝙉𝙂 𝙆𝘼𝙔 𝙎𝘼𝙉 𝙎𝙀𝘽𝘼𝙎𝙏𝙄𝘼𝙉Sa pusong puno ng pananampalataya at kagalakan, malugod nating sinalubong an...
07/09/2026

𝘼𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙇𝙐𝙂𝙊𝘿 𝙉𝘼 𝙋𝘼𝙂𝙎𝘼𝙇𝙐𝘽𝙊𝙉𝙂 𝙆𝘼𝙔 𝙎𝘼𝙉 𝙎𝙀𝘽𝘼𝙎𝙏𝙄𝘼𝙉

Sa pusong puno ng pananampalataya at kagalakan, malugod nating sinalubong ang mahal na imahen ni San Sebastian mula sa Parokya ng Nuestro Padre Hesus Nazareno, Atioc, patungo sa Our Lady of Lourdes Parish Central.

Ang paglalakbay na ito ay hindi lamang isang simpleng pagdalaw ng isang banal na imahen. Ito ay isang pagkakataon upang muling pagsama-samahin ang mga mananampalataya, palalimin ang ating debosyon, at ipakita na ang pananampalataya ay higit na nagiging makabuluhan kapag ito ay sama-samang isinasabuhay.

Sa bawat hakbang, panalangin, awit, at pagsalubong, dama natin ang pagkakaisa ng sambayanan ng Diyos. Sa pagdating ni San Sebastian, dala niya ang paalala ng isang buhay na buong tapang na nanindigan para sa pananampalataya isang halimbawa ng katatagan, katapatan, at pagtitiis sa gitna ng mga pagsubok.

Address

Tarlac
2300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of Lourdes Parish- CAT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category