14/09/2026
๐ด๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Ni: JM Dominguez
Sa loob ng Dalawampuโt apat (24) na taon, muling nasilayan ng mga miyembro ang nagnining-ning na liwanag ng korona na nanggagaling sa bahay dalanginan ng mayantoc tsapter. July 28
Nang nagdaang Buwan, nag pulong ang mga opisyales at kasapi ng tsapter upang pag-usapan ang muling pagpapaganda ng simbahan, naging daan din ito sa paghahanda sa nalalapit na kapaskuhan at nalalapit na ika-25 Silver Anniversary ng nasabing tsapter.
Napag-usapan ang muling pagpapailaw ng korona, dahil sa loob ng 24 na taon, ay hindi na muli pa itong nabuksan. dahilan na rin ng pagkasira ng mga ito. Upang makamit ang proyektong ito, lumikom ang Crusaders officers league (COL) sa pangunguna ni Gng. Florentina Borromeo ng mga donasyon mula sa mga miyembro, at mula sa ibayong-Dagat.
Nang makalikom na ng sapat na pondo, opisyal nang inumpisahan ang pagtanggal sa mga lumang bumbilya, mga receptacle, at mga nangangalawang ng mga wire. at saka na inilagay ang mga tubo na dadaanan ng mga bagong wire, pinalitan na rin ang ilaw ng Double Cross.
Ilang araw mula ng natapos ang proyekto, ay sa hindi inaasahan, may dumaang bagyo, dahilan kung bakit hindi ito nabuksan ng ilang araw, para na rin sa kaligtasan ng lahat.
Sa kabilang dako, pinalitan na rin ang mga bumbilya ng aranya, mula sa isang kulay lamang, pinalitan ito ng Tri-color LED bulb, na mag sisilbing liwanag sa lahat.
Ang matagumpay na proyektong ito ay patunay ng matibay na pagkakaisa, malasakit, at malalim na pananampalataya kay AMA Msgr. Dr. Rufino S. Magliba. Ang mga bukas-palad na tulong ng mga miyembro rito at sa ibayong-dagat ang nagbigay-daan upang muling magningning ang simbahan.