20/05/2026
CATHOLIC FAITH DEFENDER
"NAKALIPAS ANG SAKSI"
¹Mga pangyayari, kasulatan, Pag-aaral at mga taong naging kasangkapan ng hiwaga ang nilikom na magandang balita.
²Sa usaping pananampalataya lahat ay maaaring magbigay ng sariling opinyon at mga akmang na pag-aralan, maging ang pag-aaral sa labas ng pananampalataya ay maaaring maging pananampalataya, ang bawat talino, kagalingan ay mula sa DIYO'S, pumarito si CRISTO para pag-isahin ang mga ito.
³Kung dati ay nakikilala lang natin ang DIYO'S sa salita, sa mga pinag-aralan at mga nalikom na bahagi o tipak ng kanyang katangian, ngayon ay lubos na nga natin siyang nakikilala hindi lang sa salita at sa lahat dahil sa pagparito ni CRISTO naging ganap ang lahat ng ating mga agam-agam sa pananampalataya.
⁴Hinubog tayo ng PANGINOONG sa lahat ng mabubungang aral upang tayo ay lumago at lalong pagyamanin, mga saksi ang ilan sainyo sa mga ipinadalang PROPETA ng PANGINOON at pinangyari niya ang mga tipak ng kasulatan na yon sa mga itinakda niyang panahon at bilang manunulat pinagtibay ko naman ang kaganapan na iyon sa mga isinulat kong ito.
⁵Isinasalaysay ko ang mga ito sainyo upang patatagin ang mga salitang may kaganapan kahit na wala kayong nakikita sapagka't ang tunay na LARAWAN ng PANGINOONG DIYO'S ay ang katuparan ng kanyang mga pangako.
⁶Ang PANGINOON nga ang sumulat tungkol sa Anak at ang anak ang sumulat tungkol sa Ama, kahit ang mga nasa kadiliman ay binigyan ng liwanag at ang liwanag na ito ang siyang ilaw ng sanlibutan, at kahit kailan hindi nagapi ng kadiliman ang liwanag.
⁷Pinag-aralan ko ngang mabuti ang buhay, kung bakit may pagsilang at may kamatayan at tinandaan kong mabuti na mabuti ang maybuhay, hindi na natin mababali ang pagsilang at gayun ang kamatayan nguni't mapalad ang mga taong nasaksihan ang kaganapan ng mga buhay na salita.