San Joaquin at Santa Ana Pastoral Station

San Joaquin at Santa Ana Pastoral Station Diocese of Tarlac
Vicariate of Immaculate Conception - Concepcion
San Joaquin at Santa Ana Pastoral Station
Dutung A Matas, Concepcion, Tarlac

Ika-22 na Linggo sa Karaniwang Panahon | PM MASS"Let us always think of God’s plan. Let us think as God does”- Rev. Fr. ...
30/08/2026

Ika-22 na Linggo sa Karaniwang Panahon | PM MASS

"Let us always think of God’s plan. Let us think as God does”
- Rev. Fr. Paul Bernie Carreon

“Noong panahong iyon, sinimulang ipaalam na ni Hesus sa kanyang mga alagad na dapat siyang magtungo sa Jerusalem at magbata ng maraming hirap sa kamay ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba, at kanilang ipapapatay siya. Ngunit sa ikatlong araw siya’y muling mabubuhay. Niyaya siya ni Pedro sa isang tabi at pinagsabihan ng ganito: “Panginoon, huwag nawang itulot ng Diyos! Hindi po dapat mangyari ito sa inyo.” Ngunit hinarap siya ni Hesus at sinabihan, “Lumayo ka, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip mo’y hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad,
“Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon. Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nito’y ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay?
Sapagkat darating ang anak ng Tao na taglay
ang dakilang kapangyarihan ng kanyang
Ama at kasama ang kanyang mga anghel. Sa
panahong yao’y gagantihin niya ang bawat tao
ayon sa kanyang ginawa.”

Ika-22 na Linggo sa Karaniwang Panahon | AM MASS"Let us always think of God’s plan. Let us think as God does”- Rev. Fr. ...
30/08/2026

Ika-22 na Linggo sa Karaniwang Panahon | AM MASS

"Let us always think of God’s plan. Let us think as God does”
- Rev. Fr. Paul Bernie Carreon

“Noong panahong iyon, sinimulang ipaalam na ni Hesus sa kanyang mga alagad na dapat siyang magtungo sa Jerusalem at magbata ng maraming hirap sa kamay ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba, at kanilang ipapapatay siya. Ngunit sa ikatlong araw siya’y muling mabubuhay. Niyaya siya ni Pedro sa isang tabi at pinagsabihan ng ganito: “Panginoon, huwag nawang itulot ng Diyos! Hindi po dapat mangyari ito sa inyo.” Ngunit hinarap siya ni Hesus at sinabihan, “Lumayo ka, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip mo’y hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad,
“Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon. Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nito’y ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay?
Sapagkat darating ang anak ng Tao na taglay
ang dakilang kapangyarihan ng kanyang
Ama at kasama ang kanyang mga anghel. Sa
panahong yao’y gagantihin niya ang bawat tao
ayon sa kanyang ginawa.”

Happy Birthday to our beloved PPC President! 🎈We thank God for your life, your dedication, and your faithful service to ...
29/08/2026

Happy Birthday to our beloved PPC President! 🎈

We thank God for your life, your dedication, and your faithful service to the church. May the Lord continue to grant you wisdom, strength, good health, and abundant blessings. May He guide you in every decision and use you mightily in leading His people.

May your special day be filled with joy, love, and countless blessings. Happy Birthday, and may God bless you always!

𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎 𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐀PANALANGIN PARA SA PROTEKSYON LABAN SAMALALAKAS NA ULAN AT PAGBAHAMakapangyarihang Diyos, dumudulog kami ...
29/08/2026

𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎 𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐀

PANALANGIN PARA SA PROTEKSYON LABAN SA
MALALAKAS NA ULAN AT PAGBAHA

Makapangyarihang Diyos, dumudulog kami sa Iyong banal na kanlungan habang ang malalakas na ulan at baha ay nagbabanta sa aming mga pamayanan.
Ibalot Mo ang Iyong mapagkalingang mga kamay sa aming mga komunidad upang iligtas ang mga inosenteng buhay mula sa kapahamakan, at panatilihing ligtas ang bawat pamilya sa panganib, sakuna, at paglikas.

Ipagsanggalang Mo ang aming mga tahanan, ang aming mga ari-arian, at ang pawis ng aming mga kamay na nagtataguyod sa aming kabuhayan.
Pagkalooban Mo ng karunungan ang mga nasa kapangyarihan,
Panatilihin kaming matatag at nagkakaisa sa pagmamalasakit sa isa’t isa,
At patahimikin mo ang mga bagyo sa aming kapaligiran.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo, aming Panginoon. Amen.

San Sebastian, ipanalangin mo kami.
San Roque, ipanalangin mo kami.
San Jose, ipanalangin mo kami.
Mater Dolorosa, Ina at Tagapagtanggol ng Lalawigan ng Tarlac, ipanalangin mo kami.

PRAYER FOR PROTECTION FROM HEAVY RAINS AND FLOODING

Almighty God, we seek Your divine shelter as heavy rains and floods threaten our communities.
Wrap Your protective hands around our neighborhoods to shield innocent lives from harm,
Keeping every family safe from danger, injury, and displacement.

Guard our homes, our properties, and the labor of our hands that sustains our livelihoods.
Grant wisdom to those in authority, keep us resilient and united in looking out for one another, and calm the storms around us.

We ask this through Jesus Christ, Our Lord. Amen.

St. Sebastian, pray for us.
St. Roch, pray for us.
St. Joseph, pray for us.
Mater Dolorosa, Mother and Protectress of the Province of Tarlac, pray for us!

PAUNAWA | KANSELASYON NG ANTICIPATED MASS | Agosto 29, 2026 | SabadoDahil sa hindi magandang lagay ng panahon, ipinapaal...
29/08/2026

PAUNAWA | KANSELASYON NG ANTICIPATED MASS | Agosto 29, 2026 | Sabado

Dahil sa hindi magandang lagay ng panahon, ipinapaalam po na kanselado ang mga Anticipated Mass ngayong araw sa mga sitio bilang pag-iingat at kaligtasan ng bawat isa.

Hinihikayat po ang lahat na manatiling ligtas sa bahay at magdasal at iwasang bumiyahe kung hindi kinakailangan. Patuloy po tayong mag-ingat at manalangin. Hinihikayat din ang lahat na magsimba na lamang sa ating Pastoral Station bukas araw ng linggo.

Ngayong Agosto 29, ating ginugunita ang Pagpapakasakit ni San Juan Bautista, isang tapat na lingkod ng Diyos na buong ta...
29/08/2026

Ngayong Agosto 29, ating ginugunita ang Pagpapakasakit ni San Juan Bautista, isang tapat na lingkod ng Diyos na buong tapang na nanindigan para sa katotohanan at katuwiran.

Nawa’y maging inspirasyon sa atin ang kanyang katapangan at katapatan sa pananampalataya. Sa kabila ng mga pagsubok, nawa’y matuto tayong manatiling matatag at tapat sa ating paninindigan para sa kabutihan at katotohanan.

Ngayong Agosto 25, Martes, isinagawa ang Pastoral Visitation ni Reb. Pd. Paul Bernie C. Carreon sa Saint Joseph Chapel, ...
25/08/2026

Ngayong Agosto 25, Martes, isinagawa ang Pastoral Visitation ni Reb. Pd. Paul Bernie C. Carreon sa Saint Joseph Chapel, Brgy. Dutung A Matas, kung saan kinumusta ang kalagayan ng chapel at ng ating mga kaparokya.

Maraming salamat po sa lahat ng dumalo, nakiisa, at naglaan ng oras para sa pagbisitang ito. Nawa’y magsilbi itong daan upang mas lalo pa tayong magkaisa, magtulungan, at patuloy na maging aktibo sa buhay ng ating pamayanan.

Ngayong Agosto 24, Lunes, isinagawa ang Pastoral Visitation ni Reb. Pd. Paul Bernie C. Carreon sa San Gabriel Chapel, Si...
24/08/2026

Ngayong Agosto 24, Lunes, isinagawa ang Pastoral Visitation ni Reb. Pd. Paul Bernie C. Carreon sa San Gabriel Chapel, Sitio Camachilles, Concepcion, kung saan kinumusta ang kalagayan ng chapel at ng ating mga kaparokya.

Maraming salamat po sa lahat ng dumalo, nakiisa, at naglaan ng oras para sa pagbisitang ito. Nawa’y magsilbi itong daan upang mas lalo pa tayong magkaisa, magtulungan, at patuloy na maging aktibo sa buhay ng ating pamayanan.

Ika-21 na Linggo sa Karaniwang Panahon | PM MASS"Key of responsibility: Kapag binibigyan ka ng susi, binibigyan ka ng re...
23/08/2026

Ika-21 na Linggo sa Karaniwang Panahon | PM MASS

"Key of responsibility: Kapag binibigyan ka ng susi, binibigyan ka ng responsibilidad”
- Rev. Fr. Paul Bernie Carreon

“Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga
propeta.” “Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan.
Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.” At mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Kristo.”

Ika-21 na Linggo sa Karaniwang Panahon | AM MASS"Key of responsibility: Kapag binibigyan ka ng susi, binibigyan ka ng re...
23/08/2026

Ika-21 na Linggo sa Karaniwang Panahon | AM MASS

"Key of responsibility: Kapag binibigyan ka ng susi, binibigyan ka ng responsibilidad”
- Rev. Fr. Paul Bernie Carreon

“Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga
propeta.” “Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan.
Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.” At mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Kristo.”

Address

Tarlac
2316

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Joaquin at Santa Ana Pastoral Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share