12/07/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐: "๐ท๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐..." (๐๐ฎ๐๐๐ฌ ๐:๐๐)
Minamahal kong mga kapatid kay Kristo, mga pari, relihiyoso, at lahat ng tapat na mananampalataya sa Diyosesis ng Tarlac:
Buong puso akong nagpahayag ng malalim na pagkabahala, kasama ang Catholic Bishopsโ Conference of the Philippines (CBCP), sa pangunguna ni +Pablo Virgilio S. Cardinal David, D.D., hinggil sa isang bagong salot na tahimik na sumisira sa ating mga indibidwal, pamilya, at lipunan โ ang ๐จ๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ ๐๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ . Ito ay isang anyo ng pagkaalipin na tila kumalat nang hindi natin lubos na namamalayan, na nagdudulot ng matinding pinsala.
Naaalala pa natin ang masalimuot na epekto ng POGO at E-Sabong. Ngunit ngayon, narito ang isang bagong mukha ng pagsusugal, mas madaling pasukin at mas mapanlinlang, lalo na para sa ating mga kabataan. Hindi na ito simpleng libangan; ito ay isang malalim at malawakang krisis moral na kinukubli sa likod ng teknolohiya at "karapatang pantao." Subalit ang tunay na kalayaan ay hindi ang kalayaang gawin ang anumang makasisira sa atin at sa ating kapwa.
๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ -๐๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ง๐
Ang online gambling ay hindi inosente. Ito ay dinisenyo upang maging kaakit-akit, gamit ang mabilis na panalo, makukulay na patalastas, at maging ang paggamit ng mga sikat na personalidad. Ngunit sa likod ng lahat ng ito ay isang sistema na naghahangad na masilo ang mga tao sa lambat ng pagkagumon. Sa isang pindot lamang sa ating mga smartphones, maaaring mawala ang lahat ng pinaghirapan, at marami ang nalululong sa pagkakautang dahil dito. Ang ating konsensya ay unti-unting nagiging manhid, at nakukundisyon tayong isipin na ito ay "normal na libangan." Subalit malinaw ang paalala ng Katesismo ng Simbahang Katolika: "ang sugal ay mali kung ito ay nagdudulot ng pagkalulong o pagkaubos ng dapat ay para sa mga pangangailangan ng pamilya" (CCC #2413).
Nakakalungkot na tila tahimik ang lipunan, maging ang ilang bahagi ng media, gobyerno, at negosyo, na tila nakikinabang sa malaking kita mula sa
online gambling. Bilang mga pastol, hindi tayo maaaring manahimik habang ang mga pamilya ay nawawasak, ang mga kabataan ay naliligaw ng landas, at ang ating moralidad ay unti-unting nilulusaw. Hindi ba natin nakikita ang panganib na dulot nito sa lipunan, ang pagtaas ng krimen, karahasan, at banta sa kaligtasan?
๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฐ๐๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ฆ๐๐๐ก๐๐ง
Ang misyon ng Panginoong Hesus ay magdala ng mabuting balita sa mga dukha, magpalaya sa mga bihag, at magpagaling sa mga sugatan (cf. Lucas 4:18-19). Bilang Kanyang mga tagapaglingkod, at bilang inyong Obispo, nananawagan ako sa bawat isa sa Diyosesis ng Tarlac na:
๐. ๐๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐๐ง๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐จ๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ ๐๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ค๐จ๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐ฒ๐ฎ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐๐ง. Dapat itong tugunan ng sapat na edukasyon, batas, at gamutan.
๐. ๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง, ๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ซ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐: Ibigay ang tunay na prayoridad sa kapakanan ng nakararami at hindi lamang sa kikitain mula sa sugal. Mahalagang protektahan ang ating mga kabataan mula sa mga laro ng sugal sa online payment systems. Idiklarang ilegal ang anumang uri ng online gambling.
๐. ๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐ข๐ฌ๐ฅ๐๐ญ๐จ๐ซ ๐๐ญ ๐๐จ๐๐๐ฅ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ง๐ข๐ญ๐ฌ: Tiyakin na ang ikabubuti ng tao, ng bayan, at ng kinabukasan ang unang isaalang-alang sa pagbibigay-pahintulot o pagbabatas ng anumang uri ng sugal. Huwag nating hayaang masira ang tunay na mahalaga dahil lamang sa kinang ng pera.
๐. ๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฏ๐๐ซ๐ญ๐ข๐ฌ๐๐ซ๐ฌ ๐๐ญ ๐๐๐๐ข๐: Itigil ang "romanticization" ng sugal at ipakitin ang totoo nitong masamang epekto.
๐. ๐๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ซ๐จ๐ค๐ฒ๐ ๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ข, ๐๐๐ ๐จ๐๐๐ข๐๐๐ซ๐ฌ ๐๐ญ ๐ค๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐: Maging aktibo sa pagtulong sa mga tao at pamilyang apektado ng sugal. Huwag manatiling tahimik o magsawalang-kibo. Magdala tayo ng pag-asa at gabay sa mga naging biktima ng bisyong ito.
๐. ๐๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐ข๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐ข๐ง๐ฒ๐จ, ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ญ๐ข๐: Unahin natin ang kapakanan ng bawat isa at ng pamilya. Ingatan ang mga ugnayan at huwag hayaang sirain ng bisyo ang inyong buhay.
Hindi tayo laban sa libangan, ngunit kapag ang "kasiyahan" ay nagiging sanhi ng pagkaalipin at pagkawasak ng buhay, kailangan nating magbigay ng babala. Ang pagkasugapa sa sugal ay hindi lamang kahinaan ng loob; madalas itong nag-uugat sa malalim na sugat at nagbabago sa pag-iisip. Kayaโt ang mga nalululong ay nangangailangan ng malasakit, suporta, at paggabayโhindi panghihiya at panghuhusga.
๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฒ๐๐ซ๐ข๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ฅ๐ข๐ง๐
Tayo ay makakaalpas sa pagkaalipin sa pamamagitan ng marangal na trabaho at sa patuloy na pagtahak sa landas ng katotohanan, kabutihan, katarungan, at higit sa lahat, sa biyaya ng Diyos. Hindi kayo nag-iisa. Ang Simbahan ay patuloy na mag-aalok ng tunay na pag-asa na matatagpuan sa kalayaang ipinahayag ni HesuKristo.
Sa taรณng ito ng Jubileo ng Pag-asa, huwag nawa tayong magsawalang-kibo sa kasiraang ito sa ating lipunan. Manguna tayo sa pagpuna, pagtutol, at pagpigil sa paglaganap ng online gambling. Nawa'y muling marinig sa ating mga simbahan, pamilya, at lipunan ang mensahe ng kalayaan na dulot ni Kristo.
Sa lahat ng ito, hinihingi natin ang panalangin at tulong ni San Sebastian at ng Mahal na Birheng Maria, ang Immaculada Concepcion, at, higit-sa-lahat, ang habag at awa ng Banal na Santatlo: Ama, Anak, at Espiritu Santo. Amen.
+๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ซ๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐.๐.
๐๐ฃ๐ช๐ด๐ฑ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด๐ฆ๐ด๐ช๐ด ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ณ๐ญ๐ข๐ค
ika-13 ng Hulyo, 2025