Saint Vincent Ferrer Chapel, Culipat Tarlac

Saint Vincent Ferrer Chapel, Culipat Tarlac Whatever you do, think not of yourself, but of God. St. Vincent Ferrer

05/04/2023

"Whatever you do, think not of yourself, but of God."

-St. Vincent Ferrer
Jan. 23 1350 - Apr. 05 1419

31/08/2022
He is not here, for he has risen, just like he said. Matthew 28 6Happy Easter!
17/04/2022

He is not here, for he has risen, just like he said.
Matthew 28 6
Happy Easter!

Ngayong Araw, ang ebanghelyo ay tumutukoy sa pinakamatinding sakripisyo ng ating Panginoon, ang Kanyang pagpapakahirap a...
14/04/2022

Ngayong Araw, ang ebanghelyo ay tumutukoy sa pinakamatinding sakripisyo ng ating Panginoon, ang Kanyang pagpapakahirap at pagkamatay sa Krus. Iniwan Siya ng Kanyang mga apostoles at mag-isa Siyang humarap sa mga hamon upang magganap ang kalooban ng Ama na nasa langit.

Hinarap ng Panginoon ang iba't ibang personalidad sa paghahatol sa Kanya. Ang una'y ang mga punong saserdote. Ikalawa ay si Herodes. Ikatlo ay si Pilato, ang gobernador ng Judea. Nagpapatunay ito na may kahalagahan si Hesus at nakagawa Siya ng pangalan, at ang pagkakasuplong sa Kanya ay "politically motivated" sa paningin ng tao. Ngunit sa paningin ng Diyos, ito ay isnag espiritwal na digmaan, at ang pagkamatay ng Kanyang Anak ang magliligtas sa sanlibutan.

Nagkamali ang maraming Hudyo sa pananaw nila sa Kristo. Akala nila, ang Kristo ay isang mandirigma, isang matipuno at matapang na lider ng mga Hudyo, na Siyang magkakamit ng kapangyarihan upang mamuno sa mga Hudyo at palayain ang Israel sa galamay at kamao ng mga dayuhan. Akala nila, bilang Anak ni David, matatayong muli ang Kaharian ni David at ang Kristo ang magsisilbing tagapagmana ng trono. Akala nila, sa pagdating ng Mesiyas, babawi ang sangkahudyuhan at magiging mariwasa't payapang muli ang kanilang pamumuhay. Ngunit hindi pala iyon ang plano ng Diyos.

Para sa Diyos, ang totoong kaaway ng tao ay ang Diyablo, at sa kaloob-looban niya, ang kasalanang nagpapa-alipin sa kanya. Para sa Diyos, hindi tunay na kaaway ng Kanyang Bayan ang mga Romano at kahit na sinong mananakop, sa halip mga kapatid silang nangangailangan ng kaligtasan. Para sa Diyos, ang tunay na pag-unlad ay hindi sa mundong ito, kundi sa kabilang buhay at sa buhay moral at espiritwal.

Tinubos tayo ni Kristo sa pamamagitan ng Krus sa tunay na nagpapa-alipin sa atin. Tanggapin natin Siya at kilalanin bilang Panginoon at makiramay tayo sa Kanyang kadustahan. Amen.

ARAL NGAYONG BIYERNES SANTO.

Ngayong Araw, ang ebanghelyo ay tumutukoy sa pinakamatinding sakripisyo ng ating Panginoon, ang Kanyang pagpapakahirap at pagkamatay sa Krus. Iniwan Siya ng Kanyang mga apostoles at mag-isa Siyang humarap sa mga hamon upang magganap ang kalooban ng Ama na nasa langit.

Hinarap ng Panginoon ang iba't ibang personalidad sa paghahatol sa Kanya. Ang una'y ang mga punong saserdote. Ikalawa ay si Herodes. Ikatlo ay si Pilato, ang gobernador ng Judea. Nagpapatunay ito na may kahalagahan si Hesus at nakagawa Siya ng pangalan, at ang pagkakasuplong sa Kanya ay "politically motivated" sa paningin ng tao. Ngunit sa paningin ng Diyos, ito ay isnag espiritwal na digmaan, at ang pagkamatay ng Kanyang Anak ang magliligtas sa sanlibutan.

Nagkamali ang maraming Hudyo sa pananaw nila sa Kristo. Akala nila, ang Kristo ay isang mandirigma, isang matipuno at matapang na lider ng mga Hudyo, na Siyang magkakamit ng kapangyarihan upang mamuno sa mga Hudyo at palayain ang Israel sa galamay at kamao ng mga dayuhan. Akala nila, bilang Anak ni David, matatayong muli ang Kaharian ni David at ang Kristo ang magsisilbing tagapagmana ng trono. Akala nila, sa pagdating ng Mesiyas, babawi ang sangkahudyuhan at magiging mariwasa't payapang muli ang kanilang pamumuhay. Ngunit hindi pala iyon ang plano ng Diyos.

Para sa Diyos, ang totoong kaaway ng tao ay ang Diyablo, at sa kaloob-looban niya, ang kasalanang nagpapa-alipin sa kanya. Para sa Diyos, hindi tunay na kaaway ng Kanyang Bayan ang mga Romano at kahit na sinong mananakop, sa halip mga kapatid silang nangangailangan ng kaligtasan. Para sa Diyos, ang tunay na pag-unlad ay hindi sa mundong ito, kundi sa kabilang buhay at sa buhay moral at espiritwal.

Tinubos tayo ni Kristo sa pamamagitan ng Krus sa tunay na nagpapa-alipin sa atin. Tanggapin natin Siya at kilalanin bilang Panginoon at makiramay tayo sa Kanyang kadustahan. Amen.

14/04/2022

Bakit tinatawag na "Maundy" ang Maundy Thursday

14/04/2022

MASS READINGS FOR TODAY, April 14, 2022 (Holy Thursday Evening – Mass of the Lord’s Supper)

I. First Reading: EXODUS 12:1-8, 11-14

1The LORD said to Moses and Aaron in the land of Egypt, 2"This month shall be for you the beginning of months; it shall be the first month of the year for you. 3Tell all the congregation of Israel that on the tenth day of this month they shall take every man a lamb according to their fathers' houses, a lamb for a household; 4and if the household is too small for a lamb, then a man and his neighbor next to his house shall take according to the number of persons; according to what each can eat you shall make your count for the lamb. 5Your lamb shall be without blemish, a male a year old; you shall take it from the sheep or from the goats; 6and you shall keep it until the fourteenth day of this month, when the whole assembly of the congregation of Israel shall kill their lambs in the evening. 7Then they shall take some of the blood, and put it on the two doorposts and the lintel of the houses in which they eat them. 8They shall eat the flesh that night, roasted; with unleavened bread and bitter herbs they shall eat it. 11In this manner you shall eat it: your loins girded, your sandals on your feet, and your staff in your hand; and you shall eat it in haste. It is the LORD's passover. 12For I will pass through the land of Egypt that night, and I will smite all the first-born in the land of Egypt, both man and beast; and on all the gods of Egypt I will execute judgments: I am the LORD. 13The blood shall be a sign for you, upon the houses where you are; and when I see the blood, I will pass over you, and no plague shall fall upon you to destroy you, when I smite the land of Egypt. 14"This day shall be for you a memorial day, and you shall keep it as a feast to the LORD; throughout your generations you shall observe it as an ordinance for ever.

II. Responsorial Psalm: PSALMS 116:12-13, 15-18

12What shall I render to the LORD for all his bounty to me? 13I will lift up the cup of salvation and call on the name of the LORD, 15Precious in the sight of the LORD is the death of his saints. 16O LORD, I am thy servant; I am thy servant, the son of thy handmaid. Thou hast loosed my bonds. 17I will offer to thee the sacrifice of thanksgiving and call on the name of the LORD. 18I will pay my vows to the LORD in the presence of all his people,

III. Second Reading: 1 CORINTHIANS 11:23-26

23For I received from the Lord what I also delivered to you, that the Lord Jesus on the night when he was betrayed took bread, 24and when he had given thanks, he broke it, and said, "This is my body which is for you. Do this in remembrance of me." 25In the same way also the cup, after supper, saying, "This cup is the new covenant in my blood. Do this, as often as you drink it, in remembrance of me." 26For as often as you eat this bread and drink the cup, you proclaim the Lord's death until he comes.

IV. Gospel: JOHN 13:1-15

1Now before the feast of the Passover, when Jesus knew that his hour had come to depart out of this world to the Father, having loved his own who were in the world, he loved them to the end. 2And during supper, when the devil had already put it into the heart of Judas Iscariot, Simon's son, to betray him, 3Jesus, knowing that the Father had given all things into his hands, and that he had come from God and was going to God, 4rose from supper, laid aside his garments, and girded himself with a towel. 5Then he poured water into a basin, and began to wash the disciples' feet, and to wipe them with the towel with which he was girded. 6He came to Simon Peter; and Peter said to him, "Lord, do you wash my feet?" 7Jesus answered him, "What I am doing you do not know now, but afterward you will understand." 8Peter said to him, "You shall never wash my feet." Jesus answered him, "If I do not wash you, you have no part in me." 9Simon Peter said to him, "Lord, not my feet only but also my hands and my head!" 10Jesus said to him, "He who has bathed does not need to wash, except for his feet, but he is clean all over; and you are clean, but not every one of you." 11For he knew who was to betray him; that was why he said, "You are not all clean." 12When he had washed their feet, and taken his garments, and resumed his place, he said to them, "Do you know what I have done to you? 13You call me Teacher and Lord; and you are right, for so I am. 14If I then, your Lord and Teacher, have washed your feet, you also ought to wash one another's feet. 15For I have given you an example, that you also should do as I have done to you.

13/04/2022

PANALANGIN NGAYONG MIYERKULES SANTO. 🙏

+Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.

Panginoong Hesus, turuan po Ninyo kami na magkaroon ng puso na katulad ng sa Inyo. Turuan Niyo po kami na maging mabuti sa mga taong nagtaksil at nanakit sa amin. Turuan Niyo po kami na magmahal kagaya ng pagmamahal Ninyo sa amin. Amen.

Ipagkakanulo, Pinagtaksilan. Ngunit patuloy na NagmamahalMARTES SANTO (Jn 13:21-38)Mga Kapatid, sa ating pagbasa ngayong...
12/04/2022

Ipagkakanulo, Pinagtaksilan. Ngunit patuloy na Nagmamahal

MARTES SANTO (Jn 13:21-38)

Mga Kapatid, sa ating pagbasa ngayong Martes Santo, ibinulgar ng Panginoon na siya ay ikakatwa ng Isa sa kanyang mga Apostol. Hindi makapaniwala si Pedro kaya itinanong nya ito sa Panginoon. Sinabi ng Panginoon na kung sino man ang ipagsawsaw nya ng tinapay ay syang magkakanulo sa kanya. Nagsawsaw sya ng tinapay at iniabot ito kay Judas Iscariote. Hindi alam ng mga Apostol ang ibig sabihin nito. Baka lamang nag uutos ang Panginoon para sa paskwa dahil si Judas ang nagtatabi ng kanilang mga salapi. Pagkatapos makuha ni Judas ang tinapay ay syang agad inalihan sya ng Demonyo. Sinabi ng Panginoon na gawin na nya ang kanyang dapat gawin. May habilin naman ang Panginoong Hesu Kristo na sandali na lamang syang makakasama ng mga Apostol. Hindi sila makapaparoon sa kapupuntahan ng Panginoon. Kaya inihabilin nyang magmahalan sila. Nang makilala na sila ay alagad nga ni Kristo. Sinabi ni Simon Pedro sa Panginoon na Buhay nya ay iaalay nya sa Panginoon ngunit pinabulaanan ito ng Panginoon na bago makatilaok ang manok ay ay makaikatlo nyang itatatwa ang Panginoon.

Tunay ngang alam ng Panginoon ang syang mangyayari sa kanya. Si Judas Iscariote, Isa sa mga Apostol ng Panginoon. Laging nakakasama, nakakausap at nakakasalamuha. Ngunit bakit? Bakit ba nya nagawa ito? Mga Kapatid sa Buhay natin marami tayong naging karanasan na mayrong Tao na pinagkatiwalaan natin ng lubos, siya ang taong akala natin ay hindi natin makakagawa ng masama satin? Ngunit ano? Diba nagawa pa rin nyang mang ahas sa atin? Siguro nga, huwag tayong magalit sa Tao kundi sa Demonyo na umalihan sa kanya para magawa iyon. Sa mundo natin ngayon pag sinabihan kang "JUDAS!". Abay masama ka sigurong tao. Inihalintulad ka sa isang taksil! Nagbabalatkayo! Ngunit marapat bang magalit tayo kay Judas? O sa Demonyong umalihan sa kanya.

Tayo rin sa panahon natin ngayon, hindi tayo ligtas sa tukso, ngunit sabi nga ng Iba ay magiging kasalanan iyan kung kinagat mo. Kaya siguro ngayong Panahon ng Semana Santa ay panatilihin natin ang pagiging Dalisay kasama ang Panginoon. Ang Pagtatakwil sa kasalanan ay Pagtatakwil sa Demonyo.

Sinabi ng Panginoon sa mga Apostol na sandali na lang sya makakasama nito. Sa kapupuntahan nya ay hindi sila makakapunta. Ngunit inihabilin ng Panginoon na "Magmahalan Kayo".

Magmahalan Kayo. Sa lahat ng oras. Ang mga salitang namutawi sa Panginoon. Wala na sigurong higit na kasiyahan ang Panginoon kung nakikita nya tayong Nagmamahalan. Love is everything.

Kung nagmamahalan tayo? Walang na sigurong kaguluhan.
Kung nagmamahalan tayo? Kapayapaan ang namumutawi sa Daigdig.

Kung paanong iniibig ng Dyos ang mga Tao naway ganun din Tayo sa ating kapwa.

Mahirap siguro sa iilan sa atin na mahalin ang lahat ng kapwa. Kung mababalikan lang natin, Hindi lahat ng nasa paligid natin ay mabuti. Hindi lahat ng kaibigan mo ay tapat sayo. Hindi lahat ng nakangiti sayo ay nakangiti pa rin pagtalikod mo. Maraming di nakakaunawa ng sakit mo. Ngunit ano ang tanging magiging kasagutan ng lahat. Mahalin mo pa rin sila. Be like Christ. Kahit pilit natin syang itinataboy, nilalapastangan, sunod ng sunod sa mga makamundong bagay? Asan nga ba sya sa puso natin? Ngunit Tayo? Napakalaki ng parte natin sa puso nya. Isa lang ang kahilingan nya. Magmahalan tayo.

Isa sa mga aral ngayong Martes Santo ang siguroy hamon para sa mga naninilbihan sa Panginoon. Si Apostol San Pedro, ang syang pnagkatiwalaan ng higit ng Panginoon. Siya na binigyan ng awtoridad para pamunuan ang Iglesia nya dito sa lupa. Sya na unang Santo Papa natin. Hindi rin sya nakaligtas sa pagtatatwa sa Panginoon.

Kaway kaway mga Servers sa Simbahan dyan oh!?

Siguro lagi kayong nakakatanggap ng katanungang "Nagseserve ka pa naman tapos Ganyan ka?"

Naging Batayan na ba ngayon na kapag naninilbihan ka sa Simbahan ay dapat maging Perpekto ka at laging mabuti ang mamutawi sa inyo?

Remember, lahat tayo ay nagkakasala. Siguro ang nakakahiya lang na kapag mismo ang mga nakakaalam ng Salita ng Dyos ang syang pasimunong nagkakasala. Ngunit Hindi pa rin Tama na sabihin nila na dapat ay maging Perpekto Tayo. Habang narito tayo sa lupa ay walang hanggang katuksuhan ng Demonyo lalo na siguro sa mga naninilbihan sa kanya. I myself is a testimony. Nung nanilbihan ako sa Simbahan ay lalo akong tinukso ng Demonyo sa kung ano anong mga kasalanan. Sa awa at habag ng Dyos ay nalalampasan ko ito. Patuloy akong nagkakasala. Sabi ko nga minsan sa Demonyo. Hinamon ko sya, "SIGE LANG DAMIHAN MO PA PROBLEMA KO!, NO ONE CAN TAKE ME APART FROM JESUS!". Si Hesus ang syang dapat na panaligan natin. He is the only way.

No one is perfect even St Peter, our First Pope. Sya na ang pinagkatiwalaan ng Panginoon ngunit nagawa pa rin nyang itatwa ang Panginoon? Pano pa kaya tayo? Habang maaga pa ay magkaroon tayo ng complete Battle with Satan!. Condemn his works! His evil works! His lies!

Ngayong Martes Santo. Pagnilayan po natin.

12/04/2022
LUNES SANTOBinuhusan ng Pabango si Hesus (Juan 12:1-11) Mga kapatid, sa ating pagbasa ngayong Lunes Santo. Dumating si H...
11/04/2022

LUNES SANTO
Binuhusan ng Pabango si Hesus (Juan 12:1-11)

Mga kapatid, sa ating pagbasa ngayong Lunes Santo. Dumating si Hesus sa Betania, sa lugar ni San Lazaro na muli nyang binuhay. Binuhusan ni Maria ang paanan ng Panginoong Hesu Kristo ng mamahaling pabango. Humahalimuyak ang bango nito sa buong bahay. Pagkatapos buhusan ni Maria ay ipinampunas nya ang kanyang sariling buhok. Si Judas Iscariote naman ay nagtanong kung bakit hindi nalang ipagbili ang pabango na ibinuhos kay Hesus at ibigay nalang sa mga dukha? Hindi dahil may malasakit sya sa mahihirap kundi dahil sya ay magnanakaw. Samantala sa pagdating naman ni Hesus sa Betania ay nabahala ang mga saserdote dahil sa pagkabuhay ni San Lazaro ay maraming Hudio ang nanampalataya kay Hesus, kaya pati si San Lazaro ay binabalak nilang ipapatay.

Tatlo ang makiikita nating mapupulutan ng aral dito.

Una,
ang pagpapakumbaba ni Maria na taga Betania. Kanyang binuhusan ng mamahaling pabango ang Panginoong Hesu Kristo at hindi lamang iyan, kundi ipinampunas pa nya ang kanyang buhok. Sa panahon natin ngayon? Makakaya mo kaya ang ginawa ni Sta Maria na taga Betania? Siguro hindi? Bakit? Lets be practical. Minsan tayong mga tao ay nadadala ng ating pagmamalinis. Minsan ayaw natin sa mga bagay na marurumi. Minsan nga pag may nakasalubong tayong mga namamalimos? Yung iba sa atin ay iiwasan pa ito? Ngunit ano ang ginawa ni Sta Maria na taga Betania? Binuhusan nya ng pabango. Ang halimuyak ng pabango ay tila ba ang Bango ng kanyang Pananampalataya. Ang pagpunas nya ng kanyang buhok sa paanan ni Hesu Kristo ay nangangahulugang nananampalataya sya sa Panginoon. Ngayon, Makikita natin sya sa mga nag aalaga ng mga Imahen o mga Camarero. Sa totoo lang? Napakabango ng mga imahen na inaalagaan nila. Ang pananampalataya nila sa Panginoong Hesus ay napapakita nila sa kanilang pag aalaga sa mga imahe. Sa ginawa ni Sta Maria na taga Betania, nawa ay maging aral sa atin na tayo ay isang alagad ng Panginoon. Ang Panginoong Hesu Kristo nawa an gating itanghal hindi lamang ngayong Semana Santa kundi habang Panahon

Ikalawa.
Ang pagbabalatkayo ni Judas Iscariote. Animoy may malasakit sya sa mga dukha ngunit hindi, Magnanakaw sya! Sya ang nag iingat sa kanilang salapi ngunit kinukupit nya ito! Marahil napakaraming makakarelate dito. Pero magbigay tayo ng isang halimbawa. Tumingin tayo sa paligid. Bigay ng bigay sa mga dukha ng kung ano ano. Mapa bigas, de-lata at iba pa. Ngunit makikita lang naman natin ang naglalakihang mga mukha nila sa bawat supot na lalagyan nito. Mga estrakturang ipinapagawa nila, naglalakihan din ang kanilang mga pangalan sa mga ito. Minsan napapaisip nalang ako. Ano nga ba talaga ang esensya ng pagtulong? Ginagawa nga ba nila iyon sa mga dukha para makatulong? O sadyang ginagawa nila iyon dahil alam nilang may kapangyarihan ang mga tao upang mapanatili sila sa kanilang katungkulan. Mas masayang tumulong ng hindi nalalaman kung sino ka. Mas Masayang tumulong kung alam mong hindi ka kulang sa pansin. At mas masayang tumulong kung ito ay bukal sa puso. Hindi mo na kailangan ipangalandakan ang pagmumukha mo o ang pangalan mo dahil alam natin na ang Panginoon mismo ang magbibigay sa atin ng pagpapala. Gagayahin pa ba natin ang ginawa ni Judas? Ang syang nagkanulo sa Panginoon? Napakarami pang mga halimbawa na marapat nating pagnilayan.

Ikatlo
Ang paninindik ng mga saserdote sa pagdating ni Hesus sa Betania. Nabalitaan ng maraming Hudio na nasa Betania si Hesus kaya pumaroon sila ngunit hindi kay Kristo ngunit kay San Lazaro na binuhay ng Panginoon. Marami nang sumasampalataya sa Panginoong Hesus kaya ikinabahala iyon ng mga Saserdote. Alam ng mga saserdote na habang dumadami ang nananampalataya sa Panginoong Hesu Kristo ay paunti ng paunti rin ang kanilang kapangyarihan. Dahil napakalaki ng koneksyon ng mga saserdote sa usaping Politikal. Kaya habang dumarami ang nanampalataya kay Hesus ay gusto na rin nilang ipapatay ang patunay ng kanilang pananampalataya. Si San Lazaro na muling binuhay ni Kristo. Sa mundo natin nabubuhay tayo sa pagiging mainggitin. Kapag nakakita tayo ng puno na nagbubunga ay gusto natin itong batuhin. Ansarap mapunta dun sa katuktukan ng iyong progreso. Ngunit padami rin ng padami ang naiinggit sayo. Gagawa sila ng paraan upang ikaw ay bumaba. Ngunit ano ba talaga ang dapat nating gawin? Gayahin natin ang Panginoong Hesu Kristo. Hindi sya gumanti. Tinanggap nya ang pag aalipusta sa kanya ngunit sa huli? Sya pa rin ang nagtagumpay. Nailigtas nya tayo sa ating mga kasalanan. 2 Tim 4:5 (Kaya maging mapagpigil ka sa lahat ng oras. Pagtiisan mo ang mga kahirapang dumarating sayo. Gampanan mo ang tungkulin ng isang mangangaral ng Mabuting Balita. Tupdin mo ang iyong tungkulin bilang isang tagapaglingkod ng Dyos).

Pagnilayan po natin…

Address

Zone4 Culipat
Tarlac

Telephone

+639123611113

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Vincent Ferrer Chapel, Culipat Tarlac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share