Ministry of Altar Servers - Our Lady of the Holy Rosary Parish

Ministry of Altar Servers - Our Lady of the Holy Rosary Parish Official page of Ministry of the Altar Servers - OLHRP - Amaya, Tanza, Cavite

02/09/2026

Ating samahan ang Mahal na Birhen ng Sto. Rosario sa 17th Malabon Grand Marian Procession, isang maringal na pagdiriwang ng ating pagmamahal, pananampalataya, at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Sama sama nating parangalan ang ating Ina at ipanalangin ang patuloy na pagpapala, pagkakaisa, at kapayapaan ng ating pamayanan.

Viva La Virgen!
Viva Nuestra Señora del Santisimo Rosario!

Whenever I see gi— OOPSSS! Teka lang… Fiesta muna bago Pasko! Naghahanap ka ba ng sign kay Lord para magamit mo ang tale...
31/08/2026

Whenever I see gi— OOPSSS! Teka lang… Fiesta muna bago Pasko!

Naghahanap ka ba ng sign kay Lord para magamit mo ang talent mo? *Baka ito na ‘yon.*
Dahil sa paparating na fiesta, panahon na para mailabas mo ang iyong creativity, imagination, at artist skills mo!

Altar Server ka?
Mahilig mag-drawing?
May editing skills?
May “designer era” ka na matagal nang hinihintay?
ITO NA TALAGA ‘YON.

We’re calling all our Altar Servers to join our T-Shirt Design Making Contest!

Baka ikaw na ang gumawa ng design na sabay-sabay nating susuotin ngayong Fiesta. Kaya huwag nang hintayin ang moment na masasabi mong “sayang ‘di ako sumali.”
*SUMALI KA NA KASI*

PERO TEKA, SYEMPRE BAGO KA MAG-DESIGN, BASA MUNA!
Nasa pubmat ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa contest, kabilang ang mechanics, qualifications, design guidelines, criteria, at deadline.

INIISIP MO SAAN MAGSUSUBMIT?
Send mo lang dito sa email address. Pramis ‘di iyan scam
𝗦𝗨𝗕𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗘𝗠𝗔𝗜𝗟 𝗔𝗗𝗗𝗥𝗘𝗦𝗦: [email protected]

Need mo ng logo ng MAS?
Syempre provided namin ‘yan para sayo! Malakas ka sa’min e. Ito na o, ibibigay na!
𝗠𝗔𝗦 𝗟𝗢𝗚𝗢:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfw4NcYgYs2S_36vC0gPHUFM59p_CzUK9OqWDl7fjZsGA9Ssw/viewform

Kaya ano pang hinihintay mo?
Open Your Editing App. Open notes. Open your third eye.
At ilabas ang design na nasa utak mo bago pa maunahan ng iba.

Malay mo, design mo na ang susunod nating official MAS shirt.

Good Luck!



29/08/2026

Hello mga kaparokya, limang linggo na lang at pista na ng ating parokya!
Maari ninyong ibigay ang inyong nga pagbati sa pamamagitan ng pagiging sponsor ng mga ad banner taro na ilalagay sa mga kalye sa ating lugar.
Ang proceeds ng mga banner tarps ay mapupunta sa ating construction fund para sa pinapagawa nating oratoryo.
Napaganda mo ang gayak ng inyong lugar, nakatulong ka pa sa ating pagawain! Be one of the Fiesta ad sponsor!

Sa likod ng bawat gawain, programa, at tagumpay ng Ministry of Altar Servers, naroon ang iyong paggabay, tiyaga, at puso...
26/08/2026

Sa likod ng bawat gawain, programa, at tagumpay ng Ministry of Altar Servers, naroon ang iyong paggabay, tiyaga, at pusong handang maglingkod. Hindi lamang bilang isang coordinator, kundi bilang isang huwaran at bahagi ng aming paglago bilang mga lingkod ng Diyos.

Ngayong araw, ipinagdiriwang namin hindi lamang ang iyong pagtatapos, kundi ang lahat ng sakripisyo at pagsubok na iyong nalampasan upang marating ang araw na ito.

Congratulations, Kuya Rodny! Your MAS family is always proud of you!✨

Caption by: Aliah Dantayana
Edited by: JC Ramos and Angelie Rosales




𝐃𝐏 𝐁𝐥𝐚𝐬𝐭 | 𝐀𝐥𝐭𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞𝐫𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡Oo Kapatid, narinig namin ang hiling niyo!Inaanyayahan ang lahat na sumali sa ating 𝗔𝗟𝗧𝗔𝗥 ...
07/08/2026

𝐃𝐏 𝐁𝐥𝐚𝐬𝐭 | 𝐀𝐥𝐭𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞𝐫𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡

Oo Kapatid, narinig namin ang hiling niyo!
Inaanyayahan ang lahat na sumali sa ating 𝗔𝗟𝗧𝗔𝗥 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗘𝗥'𝗦 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝗗𝗣 𝗕𝗟𝗔𝗦𝗧.
Sa paraan na ito, nawa'y ito ay magbigay paalala sa atin na ang Banal na Eukaristiya ay ang sentro ng ating paglilingkod, sa mabuting ehemplo na ginawa ng ating patron, San Tarcisio ng Roma.

𝗠𝗔𝗔𝗥𝗜 𝗡𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗜-𝗖𝗟𝗜𝗖𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗞 𝗡𝗔 𝗜𝗧𝗢:

[𝘿𝙋 𝘽𝙇𝘼𝙎𝙏 𝘾𝘼𝙋𝙏𝙄𝙊𝙉]

Ako si [PANGALAN], 'yung laging (insert your "altar server core" moment), pero ang goal ay laging mapalapit sa Panginoon.

Isang Lingkod ng Dambana ng Our Lady of the Holy Rosary Parish, na naniniwalang ang bawat pagtunog ng kampana, pagbitbit ng krus, at simpleng "Amen" ay paanyaya upang maglingkod nang may pagmamahal at kababaang-loob. Ngayong Altar Servers' Month, ipinagmamalaki kong maging bahagi ng ministeryong hindi lang nagsisilbi sa Misa, kundi hinuhubog din upang maging mas mabuting lingkod ni Kristo.

Palitan na ang iyong profile frame at sama-sama nating ipagdiwang ang biyaya ng paglilingkod!

Frame: https://twb.nz/altarservers-twibbonize

Frame by: Rodny Montano
Caption by: Aliah Dantayana



𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 | 𝐀𝐥𝐭𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞𝐫𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡​"Ang inyong paglilingkod sa altar ay hindi lamang isang tungkulin, kundi isang malaking kar...
07/08/2026

𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 | 𝐀𝐥𝐭𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞𝐫𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡

​"Ang inyong paglilingkod sa altar ay hindi lamang isang tungkulin, kundi isang malaking karangalan, isang tunay na banal na gawain." - Pope St. John Paul II

​Isang maligaya at mapagpalang Buwan ng mga Lingkod Dambana sa ating lahat na mga Lingkod Dambana. Ang buwang ito ay isang magandang pagkakataon upang ipagdiwang at pasalamatan ang ating samahan, dedikasyon, at mga sakripisyo sa paglilingkod sa altar ng ating parokya.

​Nawa ay patuloy nating isapuso ang pagiging tapat na tagasunod ni Kristo hindi lamang sa loob ng simbahan, kundi maging sa ating araw-araw na buhay. Ipagpatuloy nawa natin ang paglilingkod nang may ngiti at wagas na pananampalataya sa bawat Banal na Misa.

​Caption by: Rodny
Pubmat by: JC Ramos




Happy Priests’ Day po Fr. Bobby and Fr. Art!
02/08/2026

Happy Priests’ Day po Fr. Bobby and Fr. Art!

Today, as we celebrate the Feast of St. John Vianney, patron saint of parish priests, we give thanks for the faithful shepherds who lead God's people with humility, compassion, and unwavering dedication.

Happy Priests' Day, Fr. Bobby and Fr. Art!

May the example of St. John Vianney inspire and strengthen all priests in their sacred vocation.

We keep you in our prayers today and always.

𝐒𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧 | 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡 𝐑𝐞𝐜𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔Ginanap kahapon, Hulyo 25, 2026, ang Parish Recollection 2026 bilang paghahanda sa nal...
25/07/2026

𝐒𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧 | 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡 𝐑𝐞𝐜𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔

Ginanap kahapon, Hulyo 25, 2026, ang Parish Recollection 2026 bilang paghahanda sa nalalapit na renewal ng iba't ibang ministeryo ng parokya. Isang pagkakataon ito upang higit na mapalalim ang pananampalataya, mapagnilayan ang kahalagahan ng paglilingkod, at muling pagtibayin ang pagtugon sa tawag ng Diyos.

Ang ating recollection ay hindi lamang isang pagtitipon kundi isang makabuluhang paglalakbay ng pananampalataya. Sa bawat panalangin, pagbabahagi, at sandaling ginugugol natin sa presensya ng Diyos, muli nating naranasan ang Kanyang walang hanggang pagmamahal.

Nawa’y ang mga aral na ating natutunan ay tumatak sa ating isipan at maging inspirasyon sa bawat desisyon na ating gagawin. Patuloy nating palalimin ang ating ugnayan sa Diyos at isabuhay ang Kanyang mga salita.

Bilang mga Lingkod Dambana, patuloy nating isusulong ang paglilingkod na may kababaang-loob at pananampalataya. Sa bawat pag-aalay ng oras at lakas sa dambana, nawa’y maging buhay na patotoo tayo ng pag-ibig ni Kristo.

Photos taken by: Leanne De Ocampo
Caption by: Aina Bocalan & Aliah Dantayana



23/07/2026
18/07/2026

Address

9RPJ+J7Q, Capt. C Montano, Cavite
Tanza
4108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of Altar Servers - Our Lady of the Holy Rosary Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share