Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje - Summercrest Chapel

Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje - Summercrest Chapel Patron ng Kapilya ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay - Summmercrest

Ginanap ang Taizé Prayer bilang isa sa mga aktibidad ng Dalaw Birhen 2026 sa aming komunidad ng Summercrest. Nakiisa rit...
18/08/2026

Ginanap ang Taizé Prayer bilang isa sa mga aktibidad ng Dalaw Birhen 2026 sa aming komunidad ng Summercrest. Nakiisa rito ang mga kabataang nagmula sa aming koro at nag-anyaya rin ng iba pang kabataan na makiisa sa pananalangin.

Ang aral mula sa Mabuting Balita ay nagtuturo sa atin na ang tunay na kayamanan ay hindi nasusukat sa dami ng ating ari-arian, kundi sa ating pagtitiwala sa Diyos at sa ating kahandaang iwan ang anumang humahadlang sa pagsunod sa Kanya.

Hindi masama ang pagiging mayaman. Ang panganib ay kapag ang kayamanan ay naging higit na mahalaga kaysa sa Diyos. Kaya sinabi ni Hesus na “magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.” Ang kaligtasan ay hindi natin nakakamit sa pamamagitan lamang ng ating sariling kakayahan, kundi sa biyaya ng Diyos.

Ang pangako ni Hesus sa mga nagsasakripisyo at nananatiling tapat sa Kanya ay ang buhay na walang hanggan. At sa huli, pinaaalalahanan tayo: “Maraming una na magiging huli, at maraming huli na magiging una.” Ang mahalaga ay hindi ang ating katayuan sa mundo, kundi ang katapatan ng ating puso sa Diyos.



𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟲𝒔𝒂 𝑺𝒖𝒎𝒎𝒆𝒓𝒄𝒓𝒆𝒔𝒕Ipinababatid sa buong sambayanan ng 𝗦𝘂𝗺𝗺𝗲𝗿𝗰𝗿𝗲𝘀𝘁 na mula 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟭𝟳–𝟭𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲, ay mamamalagi...
17/08/2026

𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟲
𝒔𝒂 𝑺𝒖𝒎𝒎𝒆𝒓𝒄𝒓𝒆𝒔𝒕

Ipinababatid sa buong sambayanan ng 𝗦𝘂𝗺𝗺𝗲𝗿𝗰𝗿𝗲𝘀𝘁 na mula 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟭𝟳–𝟭𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲, ay mamamalagi sa ating 𝗞𝗮𝗽𝗶𝗹𝘆𝗮 ang ating Mahal na Ina, Reyna, at Patrona, 𝙉𝙪𝙚𝙨𝙩𝙧𝙖 𝙎𝙚ñ𝙤𝙧𝙖 𝙙𝙚𝙡 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙞𝙨𝙞𝙢𝙤 𝙍𝙤𝙨𝙖𝙧𝙞𝙤 𝙙𝙚 𝘼𝙢𝙖𝙮𝙖.

August 17:
Ang lahat po ay inaanyayahang makiisa at salubungin sa gate 𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗹𝗮𝘀-𝟱:𝟬𝟬 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 ang Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.

Ito ay susundan ng 𝗣𝗿𝘂𝘀𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻/𝗞𝗮𝗿𝗮𝗸𝗼𝗹 paikot sa buong subdivision. Hinihikayat po ang lahat na magdala ng kandila at rosaryo.

Pagdating sa ating Kapilya, ay sisimulan natin ang 𝙍𝙤𝙨𝙖𝙧𝙮𝙤 𝙖𝙩 𝙉𝙤𝙫𝙚𝙣𝙖.

𝙏𝘼𝙇𝘼𝙏𝘼𝙆𝘿𝘼𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙈𝙂𝘼 𝙂𝘼𝙒𝘼𝙄𝙉

𝗔𝗨𝗚𝗨𝗦𝗧 𝟭𝟳
5:00 NH – Pagsundo sa Kapilya ng Sahud-Ulan
5:00 NH – Pagdating at pag-ikot sa buong Summercrest
5:30 NH – Rosaryo at Novena

𝗔𝗨𝗚𝗨𝗦𝗧 𝟭𝟴
3:00 NH – Rosaryo at Novena
6:00 NH–10:00 NG – Pagtatanod sa Mahal na Birhen

𝗔𝗨𝗚𝗨𝗦𝗧 𝟭𝟵
3:00 NG – Rosaryo at Novena
5:00 NH – Pagsundo ng Sambayanan ng Greenville

Tayo po ay sama-samang manalangin at makiisa sa mga gawaing ito. Ating ipagdasal sa 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗕𝗶𝗿𝗵𝗲𝗻 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗼 𝗥𝗼𝘀𝗮𝗿𝘆𝗼 ang Kanyang Maka-inang Pagkalinga at Pagmamal sa ating mga pamilya at sa buong sambayanan.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at debosyon.



📢 ANNOUNCEMENTMagandang araw po sa ating lahat. Ipinapaalam po sa lahat na KANSELADO ang ating Bible Service ngayong Aug...
08/08/2026

📢 ANNOUNCEMENT

Magandang araw po sa ating lahat.

Ipinapaalam po sa lahat na KANSELADO ang ating Bible Service ngayong August 9, 2026 (Linggo) dahil sa masamang panahon. Ito po ay para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat isa.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at manatili po tayong ligtas sa kani-kanilang tahanan. Patuloy po tayong manalangin sa Panginoon. 🙏🏻

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at ingat po tayong lahat. God bless us all!

Espiritu mo’y suguin, P**n, tana’y ‘yong baguhin.Linggo ng Pentekostes
24/05/2026

Espiritu mo’y suguin, P**n, tana’y ‘yong baguhin.

Linggo ng Pentekostes

Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat | 05172026
17/05/2026

Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat | 05172026

Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
10/05/2026

Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

08/05/2026

Mula sa aming parokya, malugod po naming binabati ang ating minamahal na si Bishop Rey!

Maraming salamat po sa inyong tapat na paglilingkod, gabay, at pagmamahal sa Simbahan. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang maipagpatuloy ang inyong banal na misyon.

Kasama po ninyo ang aming mga panalangin at suporta. Pagpalain po kayo ng Diyos at ng Mahal na Birheng Maria.

Happy Birthday po, Bishop Rey!

05/05/2026

DEADLINE OF REGISTRATION para sa mga nais magpakumpil ay sa May 16, 2026 (Saturday)
Ang mga schedule po ng kumpil seminar ay nakapost dito. Tatlong sessions po ang seminar ang kailanga makumpleto na daluhan ng mga nais magpakumpil.
Ang hindi po makakumpleto ng tatlong seminar ay hindi po papayagan na makumpilan. Please take note of the schedule po.
Salamat po!

Address

Summercrest Village Sahud-Ulan
Tanza
4108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje - Summercrest Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share