Holy Family (Ang Banal na Mag-anak)

Holy Family (Ang Banal na Mag-anak) Suggest this page to FRIENDS! Visit us at www.holyfamilychapel.webs.com
+1 504 2671956 Lino Bocalan sa loob ng kanilang bakuran. Lino Bocalan. Ferdinand Quiambao.

Kasaysayan ng Patrong Banal na Mag-anak sa Capipisa

Taong 1960 nagpatayo ng kapilya si Ex-Gov. Ang banal na pamilya ang iniluklok bilang patron ng sambayanang mananampalatayang Katoliko ng Barangay Capipisa. Ang kapilya bagama’t pribadong pag-aari nila ay buong pusong ipinagamit sa mga mananampalatayang Katoliko ng Capipisa. Simula noon, ang mga tao rito ay nagkaroon na ng pagkakataong makapakini

g ng misa kung araw ng Linggo kung saan ang Kura Paroko ng parokya ng Sto. Rosario ng Amaya ang siyang nagmimisa. Sa simula iilan lang ang nagsisimba sapagkat hindi naging gawi ng mga tao rito ang magsimba sa kadahilanang wala nga ritong kapilya. Ang mga tao rito kung nais magsimba ay dumarayo pa sa Holy Cross Parish ng Tanza o sa Our Lady of Immaculate Conception Parish sa Naic. Lumipas ang panahon, sa matiyagang panghihikayat at panunuyo ng Kura Paroko at pamunuan ng Banal na Mag-anak, dumami nang dumami ang mga nagsisipagsimba na hindi na halos magkasya sa kapilya lalo na kung sumasapit ang panahon ng kapaskuhan at mahal na araw. Sa kadahilanang ito, nakapagpasya ang pamunuan ng Barangay, sa pangunguna ng Barangay Chairman, Gavino Bocalan, at ang pamunuan ng Barangay Pastoral Council ng magpatayo na ng sariling kapilya sa isang bakanteng lote na pagmamay-ari rin ni Ex-Gov. Sa pagtutulung-tulong at sama-samang pagkilos ng komunidad, nasimulang maipatayo ang kapilya sa tabi ng Paaralang Elementarya ng Capipisa habang sa pribadong kapilya pa rin idinaraos ang pagmimisa. Pansamatalang napatigil ang pagpapatayo nang maubos ang pondong nalikom kung kaya’t nagsimula muling mangilak ang pamunuan ng Barangay Pastoral upang maipagpatuloy ang proyekto. Subalit sa di inaasahang pangyayari, pumanaw noong ika-4 ng Marso taong 2000 si Ex-Gov. Lino Bocalan na siyang nagmamayari ang loteng kinatatayuan ng pinagagawang kapilya. Ang pagpapatayo sa nasabing lote ay di naipagpatuloy dahil iba na ang nagmamay-ari nito. Sa kalauna’y di na rin maaaring pagdausan ng Misa ang pribadong kapilya sapagkat may iba na ring nagmamay-ari nito. Mula noon ang pinagdarausan ng Misa ay nagpalipat-lipat na ng lugar at ang kahuli-hulihan at pinakamatagal ay ang garahe ng Peter’s compound. Dito na nagsimulang makapagpatayo uli ng panibago at sariling kapilya. Nakalikom at nakapangilak ang komunidad sa pagbili ng lote at pagpapatayo ng isang magandang gusali. Ang namunong Kura Paroko ng nagsagawa ng ground breaking ceremony ay si Reb, P. Ang panibagong kapilya ay masasabing sarili at pag-aari na ng komunidad ng Banal na Mag-anak. Ito ay may sukat na isang libong metro kuwadrado na kung saan ang kalahati nito ay ipinagkaloob ng pamilya ng namayapang Lino Bocalan. Ngayon ang komunidad ng Banal na Mag-anak sa Capipisa ay patuloy pa rin sa pangingilak upang makumpleto ang mga pagawain sa nasabing proyekto. Ngayong taong 2010 ay ipagdiriwang ng komunidad ng Banal na Mag-anak ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakaluklok ng Banal na Mag-anak bilang Mahal na patron ng Barangay Capipisa, Tanza, Cavite. Ang komunidad ng Banal na Mag-anak ay mayroong ding website na kung saan matatagpuan ang iba pang impomasyon hinggil dito: http://holyfamilchapel.webs.com. Anacleta R. Gonzal

October 24, 2010

05/06/2019
17/11/2018

Father Augustus Tolton’s miraculous journey has inspired a canonization effort and a one-man play now touring the U.S.

03/11/2018
Let's all pray for our brothers and sisters who are affected by this catastrophic storm/typhoon (Ompong) so that may be ...
14/09/2018

Let's all pray for our brothers and sisters who are affected by this catastrophic storm/typhoon (Ompong) so that may be spared from all harm and death.

15/08/2018

A Pennsylvania grand jury says 300 priests preyed on children over 70 years. Will the church finally do something about its sinners?

Address

Itaas Street, Brgy. Capipisa
Tanza
4108

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Holy Family (Ang Banal na Mag-anak) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Holy Family (Ang Banal na Mag-anak):

Share