Nuestra Señora De La Soledad De Porta Vaga Chapel

Nuestra Señora De La Soledad De Porta Vaga Chapel Chapel of Nuestra Senora De La Soledad De Porta Vaga

Liturgical Season: Ordinary

--𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟮𝟴--𝕯𝖆𝖐𝖎𝖑𝖆𝖓𝖌 𝕶𝖆𝖕𝖎𝖘𝖙𝖆𝖍𝖆𝖓 𝖓𝖎 𝕾𝖆𝖓 𝕬𝖌𝖚𝖘𝖙𝖎𝖓𝔈𝔩 𝔈𝔵𝔠𝔢𝔩𝔰𝔬 𝔓𝔞𝔱𝔯𝔬𝔫 𝔇𝔢 𝔏𝔞 ℑ𝔤𝔩𝔢𝔰𝔦𝔞 𝔓𝔞𝔯𝔯𝔬𝔮𝔲𝔦𝔞𝔩 𝔡𝔢 𝔖𝔱𝔞. ℭ𝔯𝔲𝔷 𝔜 𝔇𝔢𝔩 𝔓𝔲𝔢𝔟𝔩𝔬 𝔡𝔢 𝔗...
27/08/2026

--𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟮𝟴--
𝕯𝖆𝖐𝖎𝖑𝖆𝖓𝖌 𝕶𝖆𝖕𝖎𝖘𝖙𝖆𝖍𝖆𝖓 𝖓𝖎 𝕾𝖆𝖓 𝕬𝖌𝖚𝖘𝖙𝖎𝖓
𝔈𝔩 𝔈𝔵𝔠𝔢𝔩𝔰𝔬 𝔓𝔞𝔱𝔯𝔬𝔫 𝔇𝔢 𝔏𝔞 ℑ𝔤𝔩𝔢𝔰𝔦𝔞 𝔓𝔞𝔯𝔯𝔬𝔮𝔲𝔦𝔞𝔩 𝔡𝔢 𝔖𝔱𝔞. ℭ𝔯𝔲𝔷 𝔜 𝔇𝔢𝔩 𝔓𝔲𝔢𝔟𝔩𝔬 𝔡𝔢 𝔗𝔞𝔫𝔷𝔞, 𝔓𝔯𝔬𝔳𝔦𝔫𝔠𝔦𝔞 𝔡𝔢 ℭ𝔞𝔳𝔦𝔱𝔢

𝓟𝓪𝓷𝓪𝓵𝓪𝓷𝓰𝓲𝓷 𝓴𝓪𝔂 𝓢𝓪𝓷 𝓐𝓰𝓾𝓼𝓽𝓲𝓷
Minamahal naming San Agustin, taglay ang lubos na pananalig at pagtawag sa Diyos Ama na pinagbubuhatan ng lahat ng pagka-Ama sa lupa, kami ay napaaampon sa iyo bilang isang ama. Dala ng mahabang kasaysayan ng pakikipag-ugnayan ng aming bayan sa iyo at sa iyong pagtugon sa aming mga kahilingan na nagpapahayag ng iyong maka-amang pagtangkilik, ikaw ay naging malapit sa amin. Ito rin ay nagmula sa iyong kabantugan sa pangangasiwa bilang Obispo sa Sambayanan ng Diyos, inalagaan mo ang noon ay munti pa at lumalaking Simbahan sa pagbibigay linaw sa kanyang mga aral kaya ikaw ay tinagurian bilang isa sa mga ama ng Simbahan.

Ngayon, aming ama, patuloy mong ipamalas ang iyong maka-amang pangangalaga sa amin. Ang iyo nawang pagpapamalas na ito ay maghatid sa aming pagkilala sa Diyos Ama na Maylalang sa ating lahat at tunay na pinagmumulan ng bawat biyayang ipinakikiusap namin sa iyo. Idalangin mo sa Diyos na makamit namin sa buhay na ito ang mga kinakailangan namin lalung-lalo na ang kahilingang ito.

(Ilahad ang kahilingan).

Pagkalooban nawa kami ng Diyos ng banal na karunungan na patuloy na magsasaliksik sa kanya at sa kanyang kalooban upang si Kristo ang Katotohanan at Karunungan ng Diyos ay maghari sa amin ngayon at magpakailanman. Amen

_________________________________________________________



-𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎 𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐆𝐘𝐎-Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.Makapangyarihang Diyos, aming Am...
08/08/2026

-𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎 𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐆𝐘𝐎-

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Makapangyarihang Diyos, aming Ama,
sa gitna ng bagyo at panganib, kami’y tumatawag sa iyo.
Ilayo mo po kami sa kapahamakan, baha, at sakuna.
Pahupain mo ang hangin at ulan,
at iligtas mo ang aming pamilya at komunidad.
Patnubayan mo ang mga namumuno at mga tumutulong,
upang kumilos sila nang may tapang at malasakit.
Palakasin mo ang aming pananampalataya,
at turuan mo kaming magmahalan at magdamayan.
Sa tulong ng Mahal na Birheng Maria,sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

𝔑𝔲𝔢𝔰𝔱𝔞 𝔖𝔢ñ𝔬𝔯𝔞 𝔡𝔢 𝔩𝔞 𝔖𝔬𝔩𝔢𝔡𝔞𝔡 𝔇𝔢 𝔓𝔬𝔯𝔱𝔞 𝔙𝔞𝔤𝔞, ℑ𝔭𝔞𝔫𝔞𝔩𝔞𝔫𝔤𝔦𝔫 𝔪𝔬 𝔭𝔬 𝔨𝔞𝔪𝔦

______________________________________

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐏𝐑𝐈𝐄𝐒𝐓’𝐒 𝐃𝐀𝐘 𝐅𝐑. 𝐕𝐈𝐑, 𝐅𝐑. 𝐇𝐄𝐍𝐑𝐘, 𝐅𝐑. 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐄𝐄𝐏!Sa ngalan ng buong komunidad at pamunuan ng Kapilya ng Nuestra Señora...
02/08/2026

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐏𝐑𝐈𝐄𝐒𝐓’𝐒 𝐃𝐀𝐘 𝐅𝐑. 𝐕𝐈𝐑, 𝐅𝐑. 𝐇𝐄𝐍𝐑𝐘, 𝐅𝐑. 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐄𝐄𝐏!

Sa ngalan ng buong komunidad at pamunuan ng Kapilya ng Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga, kami po ay nagkakaisa sa pagpapaabot ng aming pinakamainit at pinakamaosagradong pagbati ng 𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗣𝗥𝗜𝗘𝗦𝗧’𝗦 𝗗𝗔𝗬 sa ating mga dakilang pastol:

𝙍𝙚𝙫. 𝙁𝙧. 𝙑𝙞𝙧𝙜𝙞𝙡𝙞𝙤 𝙎𝙖𝙚𝙣𝙯 𝙈𝙚𝙣𝙙𝙤𝙯𝙖

𝙍𝙚𝙫. 𝙁𝙧. 𝙃𝙚𝙣𝙧𝙮 𝙂𝙤, 𝙎𝙑𝘿

𝙍𝙚𝙫. 𝙁𝙧. 𝙎𝙪𝙣𝙙𝙚𝙚𝙥 𝙋𝙪𝙡𝙞𝙙𝙞𝙣𝙙𝙞, 𝙋𝙄𝙈𝙀

Ang maging isang pari ay hindi lamang isang propesyon o tungkulin ito ay isang banal na bokasyon at isang habambuhay na pagsasakripisyo. Batid po namin na sa likod ng inyong mga ngiti at patuloy na paglilingkod ay may mga sarili rin kayong pagsubok, puyat, at pagod. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mananatili kayong nakatayo upang gabayan ang kawan ng Diyos.

Maraming, maraming salamat po sa pag-aalay ng inyong buhay para sa Simbahan at sa aming mga ordinaryong mamamayan. Ang inyong pagtugon sa tawag ng Diyos ay patuloy na nagbubunga ng maraming biyaya sa aming kapilya.

Muli, Maligayang Araw ng mga Pari kina Fr. Ver, Fr. Henry, at Fr. Sundeep!

Tandaan po ninyo na hindi kayo nag-iisa sa inyong paglalakbay. Ang buong komunidad ng Soledad de Porta Vaga ay patuloy na nakatayo sa inyong likuran—nagmamahal, sumusuporta, at laging ipinagdarasal kayo.

Mabuhay po kayo, at pagpalain pa kayo lalo ng Poong Maykapal!

____________________________________

25/07/2026

Sa biyaya ng ating pagkakakilanlan bilang hinirang na Banal na Pook, ang ating mga puso ay napupuspos ng pasasalamat at pagdiriwang, kaya't inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Ika-10 Anibersaryo ng Dambana ni San Agustin na may temang “Dambanang Hirang, Pusong Nagdiriwang, Isang Dekada ng Pananahan” ngayong ika-26 ng Hulyo 2026.

Ang Misa Mayor ay gaganapin sa ganap na 11:00 ng umaga na pamumunuan ni Rev. Msgr. George A. Morales, dating Vicar General ng Diocese of Imus at Paring Anak ng Tanza.

Pagsapit naman ng 5:30 ng hapon, ang Banal na Misa bago ang pormal na pagsisimula ng prusisyon ay pamumunuan ni Rev. Fr. Julius R. De Sagun, PhL, Priest-Secretary ng ACSP at Rector and Parish Priest ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima sa Binakayan, Kawit.

Halina’t patuloy nating ipahayag ang kasaysayan ng wagas na pag-ibig at pananahan ng Diyos, gayundin ang mapagpalang pamamagitan ni Tata Usteng sa ating buhay!

San Agustin, aming ama, ipanalangin mo kami.

¡Viva Tata Usteng!
¡Viva San Agustin de Tanza!






————————————————
Like and follow us on 𝗙𝗮𝗰𝗲𝗯𝗼𝗼𝗸:
https://www.facebook.com/SanAgustindeTanza

Subscribe to us on 𝗬𝗼𝘂𝘁𝘂𝗯𝗲:
https://www.youtube.com/

Follow us on 𝗧𝗶𝗸𝘁𝗼𝗸:
https://www.tiktok.com/

Follow us on 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗮𝗴𝗿𝗮𝗺:
https://www.instagram.com/sanagustindetanza

"Faith is to believe what you do not see; the reward of this faith is to see what you believe." — St. AugustineA decade ...
25/07/2026

"Faith is to believe what you do not see; the reward of this faith is to see what you believe." — St. Augustine

A decade of overflowing grace, devotion, and spiritual journey!

Ang Komunidad ng Kapilya ng Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga ay taos-pusong nagpapaabot ng pinakamainit na pagbati sa Dambana ni San Agustin at parokya bg Sta Cruz sa pagdiriwang ng inyong Ika-10 Anibersaryo bilang isang Pandiyosesanong Dambana ni San Agustin.

May San Agustin continue to intercede for us as we grow together in faith, love, and unity. Viva San Agustin! Viva Tata Usteng!

___________________________________________


𝘼𝙣𝙣𝙤𝙪𝙣𝙘𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩sa Darating na 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼 𝟮𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟲 ay Wala po tayong Banal na Misa sa ating Kapilya. Lahat po ay inaanyayahan ang...
23/07/2026

𝘼𝙣𝙣𝙤𝙪𝙣𝙘𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩

sa Darating na 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼 𝟮𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟲 ay Wala po tayong Banal na Misa sa ating Kapilya. Lahat po ay inaanyayahan ang lahat na maki misa sa Dambana ni San Agustin sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng Padeklara bilang Pandiyosesanong Dambana ni San Agustin.

𝙈𝙜𝙖 𝙊𝙧𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙈𝙞𝙨𝙖:
AM - 6:00, 7:30, 9:00 at 11:00
PM - 4:00, 5:30
7:00 PM - Santuarios: The Grand Procession

____________________________________

Isang mapagpalang pagbati at mainit na pagtanggap ang buong pusong ipinapaabot ng Kapilya ng Mahal na Birhen ng Soledad ...
19/07/2026

Isang mapagpalang pagbati at mainit na pagtanggap ang buong pusong ipinapaabot ng Kapilya ng Mahal na Birhen ng Soledad de Porta Vaga para kay Reb. Pd. Henry Go, SVD, ang ating Guest Priest sa Pandiyosesanong Dambana ni San Agustin at Parokya ng Santa Cruz.

Napakalaking biyaya para sa ating komunidad ang magkaroon ng panibagong katuwang sa paggabay sa ating espirituwal na buhay at sa pagpapalalim ng ating pananampalataya. Dalangin natin ang gabay at proteksyon ng Espiritu Santo, sa patnubay at pagkalinga ng ating Mahal na Ina, ang Birhen ng Soledad, sa iyong magiging paglilingkod sa parokya.

Muli, Maligayang Pagdating, Padre Henry! Ang buong pamayanan ay kaisa mo sa panalangin at sa pagpapatuloy ng misyon ng Panginoon.

_________________________________________________________

Muchas Gracias Padre Joseph!Isang simpleng pasasalamat ngunit puno ng pagmamahal para sa ating Parochial Vicar ng Dioces...
07/07/2026

Muchas Gracias Padre Joseph!

Isang simpleng pasasalamat ngunit puno ng pagmamahal para sa ating Parochial Vicar ng Diocesan Shrine of San Agustin and Parish of Sta. Cruz, Rev. Fr. Joseph Miguel Mallari, CRS.

Mula po sa amin sa Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga Chapel, maraming-maraming salamat po, Fr. Joseph! Salamat sa bawat banal na misa, sa mga paalala, at sa presensya mo po na laging nagbibigay-lakas sa aming pamayanan ng Springtown. Napakalaking biyaya po ng iyong paglilingkod sa aming kapilya.

Dalangin po namin ang patuloy na paggabay ng Espiritu Santo sa iyong susunod na Misyon. We appreciate you, Fr. Joseph!

_________________________________________________________

Address

Springtown Chapel Brgy. Bucal
Tanza
4108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora De La Soledad De Porta Vaga Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share