24/05/2026
๐๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ซ ๐ข๐ฆ๐๐ ๐๐ฌ ๐ฎ๐ง๐๐๐ซ ๐ญ๐ก๐ ๐๐๐ซ๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐ข ๐ง๐ข ๐๐๐ซ๐ข๐
Sa larawang ito ay tampok ang dalawang imahen ni Nana Pilar na inaalagaan at minamahal ng Samahang Haligi ni Maria.
(Left) ๐๐ ๐๐ฆ๐๐ ๐๐ง ๐๐ซ๐จ๐๐๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ (Privada)
Ito ang imaheng karaniwang ginagamit sa mga prusisyon at pagdiriwang tuwing kapistahan ni Nana Pilar sa Parokya ng St. John Paul II. Bagaman ang imahen ay nananatili sa pribadong pag-aari, ang imaheng ito ang inilalabas sa mga Dalaw Birhen, espesyal na imbitasyon sa labas ng parokya, at ibaโt ibang pangparokya at pandiyosesis na pagdiriwang.
(Right) ๐๐ก๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐๐๐ญ๐๐๐ฅ๐จ ๐๐ฆ๐๐ ๐ โ ang Reyna ng Dambana
Unang inilabas ang imaheng ito noong Pamparokyang Pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen del Pilar noong 2020, sa gitna ng pandemic lockdown. Sa kabila ng mga pagsubok ng panahong iyon, naging tanda siya ng pag-asa, pananampalataya, at pagkakaisa ng mga deboto.
Noong 2022, buong pusong inihandog ng Pamilya Aguja-Silva (๐ถ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ผ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐) ang imaheng ito sa Samahang Haligi ni Maria, at kalaunan ay ipinagkatiwala sa Parokya ng St. John Paul II matapos maitayo ang bagong retablo nito. Tumatayong recamaderos o tagapangalaga nito sina G. Alfred Gallardo at G. Reno Delista.
Sa kasalukuyan, maringal siyang nakaluklok sa retablo ng parokya bilang sagisag ng lakas, kagalakan, at taimtim na debosyon ng sambayanan sa Mahal na Ina. Pumapanaog ang imaheng ito tuwing kaarawan ng Mahal na Birhen, Nobena sa Mahal na Birhen del Pilar, Pagtatapos ng Flores de Maria at sa Parochial Grand Fiesta Procession.