20/06/2024
Ikalawang Araw na Pagsisiyam sa Karangalan ng Mahal na Birhen ng Laging Saklolo
(Hunyo 19, 2024)
PANALANGIN:
O matamis kong Ina! Kung sa iyo po’y hindi ko nakikita ang iyong nakalaang saklolo at pagdamay, ang sarili ko pong kasalanan ang siyang natatakot na humingi sa iyo ng awa. Subali’t kayo po at lubhang mahabagin pagkatapos ng Diyos, sa Iyo isinasalalay ko ang aking buong pag-asa at mula ngayon ay sisikapin kong laging dumulog sa iyo, at idaing ang lahat kong mga kailangan. O inang laging dumaramay!
Marapatin mo pong saklolohan ako sa habang panahon at sa lahat ng pook, sa mga tukso at sa kahirapan ng buhay at ito ay higit sa lahat ay huwag mo po akong pababayaan sa oras ng kamatayan.
- - - - - - - - - - - - - - - - -
Maraming Salamat po Gng. Cecille Del Rosario at Pamilya sa inyong pagtanggap at pagpapatuloy sa Mahal na Ina.