24/09/2026
San Lorenzo Ruiz, kauna-unahang Pilipinong Santo, ipanalangin mo kami.
Patron ng mga Katekista at mga Sakristan, si San Lorenzo Ruiz na isang martir ang kauna-unahang Pilipinong Santo, siyang ating huwaran sa pananampalataya, paninindigan, at paglilingkod nang may kababaang-loob.
Sa pangunguna at pamamahala ng Ministry of Altar Servers ng Pandiyosesanong Dambana ni San Agustin at Parokya ng Sta. Cruz, inaanyayahan ang lahat na aktibong makibahagi sa pag-alala’t pagpaparangal kay San Lorenzo Ruiz. Simula, ika-25 hanggang ika-27 ng Setyembre 2026, tuwing 5:30 ng umaga gaganapin ang Triduum sa Karangalan ng Kapistahan ni San Lorenzo Ruiz bago ganapin ang Banal na Misa tuwing 6:00 ng umaga.
Pagsapit ng araw ng Kapistahan, Lunes, ika-28 ng Setyembre, makisalo sa pagdiriwang ng Banal na Misa, ganap na ika-6:00 ng Umaga.
Maging tanda nawa sa atin ang naging buhay ni San Lorenzo Ruiz, na sa kabila ng panganib ng pag-uusig, paghihirap at kamatayan ay pinili niyang ipamalas ang paninindigan at kabayanihan sa kanyang pananampalataya.
San Lorenzo Ruiz, kauna-unahang Pilipinong Santo, ipanalangin mo kami.
————————————————
Like and follow us on 𝗙𝗮𝗰𝗲𝗯𝗼𝗼𝗸:
https://www.facebook.com/SanAgustindeTanza
Subscribe to us on 𝗬𝗼𝘂𝘁𝘂𝗯𝗲:
https://www.youtube.com/
Follow us on 𝗧𝗶𝗸𝘁𝗼𝗸:
https://www.tiktok.com/
Follow us on 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗮𝗴𝗿𝗮𝗺:
https://www.instagram.com/sanagustindetanza