28/06/2022
SIGE, IKAW ANG PINAKA MATALINO,
PERO IKAW PINAKA DUKHA!
ANO, PAYAG KA?
Maala-ala mo pa kaya itong, "Sige ikaw, Pero ikaw" challenge nung kabataan natin?
Di ba meron pa yang, "O, Ikaw pinaka-mayaman, pero muka mo nasa batok! Ano payag ka?"
Ngayon tumanda na tayo, narealize ko, may reflection yan sa pagharap mo sa totoong buhay sa mundo. Orientation na pala yung akala natin, basta laro lang.
Lika, tara, lets confuse everyone! 🤣
Ecclesiastes 9:16 —NIV
¹⁶ So I said, “Wisdom is better than strength.” But the poor man’s wisdom is despised, and his words are no longer heeded.
Sa tagalog para intense...
Mangangaral 9:16 —Ang Salita ng Dios
(Tagalog Contemporary Bible)
¹⁶ Sinabi kong mas mabuti ang karunungan kaysa sa kapangyarihan, pero ang karunungan ng isang taong mahirap ay hindi binibigyang halaga at ang mga sinasabi niyaʼy hindi pinapansin.
Another one...
Mangangaral 9:16 —Magandang Balita Biblia
¹⁶ Ang sinasabi ko, makapangyarihan ang karunungan kaysa lakas. Ngunit ang karunungan ng taong mahirap ay hindi pinahahalagahan at ang mga salita nito ay hindi pinapansin.
Isa nanamang praktikal na pagtanaw sa karunungan ng Biblia na pwede nating unawain. Merong mga kalakaran o mga sistema na umiiril na kailangan nating pag-isipan. Tapos, dahan-dahang tanggapin.
Yung mga Bible Passages sa itaas 👆 diba dyan pumapasok yung mga mapanindig balahibong, "Sige Ikaw, Pero Ikaw" challenge natin nuon? Yung parang wala kang choice.
Ngayon, yung passage na binasa natin ay totoong nangyayari na yan sa paligid matagal na.
MATALINO KA NGA.
SIGE, IKAW NA ANG PINAKA MADUNONG SA LAHAT. LEGIT. IKAW NA NGA.
PERO...
IKAW ANG PINAKA DUKHA. Ano, dare?!?
Ang ending, walang makikinig sayo. Dukha ka nga kasi. Walang papansin sayo. Pwee ka! Tama? Eh ano pa kaya ang lagay nung, di na nga kadunungan tapos dukha ka pa? Ano na?
Oh, hwag na tayo lumayo. Sino pinaka may boses sa bahay? Di ba bread winner? Diba yung may malaking sweldo? Kung di naman, yung sya lang yung may trabaho?
Sya yung laging nasusunod. Sya yung pwedeng magalit, sumigaw, manita, mangaral, oo sya na, sya na laging magaling. Sya mapera eh, diba? Edi sya ang acting boss. Tama?!? Comment ka nga kung ganyan din sa bahay nyo...
Tapos ikaw, ikaw yung parang ang role mo sa pamilya, ikaw yung dukha, hahahah good luck sayo par at mar. Ikaw lagi runner! May sasabihin ka pa? Hahaha di ba, di mo magawang makapiyok? Bawal ka mag reklamo, purita ka nga kasi eh diba?
Sa tropa ganun din, same same lang. Iisa lang sistema. Walang new teh...
Lalo sa mag-asawa, yun ang critical dun pag ang samahan at relasyon ay kinain narin ng sistemang ganun.
So what's the point? Paano tayo magrereflect? Ano gagawin natin?
Una,
ACCEPT THE FACT. EMBRACE THE TRUTH.
Hindi nasulat ang Ecclesiastes 9:16 ng basta ganun-ganun nalang. Katotohan na yan mula pa nuon kahit wala pa tayo sa mundo. Umiiral na yan. Kaya pag nasa poor state ka pa, hwag mag assume na pakikinggan ka. Hwag mong paniwalain ang sarili mo na papansinin nila ang mga binoboses mo dyan. Magsalita ka kung gusto mo, edi sabihin mo laman ng ulo mo at ng dibdib mo, pero hwag na hwag kang aasang may makikinig sa sinasabe mo. Damage control ka lang para hindi masyado masakit. Pag may nakinig, edi maganda, thank you agad. Pero pag hindi, edi "Ouch!" mo na lang. Sabay sabe, "weee! Di naman masaket, weee" 😂
That move us on sa;
Pang huli, DON'T ACCEPT YUNG UNA.
Huh? Wait, what?!!? Oo. Hwag mong tanggaping mahirap ka nalang habang buhay. Hwag mo sayangin ang bigay ng Dios na dunong at talino sayo na walang nakikinig at lagi kanalang, pwee! Hind pwede, hwag mong tanggaping ganun nalang yun. Magsikap kang umangat. Hwag kang manatiling mahirap. Hwag kang matakot yumaman at magpakayaman! Madalas, madami kang sinabeng magagandang suggestion para maging maayos yung lakad ng pamilya, ng tropa, ng operation sa kompanya, sa asosasyon at kahit sa simbahan o ministeryo mong ginagalawan at madami pang iba. Kaya lang, kinulang ka ng back-up Maam/Sir. Kinulang ka ng estado sa side ng personal mong ekonomiya. Para suportahan sana yung magaganda mong idea. (BO💥M! Bars!)
ALAM MO, MALUPIT ANG MUNDO. LILINLANGIN KA NITO PARA KUNYARE ISA LANG ANG PWEDE SAYO SA PAMIMILIAN.
Pero ang totoo, pede ka namang maging pinaka matalino habang pinakamayaman. O kaya naman, pinaka mayaman habang taglay ang tunay na karunungan.
PAANO MAGING MARUNONG?
Proverbs 9:10, “The fear of the Lord is the beginning of wisdom: and the knowledge of the Holy One is understanding.”
PAANO MAGING MAYAMAN?
Luke 6:38 New International Version
³⁸ Give, and it will be given to you. A good measure, pressed down, shaken together and running over, will be poured into your lap. For with the measure you use, it will be measured to you.”
HWAG KANG SWAPANG, GANERN! 😅
Magsikap ka at gawin ang lahat ng makakaya, at hwag mong kalimutang magtiwala sa Dios at patibayin ang pananampalataya sa ating Ama sa Langit.
Panghawakan nating palagi ang kanyang mga pangako.
2 Mga Taga-Corinto 9:8-11 RTPV05
Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. Tulad ng nasusulat, “Siya'y nagbibigay nang libre sa mga dukha; ang kanyang katuwiran ay walang hanggan.” Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila.
RTPV05: Magandang Balita Bible (Revised)
Now, unawain mo sa part na to na hindi magic yung pag yaman. Magbibigay ang Dios ng binhi na itatanim.
(Bahala kana sa buhay mo pano mo uunawain yung binhi at pagtatanim principle!)
So hindi pwede dito yung konsepto ng Juan Tamad na istorya.
Therefore, yayaman ka kung uunahin mong maging matalino. Yayaman ka ng higit sa kayamanang kailangan mo kung ang motibo mo ay tumulong sa iba para dumami pa ang magpasalamat sa ating Dios!
Kung napagpala ka sa iyong binasa, please leave a comment, FOLLOW & LIKE our page and share this to all your friends!
Maririnig ka din balang-araw!
Ako ba naririnig mo na?