22/05/2026
MAHALAGANG ANUNSYO:
Mapagpalang araw mga kapatid!
Mayroon po kaming mahalagang anunsyo para sa bawat isa.
Sa grasya po ng Panginoon, at sa kabutihang loob po ng mga may-ari ng PRCB building, sa loob po ng walong taon, ay maayos po tayong nakakapagdaos nang mga gawain natin sa nasabing lugar. Subalit sa ngayon po, para sa kaligtasan po ng lahat, minabuti po nating panamantalang idaos ang ating gawain sa darating na linggo, sa Tabing-Ilog gym sa nakasanayan parin nating oras. Nagtitiwala po tayo na sa kabila po ng lahat ng ito,alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.
(Mga Taga-Roma 8:28 ASD). Kaya hindi po tayo nababahala, bagkus tayo po ay umaasa sa magandang gagawin ng Panginoon sa simula ng ating ikawalong taon.
Sama-sama po tayong manalangin at hanapin ang kalooban ng Diyos para sa ating bahay sambahan. Inaasahan namin na sa panibagong lakbayin ay kasama po namin kayo.
“Ngunit ngayon ay sinabi ko sa kanila, “Nakita nʼyo ang nakakaawang kalagayan ng lungsod natin. Giba ang Jerusalem at sunog ang mga pintuan nito. Muli nating itayo ang pader ng Jerusalem para hindi na tayo mapahiya.” Sinabi ko rin sa kanila kung gaano kabuti ang Dios sa akin at kung ano ang sinabi ng hari sa akin. Sumagot sila, “Sige, muli nating itayo ang pader.” Kaya naghanda sila para simulan ang mabuting gawaing ito.”
Nehemias 2:17-18 ASD
“Lahat ng nais tumulong ay naghandog kay Yahweh ng inaakala nilang magagamit sa paggawa ng Toldang Tipanan, ng mga kagamitan sa pagsamba at ng kasuotan ng mga pari. Babae’t lalaki ay naghandog.
Exodo 35:21-22a Revised MBB