Divine Mercy Chapel-Sambal, Tanay, Rizal

Directions

Divine Mercy Chapel-Sambal, Tanay, Rizal Ang Divine Mercy Chapel o DMC ay itinayo noong taong 1999 nina Bro. Bert at Sis Tess Sales

PAGGUNITA KAY SANTA FAUSTINA KOWALSKASanta Faustina, ipanalangin mo po kami🙏Si Santa Faustina ay isinilang na si Helen K...
04/10/2026

PAGGUNITA KAY SANTA FAUSTINA KOWALSKA

Santa Faustina, ipanalangin mo po kami🙏

Si Santa Faustina ay isinilang na si Helen Kowalska sa nayon ng Glogowiec malapit sa Lodz, Poland, na ikatlo sa sampung anak.
Sa gulang na dalawampu ay pumasok siya sa kongregasyon ng mga Madre ng ating Mahal na Birhen ng Awa. Ang mga madreng ito ay nag-alay ng sarili sa pangangalaga ng mga batang babae na salat sa ari-arian at sa kabutihang asal.

Noong taong 1934, bilang pagsunod sa kanyang padre director, ay nagsimulang mag-ingat si Santa Faustina ng isang talaarawan na pinamagatan niyang "Ang Mabathalang Awa sa Aking Kaluluwa"..Ang mahabang salaysay na ito ng malalim na pagsisiwalat at kahanga-hangang karanasang pangkaluluwa ay nagpapahayag ng paraan na ipinagkatiwala ng ating Panginoon sa kanya ang isang natatanging misyon, na ito ay ang ipahayag sa mundo ang mensahe at bagong mga anyo ng pagdedebosyon. Sa Kanyang Mabathalang Awa.

Noong 1938, sa gulang na 33, si Santa Faustina ay namatay sa sakit sa baga, isang taon bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isang digmaang kanyang hinulaan kung gaano magiging kakila-kilabot at kalawak.

Araw ng kapanganakan: Agosto 25, 1905
Araw ng kamatayan: October 5, 1938

Feast of the Nativity of the Blessed Virgin MaryMama Mary, please pray for us!Happy birthday, Mama Mary!
08/09/2026

Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary
Mama Mary, please pray for us!

Happy birthday, Mama Mary!

31 March 2026 Holy TuesdayMother Butler Guild (MBG) visit with Fr. PaneloArchdiocesan Shrine of the Divine Mercy, Mandal...
03/07/2026

31 March 2026 Holy Tuesday
Mother Butler Guild (MBG) visit with Fr. Panelo
Archdiocesan Shrine of the Divine Mercy, Mandaluyong City

[Late post]

31 May 2026 SundaySolemnity of the Most Holy Trinity and the Feast of the Visitation of the Blessed Virgin Mary.Araw din...
16/06/2026

31 May 2026 Sunday
Solemnity of the Most Holy Trinity and the Feast of the Visitation of the Blessed Virgin Mary.

Araw din ng Pagpaparangal, pagmamahal at pagdedebosyon sa ating Mahal na Inang Birheng Maria sa ating chapel.

[Late upload]

29 March 2026 Palm Sunday[Late upload]
16/06/2026

29 March 2026 Palm Sunday

[Late upload]

12 April 2026 Divine Mercy SundayKapistahan ng Banal na AwaFiesta Mass 12:00pmSinundan ng binyag ng mga bata[Late upload...
16/06/2026

12 April 2026 Divine Mercy Sunday

Kapistahan ng Banal na Awa
Fiesta Mass 12:00pm
Sinundan ng binyag ng mga bata

[Late upload]

Feast of the Divine Mercy
12/04/2026

Feast of the Divine Mercy

11/04/2026

IKA-SIYAM NA ARAW NG NOBENA SA MABATHALANG AWA

Winika ng ating Panginoong Hesukristo kay Santa Faustina, “NGAYONG ARAW NA ITO, DALHIN MO SA AKIN ANG MGA KALULUWA NA NANLAMIG at ilubog mo sa kailaliman ng Aking malaking pagka-awa. Ang mga kaluluwang ito ang lubhang nagpapasugat sa Aking Puso at nagbibigay ng matinding pasakit. Ang kaluluwa ko ay lubhang nagtiis ng kasindaksindak na kamuhian sa Halamanan ng mga Oliba dahil sa mga nanlamig na mga kaluluwa. Sila ang dahilan kung bakit nawika Ko: ‘Ama Ko, kung maaari’y ilayo Mo sa Akin ang saro ng paghihirap na ito.’ Para sa kanila ang kahuli-hulihang pag-asa ng kaligtasan ay ang tumakbo sa Aking awa.”

Panalangin:

Lubhang Napakamaawaing Hesus, Ikaw mismo ang Pagka-Awa. Dinadala ko ang mga nanlamig na kaluluwa sa tahanan ng Iyong Napakamahabaging Puso. Dito sa apoy ng Iyong dalisay na pag-ibig bayaan Mo na ang mga nanlamig na kaluluwang ito, na parang mga bangkay, na siyang mga nagdulot ng matinding kamuhian sa Iyo, ay muling mag-alab. O lubhang Napakamaawaing Hesus, gamitin Mo po ang kapangyarihan ng Iyon pagaka-awa at tawagin Mo sila sa kataimtiman ng Iyong pag-ibig, at ibigay Mo sa kanila ang ala-ala ng banal na pag-ibig, sapagka’t walang bagay ang hindi sumasailalim sa Iyong Kapangyarihan.

Walang Hanggang Ama, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga nanlamig na kaluluwa na kasama rin sa Napakamaawaing Puso ni Hesus. Ama ng Awa, isinasamo ko sa Iyo alang alang sa napakapait na Pasiyon ng Iyong Anak at alang-alang sa Kanyang tatlong oras na paghihirap sa Krus ay Iyong ipinahintulot na, sila rin, ay makapagpuri sa kalaliman at sa di masayod na hiwaga ng Iyong pagka-awa. Amen.

04112026

10/04/2026

IKA-WALONG ARAW NG NOBENA SA MABATHALANG AWA

Winika ng ating Panginoong Hesukristo kay Santa Faustina, “NGAYONG ARAW NA ITO DALHIN MO SA AKIN ANG MGA KALULUWANG NAPIPIGIL SA PURGATORYO at ilubog mo sila sa kailaliman ng Aking pagkaawa. Bayaan na ang dumanak na Dugo Ko ang magpalamig at siyang magpahina ng apoy na nagbibigay ng pahirap sa kanila. Lahat ng mga kaluluwang ito ay minamahal Ko rin ng lubos. Sila ay nagbabayad sa kanilang pagkukulang sa Aking hustisya. Nasa inyong kapangyarihan ang ikagiginhawa nila. Tipunin ninyo ang lahat ng indulhensiya sa kayamanan ng Aking Simbahan at ialay alang-alang sa kanila. O, kung nalalaman lamang ninyo ang tinitiis nilang hirap, kayo ay laging mag-uukol sa kanila ng lahat ng bagay na magagawa ninyo matulungan lamang ninyo sila na makabayad ng utang sa Aking hustisya.”

Panalangin:

Lubhang Napakamaawaing Hesus, ikaw mismo ang nagsabi na hangad Mo ang awa; kaya dinadala ko sa tahanan ng Iyong Napakamaawaing Puso ang mga kaluluwa sa Purgatoryo, mga kaluluwa na mahal sa Iyo, subalit, kinakailangang magbayad sa pagkukulang sa Iyong hustisya. Haringa’t ang mga agos ng Dugo at Tubig na dumaloy mula sa Iyong Puso ang siyang pumatay sa apoy ng Purgatoryo, at nang doon, din, ang kapangyarihan ng Iyong awa at maipagdiwang.

Walang Hanggang Ama, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga kaluluwang naghihirap sa Purgatoryo, na kasama sa Napakamaawaing Puso ni Hesus. Isinasamo ko sa Iyo, alang-alang sa napakalungkot na Pasiyon ni Hesus na Iyong Anak, at alang-alang na rin sa lahat ng kapaitan na nag-umapaw sa Kanyang kamahal-mahalang Kaluluwa. Ipakita Mo ang Iyong awa sa mga kaluluwa na nasa Iyong makatarungan at masusing paghuhusga. Tingnan Mo po sila sa walang ibang pamamaraan kung hindi sa pamamagitan ng mga Sugat ni Hesus, ang Iyong pinakamamahal na Anak; sapagkat kami ay naniniwala na walang hanggan ang Iyong kabutihan at awa. Amen.

04102025

09/04/2026

IKA-PITONG ARAW NG NOBENA SA MABATHALANG AWA

Winika ng ating Panginoong Hesukristo kay Santa Faustina “NGAYONG ARAW NA ITO DALHIN MO SA AKIN ANG MGA KALULUWA NG MGA GUMAGALANG AT NAGPUPURI SA AKING MALAKING PAGKAAWA at sila ay ilubog sa Aking awa. Ang mga kaluluwang ito ang nalungkot ng labis sa Aking Pasiyon at nakatuloy ng ganap sa Aking espiritu. Sila ang mga buhay na imahen ng Aking Napakamaawaing Puso. Itong mga kaluluwang ito ang sisikat na may natatanging liwanag sa kabilang buhay. Wala isa man sa kanila ang mahuhulog sa apoy ng impiyerno. Ako Mismo ang magtatanggol sa bawa’t isa sa kanila sa oras ng kamatayan.”

Panalangin:

Lubhang Maawaing Hesus, na ang Puso Mo ang Pag-ibig mismo, tanggapin Mo sa tahanan ng Iyong Napakamaawaing Puso ang mga kaluluwa ng mga tanging nagbibigay puri at gumagalang sa kadakilaan ng Iyong pagka-awa. Ang mga kaluluwang ito ay makapangyarihan sa tanging kapangyarihan na rin ng Diyos . Sa gitna na lahat ng mga hirap at mga balakid tuloy pa rin sa pagsulong, hindi nawawalan ng pag-asa sa Iyong awa; at kaisa sa Iyo, O Hesus, dinadala nila ang sangkatauhan sa kanilang mga balikat. Ang mga kaluluwang ito ay hindi huhusgahan ng mahigpit, at sa halip ay ang Iyong awa ang yayapos sa kanila pagpanaw nila sa buhay na ito.

Amang Walang Hanggan, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga kaluluwang nagpupuri at gumagalang sa Iyong pinakadakilang katangian, at iyan ay ang Iyong walang hanggang awa, na sila rin ay nakapaloob sa Napakamaawaing Puso ni Hesus. Ang mga kaluluwang ito ang buhay na Ebanghelyo; ang kanilang mga kamay ay puno ng mga gawain ng awa at ang kanilang mga puso, na nag-uumapaw sa kaligayahan, ay nagsisi-awit ng mga awitin ng awa sa Iyo, O Diyos na Kataastaasan! Aking isinasamo sa Iyo, O Panginoon Diyos! Ipakita Mo po sa kanila ang Iyong awa nang naayon sa pag-asa at pagtitiwala nila sa Iyo. Matupad nawa sa kanila ang ipinangako ni Hesus, na nagsabi sa kanila na sa buong buhay nila lalo’t higit sa oras ng kamatayan, ang mga kaluluwa na gagalang sa Kanyang walang hanggang awa Siya mismo ang magtatanggol bilang Kanyang kaluwalhatian. Amen.

04092026

Address

Sitio Sambal
Tanay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Divine Mercy Chapel-Sambal, Tanay, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share