God's loves you

God's loves you "Faith without works is dead"

12/11/2025

"There is therefore now no condemnation for those who are in Christ Jesus." - Romans 8:1

19/01/2022

Night
Jan.19,2022

"ACTION is Louder than Words"

Genesis 39:23
[23]Hindi na halos nakikialam ang bantay ng bilangguan sa ginagawa ni Jose, sapagkat si Yahweh ay kasama nito at pinagtatagumpay siya sa lahat niyang gawain.

Purihin Ang Makapangyarihang Salita ng Diyos. Masarap sa Pakiramdam na napapagkatiwalaan tayo ng Amo,Boss,Leader,Sir/Ma'am,Pastor natin sa bagay na pinapagawa sa atin. Dahil alam nila na Sinasamahan tayo ng Diyos. Sa buhay ni Jose kung ating susubaybayan ang kwento ng buhay niya talagang mahirap ang pinagdaanan niya. Ngunit nanatili siyang umaasa at sumasandal sa Diyos kahit minsan naiisip niya din na bakit niya lahat ito nararanasan?. Ngunit mas nakikita niya ang Purpose ng Diyos kung bakit niya ito pinagdaraanan. At alam niya kasama niya ang Diyos kaya di siya natatakot ni nangangamba man. Dahil Kasama niya ang Diyos sa lahat niyang ginagawa. Ikaw kapatid, kasama paba ang Diyos sa lahat mong ginagawa ?. Nawa lagi natin isama siya dahil wala tayo magagawa kung tayo ay hiwalay sa kanya, maging ang kanyang mga Salita. Tayo ay Magtatagumpay lamang kung Kasama natin siya sa bawat nating gagawin katulad ni Jose pati ang Bantay sa Bilangguan kahit nakakulong siya dahil sa Pagbibintang sa kasalanan na di niya ginawa ngunit nakita ng bantay sa bilangguan na Sinasamahan siya ng Diyos dahil nakikita ang bunga ng kanya mga Gawa. Sa Gawa natin makikita ang totoong Bunga ng Pagsunod at Pagmamahal natin sa Diyos. Sinasabi sa (John 14:15) Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos. Maaring Sinasabi natin Mahal natin ang Diyos ngunit taliwas naman ito sa ating mga Gawa at mas higit natin binibigyang halaga ang mga Bagay na pansamantala lamang at konting oras nalang sa Diyos at sa kanyang mga Salita. God Remind us sa Word niyang ito. πŸ˜‡πŸ”₯

Blessed Evening..
Action is LOUDER than WordsπŸ’–πŸ”₯πŸ˜‡

πŸ‘‘

16/01/2022

Night
Jan.16, 2022

Genesis 32:24
[24]naiwang mag-isa si Jacob.Doon, nakipagbuno sa kanya ang isang lalaki hanggang sa pagbubukang-liwayway.

Purihin ang Makapangyarihang Salita ng Diyos. Sa buhay ni Jacob sa kabila ng mga bagay na nangyari sa kanya ay naranasan niya din ang mag-isa. Dahil sa kanyang Pag-iisa may nakipagbuno sa kanya. Sa Buhay natin kapag tayo nalang mag-isa nandoon ang tunay na "BATTLE". Kapag ikaw lang mag-isa maaring panghinaan ka ng Loob, masira ang iyong paninindigan, at maaaring sumuko ka agad at mapagod. Ganyan ang Senyales kapag mag-isa ka. Pero si Jacob, Hindi siya nagpadaig sa kanyang kalaban, kahit ito'y malakas at kahit nahihirapan siya, pinilit niya itong talunin sa pakikipagbuno, kahit mahirap , nakakapagod never siya gumive-up. Ikaw kapatid Noong mag-isa ka nalang sumuko kaba agad, napagod ka agad, binitawan mo agad, yung Faith mo, ok ka paba sa panahong Mag-isa ka nalang at bihira muna makita ang mga taong nagpapalakas sayo. Tandaan ang Totoong pananampalataya ay di nasusukat kapag may kasama ka kundi sa panahon ng mag-isa ka nalang. Ilaban mo ang Faith mo, ang Kaligtasan mo kasama ang Pamilya mo, kaibigan mo, katrabaho mo, at mga tao sa Paligid mo. Si Jacob never sumuko, hanggang bukang liwayway kaya siya ay nagwagi at Pinagpala. Being a Warrior and Servant ng Lord we are Facing many Troubles and Circumtances na minsan matitrigger ang Faith natin but don't Give-up. Fight the Good Fight of our FAITH. Malapit na ang Tagumpay kung di tayo susuko. Madilim man ang mundo ngunit sisikat na ang Bukang liwayway na walang iba ang Pagbabalik ng Ating Panginoong Jesu-Cristo. πŸ˜‡πŸ”₯πŸ™πŸ’–

Blessed Evening.. Sumagana nawa lagi ang Biyaya ng Diyos sa bawat isa sa atin.

πŸ‘‘πŸ”₯

02/01/2022

"WALK BY THE TRUTH"

Genesis 3:5
[5]Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo'y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama.”

Purihin ang Makapangyarihang Salita ng Diyos. Sa Mundong ito madalas ang Tao ay nadadaya ng Sarili hangarin sa buhay. Kadalasan natutukso ang tao na gumawa ng mga bagay na di nakakalugod sa ating Diyos. Kung paano sinalita ito ng "Ahas" kay Eva upang tuksuhin siya upang magkasala sa Diyos at mapahiwalay ang tao sa Diyos na lumalang sa kanya. Minsan may roon tayong ginugusto pero hindi gusto ng Diyos na mangyari sa atin, at kadalasan may pintuan na nagbubukas sa atin na mga opportunity. Minsan kala natin sa Lord yun pala plano ng Kaaway para mailayo ka nito sa ating Diyos. Kaya sa bawat desisyon at paghakbang o pagtahak ng isang layunin, tanungin mo muna si Lord if will nya ba ito sa buhay mo o hindi. Dahil one Mistake malaki ang epekto nito sa buhay mo , sa ministry mo, sa Pamilya mo, sa Career mo, sa trabaho mo, even though sa Future mo. Wag magpadala sa Good offer ng mundo, Sikapin natin na mas sundin natin yung "WILL" ng Lord sa bawat isa sa atin. Lakaran ang bawat kaloob at Regalo sayo ng Diyos. Wag tayo magpadala at magpa-akit sa Ganda ng Offer ng mundo mas masarap sa Plano ni Lord kapatid. Operan ka man ng mundo ng magagandang bagay na makakatulong para umasenso ka, umunlad ka, maging kilala ka, maging magaling ka man sa lahat ng aspeto sana mas piliin mo ang manatili sa Utos at Kalooban ng Diyos na mafullfill mo yung Path na nais niyang lakaran mo dito sa mundo. πŸ˜‡πŸ˜πŸ˜˜πŸ”₯

Blessed Evening πŸ™πŸ˜‡
πŸ”₯πŸ˜‡πŸ™Œ
CHRIST ABOVE ALLπŸ˜‡πŸ”₯πŸ‘‘πŸ™

20/01/2021

Night
Jan 20,2021
"Dreams"

Genesis 41:25
[25]β€œIisa po ang kahulugan ng dalawa ninyong panaginip,” sabi ni Jose. β€œIpinapaalam sa inyo ng Diyos kung ano ang kanyang gagawin.

Purihin ang Diyos. Sa ating bilang isang likas sa tao ang namamahinga dahil sa maghapon na dala ng kapaguran madalas tayo ay nakakaroon ng Panaginip. May mga panaginip na dala lamang ng kapaguran o mga alalahanin. Pero sa talatang ito nahayag sa Panaginip Ang nais ipabatid ng Diyos na mangyayari sa panahon ni Faraon. Katulad sa buhay ni Faraon ang Diyos ay nagpapaalala at nagbibigay ng babala sa mangyayari sa hinaharap sa buhay natin sa pamamagitan ng panaginip. Kaya maging sensitive tayo sa ating Dreams sometimes it is a vision ng Lord to task you a Big opportunity para sa ituwid ang daraanan ng Diyos sa bawat tao, bawat wika , bawat bansa. May Purpose ang lahat kaya patuloy tayo na magtanong sa Lord kung ano ang nais niya sa buhay mo. Desire,Dedication,Determination,Discipline and be Committed. God will Empower us keep movingπŸ˜‡πŸ™πŸ”₯πŸ‘ŠπŸ™Œ

Blessed Evening .
Joseph the DreamerπŸ˜‡πŸ™πŸ”₯πŸ™Œ

17/01/2021

Night
Jan 17,2021
"Build an Altar"

Genesis 35:3
[3]Aalis tayo rito at pupunta sa Bethel. Magtatayo ako roon ng altar para sa Diyos na kasama ko saanman at laging tumutulong sa akin sa panahon ng kagipitan.”

Purihin ang Diyos sa kanyang mga Gawa sa buhay natin. Marami tayong pinupuntahan sa araw-araw at madalas ay lagi tayong abala sa mga bagay-bagay dahil sa kasalukuyan na panahon napakaimportante ng oras o panahon mo upang igugol mo ito sa bawat mong pupuntahan. Pero kung ating mababasa sa talatang ito si Jacob ay naglagak ng Panahon at oras upang pumunta sa Bethel upang magtayo ng Altar sa Diyos na lagi niyang kasama at laging tumutulong sa oras ng kagipitan. Nais ng Panginoon maglaan ka ng oras at panahon sa kanya at maglagak ka ng altar sa buhay mo upang patuloy mo siya alalahanin sa buong araw na kabutihan niya sa buhay mo. God always knocking at the door. Kung sinuman ang magbukas sa Panginoon sa kanya buhay siya ay mananahan sa buhay mo at siya patuloy na tutulong at sasaklolo sayo sa Panahon na kagipitan. Mahal ka ng DiyosπŸ˜‡πŸ™πŸ”₯πŸ™Œβ™₯β™₯

Blessed Evening..
Build your Altar to your Loving Father in HeavenπŸ™πŸ˜‡πŸ”₯πŸ™ŒπŸ’–πŸ‘‘πŸ‘‘πŸ‘‘

06/11/2019

"Muling Babalik πŸ˜‡"

Kapatid, kamusta ka ?
Kamusta ang puso mo ?
Gaya parin ba ng dati, na animo'y nagbabaga dahil sa Presensya Nya,
Yung tipong on fire ka at gustong gusto mong ibahagi ang Kanyang salita , pati na rin ang pakiramdam na kapiling Sya .
Nag daan na ang oras, araw at buwan nagbago na rin ang panahon .
On fire ka parin ba? O hinayaan at isinawalang bahala mo na lang ang lahat ng dahil sa Nanlalamig kana ?

Kamusta ang ministry?
Kamusta ang praise and worship?
Gaya pa rin ba ng dati ?
Yung tipong humagulgol kana sa pag iyak habang nakapikit ang iyong mga mata at nakataas ang iyong kamay , Kasabay ng pagbitaw at pagsigaw ng mga linya ng Kanta dahil ang tangi mo noong kagustuhan ay ang pasalamatan Sya.
O pati yun nagbago na rin? Pati ba yun isinawalang bahala mo na rin ?
Hindi na ikaw yung taong sumasabay sa Kanta.
Hindi na ikaw yung taong nanaising Mas Makilala Sya.
Hindi na ikaw yung taong pupunta ng simbahan para makinig ng salita Nya .
Hindi na ikaw yung dating Ikaw .
Nawala ka sa tamang direksyon .
Nawala ka sa tamang pag hakbang.
Nawala ka sa tamang daan .
Nawala ka sa tamang Plano ng Diyos para sayo. Nawala ka sa Pag sunod sa Kanya .

Kapatid, Kung may isang payo akong maipapayo sayo ay yun ang Bumalik ka . Bumalik ka hindi dahil sa gusto mo lang,
Bumalik ka dahil para sa Kanya .
Tama na ang pagtatago.
Tama na ang pag iwas at pag layo .
Dahil sa pagkakataong ito ,
Ang kailangan mo lang gawin ay ang Bumalik .
Bumalik sa ating Diyos Ama πŸ˜‡β€οΈ

23/09/2019

WHO KILLED SAMSON?--Delilah or the Philistines?
--None of these options is correct.
--Permit me to tell you how.
--Even if there were 10,000 Philistine soldiers, they couldn't have defeated Samson.
--Do you know why? Samson's strength was not of this world; it was divine.
--As long as no one can defeat GOD, no army could have defeated Samson no matter how strong or how many.
--Samson was raised a terror for the Philistines. He killed a lion with his bare hands, lifted the gate of a city on his shoulder and walked over 46miles; he killed 300 Philistines soldiers with a jaw bone.
--What if he got a spear or sword?
--So, who killed Samson? The answer is Samson.
--Yes! Samson killed himself!
β—‡β—†A man is his greatest enemy.
β—†β—‡What an enemy cannot do to a man, he would do to himself.
β—†β—‡Samson killed himself.
β—†β—‡He delivered himself to the lap of Delilah and used his own mouth to tell the secret of his power.
--His life promised so much but delivered so little
--The Bible says in Proverbs, Chapter 19 Verse 3:
"The foolishness of man perverteth his way: and his heart fretteth against the Lord."
--Nobody can ruin your life except you do with your own hands.
--Although you can blame it on GOD or parents or government, you're the architect of your life; you are your greatest enemy.
--Even if your grandparents had done any evil, until you press the trigger it won't explode on your face
--No Satan or witch has the power to destroy you no matter how much they hate you, you're the only one who can kill yourself by your actions
--When the enemies try in vain to kill you, they lie in wait and allow you to kill yourself by your actions.
》》Goliath the champion couldn't hurt David but adultery destroyed his family.
》》The Gentile nations couldn't hurt Moses, but anger killed him.
》》When King Jeroboam stretched his hand against the prophet, his hand dried up. He couldn't hurt him, but his own disobedience turned him to a prey for a lion.
--Your greatest enemy isn't outside there, it's in you!
β—†β—†Millions are killing themselves with their own mouth by what they eat and drink.
β—†β—†Millions die of sexually transmitted diseases every year.
β—‡β—†Would you blame a witch for that?
β—†β—†Hundreds of thousands of divorce and breakup happen every year because people destroy their
own marriages and homes with their own hands.
--Like Proverbs 14:1 says "Every wise woman builds her house, but the foolish one tears it down with her own hands.
--If you fail, don't look far away, look inwards because what's killing you is inside of you.
--What you yield yourself to will either kill or save you.
--If you continue yielding yourself to fornication, that's what will kill you both SPIRITUALLY or PHYSICALLY
--Everyone has a seed of sin deposited in him through his Adamic nature.
》》True repentance kills that seed but if you don't kill that anger, pride, jealousy, greed, lust, it won't just kill you in the future, it might have been killing you already.
》》That's why no matter how much people die of cancer and diabetics people won't stop smoking and drinking because a man signs his
own death warrant
β—†β—‡Kill that seed before it kills you.
β—†β—‡Quit that habit, now! Because your greatest enemy isn't a man or a spirit or Satan but you.
YES, YOU!
BLESS SOMEONE WITH THIS MESSAGE TODAY.
I PRAY FOR THE GRACE OF GOD TO HOLD US TILL THE VERY END. [ Today's Qoute : Isaiah 1:18-20 Amplified Bible (AMP)β€œLet Us Reason”18 β€œCome now, and let us reason together,”Says the Lord.β€œ[a]Though your sins are like scarlet,They shall be as white as snow;Though they are red like crimson,They shall be like wool.19 β€œIf you are willing and obedient,You shall eat the best of the land;20 But if you refuse and rebel,You shall be devoured by the sword.”For the mouth of the Lord has spoken. ] YOU ARE BLESSED IN THE MIGHTY NAME OF JESUS CHRIST AMEN AND AMEN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™
πŸ’•πŸ”₯

21/09/2019

Word of the Day
Sept. 22,2019
PSALMS 66:1-20

Magkaingay kayong may kagalakan sa Dios, buong lupa.

Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan: paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya.

Inyong sabihin sa Dios, napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa! Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo.

Buong lupa ay sasamba sa iyo, at aawit sa iyo; sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah)
Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios; siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao.

Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat: sila'y nagsidaan ng paa sa ilog: doo'y nangagalak kami sa kaniya.

Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man: papansinin ng kaniyang mga mata ang mga bansa: huwag mangagpakabunyi ang mga manghihimagsik. (Selah)

Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan, at iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan:

Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay, at hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa.

Sapagka't ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami: Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak.

Iyong isinuot kami sa silo; ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang.
Iyong pinasakay ang mga tao sa aming mga ulo; kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig; nguni't dinala mo kami sa saganang dako.

(""Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin, aking babayaran sa iyo ang mga panata ko,"")

Na sinambit ng aking mga labi, at sinalita ng aking bibig, nang ako'y nasa kadalamhatian.

Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin, na may haing mga tupa; ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah)

Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios, at ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa.

Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig, at siya'y ibinunyi ng aking dila.

Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, hindi ako didinggin ng Panginoon:

Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios; kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin.

Purihin ang Dios, na hindi iniwaksi ang aking dalangin, ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin.

Blessed SundayπŸ˜‡πŸ”₯πŸ”₯
Its time to Bless his Holy name .
"PANATA SA PANGINOONG DIYOS"
naaalala mo paba .. πŸ”₯

21/09/2019

Advices on Financial Blessings:

Magandang Buhay

FINANCE O PANANALAPI

Ang Biblia ay nagpapahayag tungkol sa ating pananalapi kung kaya mayroong 2,350 bersikulo na tumutukoy tungkol sa pera. Marahil dahil alam ng Diyos kung gaano ka-importante ang pera sa tao. May sinabi na kung mayroon tayong problema sa pera, ang problema natin ay hindi tungkol sa pera kung hindi espiritwal. Ano ang mga prinsipyo ng Biblia tungkol sa pera?

Una, kailangan nating kilalanin na ang Diyos ang nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan (FI 4.19). Sa tuwing kailangan natin ng pera, panalangin ang kasagutan dahil ang Diyos ay maglalaan sa tuwina.

Pangalawa, mahalaga ang pagbibigay. Sa DEUT 14:23, isang layunin ng ikapu ay para turuan ang mga anak ng Diyos na unahin ang Diyos sa kanilang mga buhay.

Pangatlo, itinataguyod ng Biblia ang pagiipon (PRO 21.20). Ginagamit ng aklat ng Kawikaan ang langgam upang ilarawan sa atin ang halaga ng pag-iimpok sa panahon ng tag-ulan.

Pang-apat, umiwas sa pagkakautang. Sinasabi sa PRO 22.7 na sa sandaling mangutang ang isang tao, nababawasan ang bahagi ng kanyang kalayaan dahil siya ay nagiging alipin ng nagpapahiram.

Pang-lima, matutunang maging kontento. Sinasabi sa HEB 13.5 na huwag kayong mag mukhang pera at masiyahan na kayo sa kung ano ang nasa inyo.

Pang-anim, matutong mag budget (PRO 23.23) Kung gusto nating maging mga mabuting katiwala ng pera ng Diyos, matutong magtala na tila meron kang plano. Maging matapat sa sarili. At kapag natuto kang mag budget, hindi ka magkakaroon ng problema sa pera.

Sa huli, humingi ng gabay ng Diyos (AW 1.1). Bago gumawa ng anumang desisyong pinansyal, humingi ng payo. Habang natututo sa panghabambuhay na prinsipyo sa pananalapi, malalaman niya ang kagalagakan at biyaya na nagmumula sa pagtitiwala at pagsunod sa Dios.

God bless us all


πŸ”₯πŸ”₯πŸ”₯

Incase you don't know. Please can you honor them and pray for them!Hindi natin alam ang mga sacrifices at hirap nila.Hin...
16/09/2019

Incase you don't know. Please can you honor them and pray for them!

Hindi natin alam ang mga sacrifices at hirap nila.
Hindi natin alam kung ano mga pinagdadaanan nila.

πŸ“·Ctto.

Address

Tanay
1980

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 12:55pm

Telephone

+639569368989

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when God's loves you posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share